Bakit po kaya yung ubo ko ay 2 months na at pasumpong-sumpong? Wala pong plema, pero may kasamang pagbahing at sipon na sumusumpong-sumpong lang din po kagaya ng ubo ko. Hindi naman po ako nahihirapang huminga at wala rin pong masakit sa lungs. Minsan po ay sumusumpong ang aking ubo 1 to 2x per day. Ano po kayang pwedeng meron saakin at anong pwedeng maging gamot?
Bakit po 2 months na aking ubo?

Medical History
2 person likes this
Maaaring ito ay allergic cough. Anti-histamine ang gamot dito usually once a day. Kailangan mo rin ng sapat na tulog at pahinga, uminom ng maraming tubig at kumain ng masusustansiyang pagkain. Umiwas din sa mga maaaring nagsasanhi ng allergy kagaya ng mga alikabok o mga pagkaing bawal. Maaari rin uminom ng vitamin c o kumain ng mga pagkaing rich in vitamin c. Ngunit, mas Mabuti pa rin na personal na magpasuri sa doctor upang makasigurado kung ito nga ba ay allergic cough.
Ang pag-ubo ng 2 buwan ay maaaring dahil sa maraming kondisyon. Maaaring ito ay dahil sa may infection ka sa baga tulad ng tuberculosis o pulmonya (pero bihira ang simpleng pulmonya na tatagal nang 2 buwan), o dahil sa allergic cough. Ayon sa mga sintomas na sinabi mo, mukhang ang pinakamalapit sa mga nararamdaman mo ay allergic cough dahil sa pabalik-balik ito at may kasamang pagbahing at sipon. Ngunit, mabuti pa rin na makasigurado na hindi ito tuberculosis. Mabuting magpatingin sa doktor, marahil ay mangangailangan ka ng chest x-ray para makasigurado na hindi ito tuberculosis o TB. Kung ito ay allergic cough, may mga gamot na pwede ibigay sa'yo.