Bakit Nangangati ang Mukha Muka ko? Pantal Namumula Tuyo ang Balat Namamantal Dry Makati Skin Allergy

Precious Gomez
is in the Philippines Medical History

Nakakabahala ang pagkakaroon ng mga pantal sa balat lalo na sa mukha na sanhi ng pangangati. Hirap kapag ang pangangati ay mahirap pigilin. Ang pagkakaroon ng mga pantal dahil sa pangangati ay isang kondisyon sa mukha o balat na kapansin-pansin. Ito rin ay nagiging sanhi ng panunuyot ng bala na dahilan ng allergic reaction. Gayunpaman, ilan sa mga kasong ito, ang dahilan ng pangangati ay maaaring maging mas seryoso. Iba’t-ibang mga sakit tulad ng kidney failure, hepatitis at HIV na sanhi ng pangangati. Ang nunal na nag-umpisa sa pangangati ay palatandaan ng skin cancer.
 
Mga pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng pantal sa mukha sanhi ng pangangati
1. Ang antibiotics, antifungal at gamot sa pamamanhid ang kadalasan pangunahing dahilan ng pangangati ng mukha dahil na rin sa side effect.
 
2. Ang mas madalas na pangangati ng mukha ay nagmumula sa kondisyon ng loob ng katawan, tulad ng liver disease, thyroid conditions, cancer o multiple sclerosis. Nutritional deficiencies tulad ng iron deficiency ay sanhi ng pangangati.
 
Ang dahilan ng pagkakaroon ng maraming pantal sa balat sanhi ng pangangati ay matutukoy sa isa sa mga kondisyong ito:
 
1. Dry skin- Bagaman sa tingin mo ang iyong balat ay magaspang at matigas, ito ang pinaka-sintomas ng tuyong balat. ang panunuyot ng balat ay naguumpisa sa pangangati. Huwag asahan na magkakaroon ng pantal, ngunit mararamdaman mo ang pag-igting ng balat dahil sa kakulangan sa tubig.
 
2. Eczema- Ang pagkakaroon ng pantal ay maaari ring dahil sa eczema o dermatitis.
 
Mayroong ilang uri ng eczemas o pamamaga ng balat dahil sa pangangati nito:
·         Atopic Dermatitis- 90% ng mga tao ang nagkakaroon nito bago mag 5 taong gulang, marahil na malalaman mo ito kung ang pangangati ng balat ay dahil sa atopic (allergic) dermatitis. Bagaman ito ay habangbuhay na kondisyon, ang atopic (allergy) dermatitis ay nababawasan habang ikaw ay tumatanda. Palaging tandaan na ang pangangati ay madalas na mararamdaman sa paa, bukung-bukong, tuhod, siko, kamay, palad, itaas na bahagi ng dibdib, leeg, mukha at kahit sa talukap ng mata.
 
·         Irritant Contact Dermatitis- Ito ay epekto ng kemikal, tulad ng dishwashing liquid o solvent. Ang epekto ng kemikal sa balat ay kaagad na nangyayari o unti-unting nangyayari sa paglipas ng oras dahil sa matagal na pagkababad nito sa bagay na sanhi ng pangangati.
 Bakit Nangangati ang Mukha Muka ko? Pantal Namumula Tuyo ang Balat Namamantal Dry Makati Skin Allergy
Mga halimbawa na nakakaapekto sa balat:
a.  Nickel- Makikita sa mga alahas, metal snaps at kawit sa damit, hikaw at kahit ang mga karayom na ginagamit na pambutas ng tenga ay nagiging sanhi ng allergy.
 
b.  Rubber, especially latex- Nagiging sanhi ng allergic reaction tulad ng pangangati, paghapdi, pamamantal at maraming komplikasyon depende sa tindi ng iyong allergy.
 
c.   Dyes (tulad ng mga permanenteng pangkulay na mayroong paraphenylene-diamine)- Nagiging sanhi ng makakating pantal at chromates (ginagamit upang pakintabin ang sapatos) ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng allergy sa paa. Kung ang chromates ay dumidikit sa daliri ng paa, maaari itong magkaroon ng allergy.
 
d.  Neomycin- Nakikita sa mga antibiotic ointments, lotions, creams, eye drops at ear drops ay nagiging sanhi ng pamumula at pangangati.
 
e.   Mga pabango at iba pang health and beauty products ay nagiging sanhi rin ng pangangati.
 
