Bakit po kaya nasakit yung likod ko at ubo ng ubo?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Pananakit ng likod at ubo ng ubo

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Alfredo Chua
is a Medical expert in the Philippines
Gaano na katagal ang iyong ubo? May lagnat ka ba? May plema ba kapag ikaw ay umuubo? May dugo ba ito? Nangangayayat ka ba? Pinagpapawisan sa gabi? Kung hihigit na sa 2 linggo ang iyong ubo, may pananakit ng likod, at mayroon ka ng mga sintomas na ito, maaaring may TB o tuberculosis ka. Nararapat na magpatingin sa doktor. Maaaring magpagawa ng x-ray at examination sa plema ang iyong doktor. Bukod sa TB, maraming pwedeng maging dahilan ang ubo at pananakit sa likod kaya nararapat na magpatingin kaagad.
Recommend Reply Report abuse
Joan Garchitorena
is a Admin Assistant in the Philippines Medical History
Mahigit isang linggo na po ang ubo ko at ilang araw pa lang naman ang pananakit ng likod ko opo nangangayayat ako pero wala naman pong plema ang pag ubo ko
Recommend Reply Report abuse
Dr. Alfredo Chua
is a Medical expert in the Philippines
Mas mabuting magpatingin ka na kaagad sa isang doktor upang ikaw ay mas masuri nang mabuti. Minsan, may mga pasyenteng walang plema pero may TB na pala. Kung hindi nawawala ang iyong ubo na may kasamang pananakit ng likod at pangangayayat, mas mabuting macheck up ka na kaagad. Kung hindi ito TB, maaaring may pulmonya ka o iba pang sakit sa baga.
Recommend Reply Report abuse

About the author

Dr. Alfredo Chua

Reading books, playing the piano, watching TV and movies, collecting coins and stamps
Profession: Internal Medicine
Philippine General Hospital
Philippines , Manila , Manila