BAKIT SUMASAKIT ANG NGIPIN KO KAHIT WALANG SIRA? ANO MABISANG GAMOT SA PANANAKIT NG BAGANG O IPIN? DAHILAN

Medical Team
is a Medical expert in United States


Ano Iba’t Ibang  Posibleng Dahilan ng Sakit Sa Ngipin?

Ang pagsakit ng ngipin at pangingilo ay kondisyon na maaaring maranasan ng sinuman. Nagdudulot ito ng pakiramdam ng pagiging miserable o kaawa-awa.

Kung nararanasan mo ang pangingilo, oras na upang bisitahin ang isang dentista upang matukoy ang dahilan. Ano ang ilang karaniwang posibleng dahilan ng sakit sa ngipin?
·       Tooth Decay o Pagkasira ng Ngipin
Ito ang pinaka-karaniwang dahilan sa sakit ng ngipin dahil maaaring makaapekto ito sa sinuman sa atin. Ang pagkabulok ng ngipin ay umaabot sa loob na bahagi ng ngipin, ito ay tinatawag na dentin. Kapag nasira ito, nabubuo ang cavity sa ngipin kaya ito nagiging sensitibo. Ang pagkabulok ng ngipin ay maaaring umabot sa gitna ng ngipin. Nagreresulta ito sa isang napakatinding sakit na nagpapahirap sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga isyung ito ay kailangang matugunan sa lalong madaling panahon.



·       Tooth Abscess
Kapag ang paglusok o pagbubulok ng ngipin ay gumagrabe sa punto na nakakaapekto sa ugat sa ilalim ng nakikitang ngipin ay may tyansang ang ugat at ang nakapaligid na tisyu ay nahawaan. Ito ay magreresulta ng malawak na sakit na napakahirap tukuyin kung aling eksaktong ngipin ang may diperensya. Tumungo agad sa dentista sa lalong madaling panahon dahil maaari itong magresulta sa pagkawala ng buto at tisyu.
·       Gum Disease o Sakit sa Gilagid
Ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng isang mapurol na sakit sa bibig, namumula, dumudugo na mga gilagid, at pananakit ng ngipin. Ang buto ng bibig at gilagid ay namamaga rin. Kapag pinabayaan ito, ang mga ngipin, mga gilagid, at mga buto ay maaaring mapinsala o mawawala, at dapat itong magamot agad upang maiwasan ang impeksiyon.

·       Tooth Fractures o Bali ng Ngipin
Ang mga ngipin ay maaaring nabasag o natabunan sa maraming iba't ibang mga paraan, kung ito’y dahil sa pagkahulog, paglalaro ng sports, o pagkagat sa isang bagay na mahirap o malagkit. Kung ikaw ay may baling ngipin, nangangahulugan na ang bali ay napunta sa gitna ng ngipin kung saan ang mga dulo ng nerve ay sumasakit. Hindi naman basta-basta nasisira ang ngipin kapag ito ay natabas o nabali na, ngunit maaaring lumago sa paglipas ng panahon habang lumalala ang pinsala nito. Ito ang dahilan kung bakit ang lahat ng fractures at chips ay ipatingin agad sa dentist bago ito lumala ng husto.
·       Temperature Toothaches Sensitivity
Ang matinding sakit sa ngipin habang o pagkatapos kumain o uminom ng isang bagay na malamig o mainit, kadalasang iniuugnay sa sensitivity ng ngipin. Ito ay nangangahulugan na ang enamel ng ngipin ay sira at gasgas na at ang dentin ng iyong ngipin ay nakalantad na.
·       Damage Fillings o Dental Sealants
Sumasaklaw ito sa malalim na mga pits, grooves, o fractures sa mga ngipin ay madalas na nagpoprotekta sa mahina na bahagi nito. Kapag nasira ito, ang mga sensitibong bahagi ng ngipin ay nakalantad sa matinding temperatura, tinga, at bakterya. Kung mayroon kang nasirang filling o sealant, pumunta agad sa dentista upang maayos ito bago paman bumigay ang mahinang bahagi ng ngipin na magdudulot ng karagdagang pinsala o pagkabulok.
·       Teeth Grinding
Ang teeth grinding o bruxism, ay isang pangkaraniwang dahilan para sa ngipin, panga, leeg, at kaugnay na sakit ng kalamnan. Karaniwang itong ginagawa habang ang tao ay natutulog o sa mga nakababahalang sitwasyon. Ang labis na mga ngipin ay sanhi ng marahas na pag-clenching sa panga at paggiling sa itaas at sa ilalim ng mga ngipin pabalik-balik laban sa bawat isa. Ito ay maaaring magresulta sa namamagang mga panga ng buto at mga joints, at pananakit ng ulo. Ang pinakamainam gawin upang maibsan ito ay ang pagsusuot ng isang custom mouthguard sa bibig habang natutulog upang mapawi ang stress sa mga ngipin at panga.

