BAKIT PARANG MAY BARA SA LALAMUNAN O PUNO ANG LALAMUNAN? NABILAUKAN, HIRAP LUMUNOK

Medical Team
is a Medical expert in United States

Sa tuwing kakain tayo, natural na dumadaan ang pagkain (maging ang laway) mula sa bibig, pababa sa lalamunan papunta ng sikmura. Meron bang pagkakataon na pakiramdam mo bumara ang pagkain (o ang laway) sa lalamunan mo? Feeling mo na nabilaukan ka?
BAKIT PARANG MAY BARA SA LALAMUNAN O PUNO ANG LALAMUNAN? NABILAUKAN, HIRAP LUMUNOK
Hindi naman masakit pero kinabahan ka. Pero pagkatapos mo magrelax, at huminga nang ilang beses, nawala ang “pakiramdam” mo ng pagbabara at nakalunok ka nang maayos. Eto ang tinatawag na “Globus Sensation”.
 BAKIT PARANG MAY BARA SA LALAMUNAN O PUNO ANG LALAMUNAN? NABILAUKAN, HIRAP LUMUNOK
"Globus Sensation” ang pakiramdam na merong bara ang lalamunan. Hindi masakit tuwing mangyayari pero nakakaabala sa pagkain o paglunok. 

Common na nangyayari ito sa maraming tao, bata o matanda, babae o lalaki. Maaaring madalang pero pwede ring madalas sa ibang tao. Ang importante, hindi ito nakakahadlang sa pagkain at walang sakit sa paglunok.
 BAKIT PARANG MAY BARA SA LALAMUNAN O PUNO ANG LALAMUNAN? NABILAUKAN, HIRAP LUMUNOK
Malalaman natin ngayon ano ang mga posibleng dahilan sa kondisyon na ito, ano ang mga maaaring gawin kapag nakaranas nito at kailan kailangang kumunsulta sa doktor.
 
Mga Posibleng Sanhi
Walang masabing tiyak na dahilan ang kondisyon na ito. Pero maraming eksperto ang nagsasabi na ang koordinasyon ng mga “muscles”, o kalamnan sa lalamunan na ginagamit sa paglunok, ang maaaring dahilan.
Importanteng malaman ang sanhi para mabigay ang tamang solusyon o gamot sa kondisyong nararanasan.
1. Koordinasyon ng “muscles”
Iisipin natin na ang proseso ng pagkain (at maging ang paglunok ng laway) mula sa pagsubo hanggang paglunok papunta sa lalamunan ay simple.
BAKIT PARANG MAY BARA SA LALAMUNAN O PUNO ANG LALAMUNAN? NABILAUKAN, HIRAP LUMUNOK
Totoong simple pero sa simpleng proseso na ito, maraming “muscles” ang responsable sa maayos na pagdaloy ng pagkain (o laway) mula bibig patungo sa lalamunan. Kailangan ng tamang pagsunud sunod ng pag tigas at pag relax ng mga muscles. At kung merong isang muscle na tensyonado, doon mangyayari ang pakiramdam ng pagbabara sa lalamunan.
2. Acid Reflux
Acid reflux ang tawag kapag ang “acid” sa sikmura ay umakyat sa “esophagus” (ang tubo na nagkakabit sa lalamunan at sikmura). Kapag nangyari ito, makakaramdam ng pag iinit ng dibdib (dahil sa stomach acid), o paghapdi sa gitnang parte ng dibdib. Malalasahan sa bibig ang pagkain na maaaring huling nakain o kaya ay mayroong malalasahan na maasim na liquid.  Ang acid na umakyat sa lalamunan ang nagdudulot ng tensyon sa kalamnan sa paligid ng lalamunan. Ito ang nagbibigay ng pakiramdam nang pagbabara sa lalamunan.
3. Postnasal Drip
Kung nakakaranas ka ng patuloy na pagtulo ng sipon na dumadaloy sa lalamunan, maaaring nakakaranas ka ng “postnasal drip”. Hindi natin napapansin pero araw araw mayroong manipis na “mucus” o sipon na mula sa ating ilong ang humahalo sa ating laway at pagkatapos ay dumadaloy sa likod ng ating lalamunan.
BAKIT PARANG MAY BARA SA LALAMUNAN O PUNO ANG LALAMUNAN? NABILAUKAN, HIRAP LUMUNOK
Maniwala ka man, pero nalulunok natin ito. Normal iyun. At kailangan ng katawan iyun para maiwasang matuyuan ang daanan ng ating hininga o “airways”. Pero kung mas marami at mas makapal ang “mucus” na dumadaloy sa ilong at lalamunan, ito ang nagiging sanhi ng Globus sensation. Ang sobrang dami o lapot ng mucus na dumadaloy sa lalamunan ang nagbibigay ng pakiramdam ng pagbabara.
4. Emotional Stress
Lungkot, pagkabalisa, tensyon, depression at pagod ang ilan sa mga pakiramdam na maaaring magbigay ng Globus sensation.
BAKIT PARANG MAY BARA SA LALAMUNAN O PUNO ANG LALAMUNAN? NABILAUKAN, HIRAP LUMUNOK
Bagaman kinakailangan ng mas malalim na pag aaral para malaman ang eksaktong kuneksyon ng mga ito sa Globus sensation.
 
