BAKIT NANGANGATI ANG PWET O PUWET PUWIT? MGA DAHILAN AT SANHI NG PANGANGATI NG TUMBONG O ANUS

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Ang pangangati sa puwet o anus ay karaniwang kondisyon o karamdaman ng mga tao. Maaring ang sanhi ng pangangati sa paligid ng anus ay ang pamamaga ng tisyu sa loob. Ang sanhi ng pananakit o pangangati sa puwet ay maaaring maging simpleng problema lamang na madaling malunasan. Ngunit ang pagkakaroon ng allergy sa puwit, almoranas o tumor sa anus ay isang uri ng sakit na seryoso. Minsan ay nagiging malubhang karamdaman, kung hindi mabigyan ng karampatang lunas. Ang pangangati sa anal ay nakakabigat sa pakiramdam.
Pruritus ang tawag sa kondisyong ito. Maraming sanhi ang pangangati sa puwet: pwedeng iritasyon sa balat, palagiang pag upo, paggamit ng sabong pabango o yong hindi paghugas ng maigi. Ang pagkakaroon ng almoranas, mga allergy at tumor o bukol sa puwet ay ilan lamang sa posilibilidad lumala ang kondisyon. Gayunpaman, ang pangangati sa puwet ay hindi nangangahulugang malubha, dahil makakaya pa itong madaan sa gamutan at mawala kung aalagaan at maging malinis sa katawan.
Ang pangangati sa anus ay problemang nararanasan ng lahat ng tao sa mundo. May mahigit 45 na porsyento ng tao, matanda man o bata ay pinagdaanan ang ganitong suliranin. Kadalasan ang mga lalaki ang madalas na apektado sa mga ganitong karamdaman kaysa sa mga babae. Lalo na ang mga taong may labis na katabaan o timbang at nagsusuot ng masikip na panloob ang madalas nakakaranas nito.
Kadalasan sa pagsusuri ng mga doktor nalalaman ang karamdaman. Susuriin ng doktor ang iyong medikal records at sundan ng isang pisikal na pagsusuri sa parte ng anal. Ang doktor ang kadalasang nagsusuri ng problema batay sa iyong kasaysayan. Ang haba ng pangangati ng tumbong na tumatagal depende sa sanhi nito. Karamihan sa mga kaso, ang simpleng mga hakbang sa paggamot ay nagbibigay ng ilang lunas sa loob ng isang linggo, buwan o pangmatagalang gamutan.
Minsan ang pangangati sa puwet ay sanhi ng maraming mga kadahilanang sabay-sabay. Madalas mararamdaman ito sa gabi, pagkatapos ng pagtatae o pagdumi. Kadalasang apektado nito ay ang mga bata. Nagkakaroon minsan ng sugat o rashes ang pwet. Kung matindi ang pananakit o pangangati ng sugat, kinakailangang magpatingin o magpa konsulta sa doktor para mabigyan ng karampatang lunas at magamot agad.
 
Mga Sanhi, Dahilan o Dulot ng Pangangati
 1.      Pangangalaga sa katawan- Paggamit ng mga produktong naging sanhi ng iritasyon sa balat. Ang sobrang pagkuskos, kulang sa paglilinis, paggamit ng abon, paggamit ng toilet paper na may pabango, wet wipes at magaspang na tisyu ay isa sa mga sanhi ng pangangati.
 
2.      Impeksyon- Isa sa mga batayan ng pagkakaroon ng impeksyon sa puwet ay nakukuha sa pamamagitan ng anal sex o pagtatalik. Ang yeast impeksyon ay karaniwang nararamdaman at lumabas sa mga babae. Ang pinworms o mga parasites ay karaniwang naging sanhi ng pangangati (lalo na sa mga bata).
 
3.      Problema sa balat- Pagkakaroon ng sakit na soryasis, ekzema and seborrhea ay ilan lamang na nagiging sintomas sa maraming dahilan ng pangangati sa paligid ng anus o puwet.
 
4.      Medikal na kondisyon- pangunahing sanhi ng sakit ay ang madalas na pagtatae, matagal na pag-upo, pagkakaroon ng tumor o bato sa puwet, almoranas at iba pang sakit na nakakaapekto sa buong katawan lalo na kapag ikaw ay mayroong diyabetis.
 
5.      Mga inumin o pagkain- Ang mga pagkaing naging sanhi ng allergy o naging dahilan ng pangangati gaya ng kape, cola, gatas, tsaa, tsokolate, alcohol, nuts, at mga maanghang na pagkain.
 
6.      Madumi ang puwet o sa tumbong- Isa sa dahilan ay ang hindi paglinis ng mabuti sa paligid ng puwet o sa butas nito pagkatapos magdumi o tumae. Kahit na maliit lamang ang bahagi na may dumi ay nagiging sanhi ng pangangati.
 
7.      Allergy sa kemikal- Sa mga sensitibong tao ang mga kemikal at gamot na inilalapat sa paligid ng puwet ay maari din maging sanhi ng pangangati o iritasyon. Pangunahing sanhi ay ang paggamit ng may pabangong toilet paper, sabong mabango, at iba pang mga ginagamit sa katawan. Ang pangangati sa puwet ay maari mawala sa mga gamot na nabibili sa botika katulad ng: suppositories, creams at ointments.
 
Kelan Pumunta sa Doktor?
1.      Kung ang pangangati ay hindi tumigil at nagkakaroon ng rashes, nagkakaroon ng bitak, pagdurugo at pagkakaroon ng lagnat. Magpasuri na agad sa doktor upang malunasan agad ito.
 
2.      Kapag ang bata ay hindi makatulog sa gabi at nakakaramdam ng pangangati, isa ito sa sintomas ng pagkakaroon ng pinworm o parasites. Huwag palalain at magpunta agad sa doktor.
 
3.      Tumawag sa doktor at isangguni ang mga palatandaan na nararamdaman upang malaman kung kailangan na bang ipakonsulta o hindi.
 
4.      Kung ang puwet ay nagkakaroon na ng impeksyon, namamaga o namumula
 
5.      Kapag hindi na maipaliwanag kung saan nanggagaling ang pangangati.
 
Mga Dapat Gawin at Makaiwas sa Pangangati ng Puwet
1.      Gumamit ng plain na tisyu na walang pabango
 
2.      Gumamit ng wet wipes upang tiyakin malinis ang tumbong
 
3.      Magsuot ng cotton at maluwang na damit panloob at huwag magsuot ng panty hose at masikip na damit.
 
4.      Bumili ng gamot sa botika na reseta ng doktor at sundin ang tamang paggamit nito upang maibsan ang pangangati.
 
5.      Iwasan ang pagkain na magdudulot ng iritasyon sa balat o allergy
 
6.      Gumamit lamang ng tubig upang linisin ang paligid ng puwet at huwag gumamit ng sabon
 
 
7.      Iwasan ang paggamit ng gamot na pulbo, pabango, spray o deodorant malapit sa puwet o anus
 
8.      Kung ikaw ay gumagamit ng oral antibiotics, kumain ng yogart upang makatulong na maibalik ang normal na ekolohiya ng iyong colon.
Hindi biro ang nararamdamang pangangati ng puwet. Mahalaga na napapanatiling malinis ang sarili. Mag-ingat sa mga gagamitin panlinis sa katawan, siguraduhin na ito ay aprobado ng BFAD.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)