3. Fungal infection- Mayroong iba’t-ibang uri ng impeksyon sa balat dahil sa fungi na nagiging sanhi ng pangangati, kasama ng iba pa, mas matinding sintomas tulad ng pamumula at panunuklap ng balat. Ang mga halimbawa nito ay ang buni at pangangati ng maselang bahagi ng katawan tulad ng singit at puwit.
 
Kung tama ang dyagnosis, tama ang lunas
 
1. Bagaman ang ilang kondisyon ay dahil sa pamamantal ng pisngi, umpisahang lunasan ito sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga sangkap na dahilan ng pagkakaroon ng reaksyon sa balat. Mahalaga na magpasuri sa dermatologist upang matukoy kung anong uri ng dermatitis (allergy) ang mayroon ka at upang maresetahan ng tamang gamot.
 
2. Minsan ang dyagnosis ay nakikita sa pamamagitan ng kinalalagyan nito at itsura; sa iba pang mga kaso, kinakailangan ng patch test lalo na kung pinaghihinalaang may allegy. Maaari ring magpablood test.
 
3. Kinakailangan ng labis na pag-aalaga lalo na kung nangangati ang iyong balat o kung may iba pang sakit sa balat.
 
4. Iwasan ang mga matatapang na sabon at pampahid pati na rin ang mainit na tubig na maaaring maging sanhi ng pamamalat.
 
5. Maglagay ng moisturizer habang ang balat ay mamasa-masa pa upang maprotektahan ito.
 
6. Magsuot ng mga damit na maluluwag at komportable sa pakiramdam. Panatilihin ding malamig ang buong bahay.
 
7. Kung nagsisimula na ang pangangati, punasan ng malamig na pamunas o dampian ng malamig na tela ang mukha upang humupa ang pangangati kaysa kamutin ito.
 
8. Maaari rin na punasan ng basang pamunas ang mukha o hugasan ang mukha. Maaari itong linisin kung ang balat ay nairita lamang.
 
9. Habang ikaw ay nakakaranas ng pangangati, huwag ilagay ang sarili sa sitwasyon na iyong ikakapagod, sapagkat mas lalo lamang titindi ang pangangati nito.
 
10. Bumili ng over-the-counter na antihistamine cream na ligtas gamitin para sa iyong mukha. Siguraduhin na hindi malalagyan ang paligid ng mga mata. Kung ang sintomas ay mas lumala, itigil na lamang ang paggamit nito at agad na makipag-usap sa doktor.
 
11. Isaalang-alang ang paggamit ng over-the-counter na hydrocortisone cream o mga lotion na nakakapawi ng pangangati tulad ng calamine.
 
12. Uminom ng maraming tubig upang hindi ma-dehydrate.
 
Kailan maaaring pumunta sa doctor?
·         Kapag nagpatuloy ito ng mahigit sa dalawang linggo kahit na nilulunasan sa tahanan at bumibili ng mga over-the-counter na gamot.
 
·         Sinasamahan ng iba pang mga sintomas tulad ng labis na pagkapagod, pagbaba ng timbang o pabalik-balik na lagnat.
 
·         Nakakaabala o pumipigil sa iyong araw-araw na pamumuhay dahil hindi komportable sa pakiramdam at malubha na.
 
·         Epekto ng pagkasira ng balat dahilan upang maimpeksyon.
 
Kapag ikaw ay nakikipag-usap sa doctor o dalubhasa sa balat hinggil sa pangangati ng iyong mukha, maaaring sabihin ang mga listahan ng iyong mga ininom na gamot o supplement. Ang pagsusulat ng mga ininom ng gamot sa loob ng ilang araw bago makipag-usap sa manggagamot ay magandang ideya.
 
Mga dapat iwasan sanhi ng pangangati ng balat
 
Ang labis na pag-aalaga ay nakakaubos ng oras. Malaking bagay na umiwas sa mga sangkap sa mga pampaganda, uri o klase ng tela sa mga damit, at ang pag-iwas sa mga mababangong detergent o mga mabalahibong damit.
Pagkatapos suriin kung ikaw ay may allergy sa balat, ang dermatologist ay magbibigay ng listahan ng mga dapat iwasan at mga bagay na maaaring ipalit upang maiwasan ang allergy. Kapag nalaman mo na kung ano ang nagiging dahilan ng pangangati ng iyong balat, malalaman mo na rin kung paano ito iwasan.
 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.