Mga Lunas at Paraan ng Pag Iwas
Gaya ng nasabi, walang tiyak na dahilan ang kondisyon na ito, kaya’t wala ring nag iisang gamot para dito.  Para sa maraming tao, kusang nawawala ang pakiramdam ng pagbabara. Importante na maintindihan ang sanhi ng nararamdaman para mabigay ang angkop na gamot.
1. Muscle Therapy
Maaari kang i-refer sa isang espesyalista gaya ng ENT (Ear, Nose, Throat) o Speech therapist, para matutunan paano irelax ang tensyon sa lalamunan kapag naranasan ang pakiramdam ng pagbabara.
BAKIT PARANG MAY BARA SA LALAMUNAN O PUNO ANG LALAMUNAN? NABILAUKAN, HIRAP LUMUNOK
2. Tamang Kaugalian sa Pagkain
Sa pag iwas sa “acid reflux” o pag akyat ng acid sa lalamunan, kailangang matutunan ang tamang kaugalian pagdating sa pagkain. Dapat din nating tandaan na ang pagkaing nilunok at tumuloy sa sikmura ay kailangang manatili doon para matunaw ng ilang oras. Karaniwang 2 hanggang 4 na oras ang pagkain sa sikmura para matunaw, bago ito tumuloy sa ating bituka. Pero nagkakaiba pa rin ang tagal ng pagkain sa sikmura depende sa kinain, dami ng kinain, at kasarian (karaniwang mas mabagal tumunaw ng pagkain ang babae kesa lalaki). Dahil dito kailangang bigyan ng panahon ang sikmura para gawin ang trabaho niya ng walang sagabal. Una, iwasang humiga pagkatapos kumain. Manatiling nasa tuwid na posisyon ng ilang oras bago humiga.
BAKIT PARANG MAY BARA SA LALAMUNAN O PUNO ANG LALAMUNAN? NABILAUKAN, HIRAP LUMUNOK
Pangalawa, kailangang mag relax at hindi magtrabaho habang kumakain. Iwasan ang mabibigat na trabaho pagkatapos kumain. Huwag magmadali sa pagkain at paglunok. Nguyain at namnamin ng mabuti ang pagkain. Pangatlo, iwasan ang ilang mga pagkain kagaya ng sibuyas, tsokolate, “fatty foods”, kape at alak. Ugaliing uminum ng maraming tubig. Ilan iyan sa mahahalagang gawin para makaiwas sa acid reflux.
3. Saline Nasal Spray
Tumutulong ang Saline nasal spray para paluwagin ang paghinga at panipisin o palabnawin ang malapot na sipon. Tinatanggal at nililinis nito ang mga dumi na maaaring naipon sa ilong. Ugaliing basahin ng mabuti ang instructions sa pakete o label bago gamitin. Nabibili ang Saline Nasal Spray sa mga botika.
4. Talk Therapy
Malaking tulong sa emosyon at maayos na pag iisip ang pakikipag usap sa mga kaibigan o pamilya na pinagkatitiwalaan. Huwag solohin ang mabigat na nararamdaman. Malaki ang pakinabang na dulot ng pagsasalita o paglalabas ng saloobin sa ibang tao.
BAKIT PARANG MAY BARA SA LALAMUNAN O PUNO ANG LALAMUNAN? NABILAUKAN, HIRAP LUMUNOK
Maaari ring magbakasyon kasama ng pamilya o mga kaibigan. Importante na panatilihing maayos at alagaan ang pag iisip dahil kapag maayos ang pag iisip, susunod ang katawan. Kilalanin at iwasan ang mga tao na magbibigay ng hindi tamang impluwensya at maling pamumuhay sa iyo. Kapag nakakaramdam ng kabigatan, stress o lungkot, huminto sandali at magdasal. Walang tatalo sa kapangyarihan ng dasal.
 
Kailan kukunsulta sa doktor
Kailangang maintindihan na karaniwang hindi seryosong kundisyon ang Globus sensation. Wala itong kumplikasyon. Ibig sabihin, kadalasan, hindi nito kailangan ng konsultasyon sa doktor. Ang kailangan lang ay maintindihan ang dahilan ng nararamdaman.
 
Pero kung makaranas ng ibang sintomas kagaya ng matagal na iritasyon sa ilong o lalamunan na may kasamang pananakit o makaramdam ng pagsakit sa paglunok, maaaring mayroong ibang kondisyon na kailangan ng atensyon ng isang doktor. Kumunsulta sa isang ENT doctor o Gastroenterologist.
 
References
Kimberly Holland, What Causes A Lump in Your Throat; https://www.healthline.com/health/lump-in-throat
Jenna Fletcher, Globus sensation: Causes of a lump in the throat, https://www.medicalnewstoday.com/articles/320245
Dr Mary Harding, Globus Sensation, https://patient.info/digestive-health/difficulty-swallowing-dysphagia/globus-sensation
Acid Reflux (Gastroesphageal Reflux Disease/GERD), mediko.ph
Jill Seladi-Schulman, PhD, How Long Does Food Stay in Your Stomach?, www.healthline.com
Postnasal drip: Symptoms, causes and home remedies, www.medicalnewstoday.com
What is Postnasal drip: Sore Throat & More From Sinus Drainage, www.webmd.com
Brandon Peters, MD, What To Know About Saline Nasal Sprays, www.verywellhealth.com
How to Improve Mental Health : MedlinePlus, medlineplus.gov
How to look after your mental health, www.mentalhealth.org.uk
The Esophagus (Human Anatomy) :Picture, Function, Conditions and More, www.webmd.com

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.