Bakit po palaging sumasakit puson ko at balakang? August 5 nagkaroon ako at bago matapos ang ovulation period ko sumasakit po ang puson ko at balakang pero hindi gaanong masakit, tolerable naman tapos 2 days nito may lumabas na creamy white pero hindi naman mabahong amoy...hanggang natapos ang ovulation period may masakit pa din sa puson at balakang...matagal pa naman bago ako magkaroon...Ano po kaya dahilan nito?
Bakit po palaging sumasakit puson ko at balakang?
Medical History
Maaari pong mga vaginal infection kayo dahil may lumabas na creamy white na discharge. Kayo po ba ay naglalagnat o may mahapding pag ihi? Kayo po ba ay sexually active? Pwede po kayong mag pacheck sa isang OBGYN at maaaring kailangan kayong mag pa ultrasound para macheck ang loob ng matres. Maaaring konektado ang sakit ng puson at balakang dito.
Medical History
wala naman po, hindi naman ako nilalagnat at hindi naman masakit sa pag-ihi. kalaunan po dumating na si mens August.31, 2021...Expected ko talaga September.1 magkakaroon na ako but dumating siya early than September.1...Nagtataka lang kasi ako bakit siya sumasakit pero hindi naman masyadong masakit mismo sa kalagitnaan ng cycle ko..isip ko nag oovulate lang ako pero natapos na ovulation period ko may masakit pa rin ng konti...yung discharge ko naman hindi naman maamoy...yes sexually active din ako doc.
Maaari pong konektado ang sakit ng puson at balakang sa inyong pagreregla. Maaari po kayo uminom ng mga over-the-counter na pain relievers kung wala naman po kayong allergy. Kung tuluy-tuloy ang paglabas ng creamy white discharge, mas mabuti pong magpatingin kayo sa OBGYN upang masiguradong hindi ito infection.
<p>Kamusta ka na? Sa mga babae, ang pananakit sa may puson ay maaaring sanhi ng menstrual cramps o dysmenorrhea, ovarian cysts, nakunan, fibroids, endometriosis, pelvic inflammatory disease, o ectopic pregnancy.Pinakamabuting magpatingin ka sa iyong OB gyne o doktor. Sana bumuti ang iyong pakiramdam.</p>
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.