·       Di Tamang Pagsisipilyo at Flossing
Nagreresulta ito ng pamamaga, pananakit at pagdurugo ng mga gilagid dahil sa matinding presyon sa pagsisipilyo at pagpu-floss ng ngipin. Kumonsulta sa iyong dentista tungkol sa mga tamang pamamaraan sa pagsisipilyo at siguraduhing gamitin lamang ang malambot na mga sipilyo o toothbrush.


·       Hindi Pantay-pantay na Nigipin at Impacted Wisdom Teeth
Ang nabaong wisdom tooth ay nagreresulta ng labis na sakit habang lumalala sa ilalim ng linya ng gilagid at kung minsan ay naitutulak ang iba pang mga ngipin. Para sa mga maliliit na ngipin, ay kailangan ng isang orthodontic solution tulad ng mga tirante, at operasyon upang ayusin ang naapektuhang ngipin.
·       Orthodontic Alignment
Ang mga brace, retainer, at iba pang mga sistema ng pagkakahanay ng mga ngipin ay isang pangkaraniwang dahilan sa pananakit nito. Ang sakit ay karaniwang nararamdaman pagkatapos ng mga pagsasaayos dahil sa mga paghihigpit dito ngunit nawawala agad ang sakit pagkatapos ng ilang araw. Kung patuloy pa rin ang pagsakit nito, bumalik sa iyong orthodontist upang hindi ito makagambala sa iyong pang-araw-araw na buhay.

Ano pinaka mabisang gamot sa pananakit ng ngipin?
Nanakit na ngipin, anong dapat gawin?

Ang toothache o pananakit ng ngipin ay kadalasang dulot ng bulok na ngipin, maluwag o dika’y naputol na ngipin, impeksyon, at mga problema sa gilagid. Mahalagang malaman ang dahilan nito at kung gaano na kalala, upang mabigyan ng naayong gamot o lunas.

Ang pinakamabilis na paraan para maibsan ang pananakit ng ngipin ay sa tulong ng isang dentista. Sila ang tiyak na makakaalam kung kailangan na bang bunutin ang iyon ngipin? O kung may impeksyon ka sa ibang parte ng bibig bukod sa ngipin at gilagid.

Mayroon din namang simple ngunit mabisang pantanggal ng sakit ng ngipin, na maaring gawin kahit ikaw ay nasa iyong bahay. At ito ay ang mga sumusunod:
1.     Cold compress - gamit ang isang icepack o mga pinagsama-samang yelo, makatutulong ito na mabawasan ang sakit ng ipin. Dahil sa malamig na temperaturang dulot nito, bumabagal ang daloy ng dugo sa dinampiang pisngi. Ito din ay nakatatanggal ng maga at pananakit. Mainam ito lalo na sa mga namamagang gilagid at ugat sa ngipin.

2.     Tubig na may asin - ang pagmumumog ng tubig na may asin ay mainam din pangtanggal ng maga at pampabilis nang paghilom ng sugat o impeksyon sa bigbig at ngipin. Maghanda lang ng 1 basong maligamgam na tubig at 1 kutsaritang asin. Imumog sa bigbig sa loob ng kalahati hanggang 1 minuto. Gawin ito ng mga ilang beses buong araw at tiyak na makakatulong ito.

3.     Bawang – kilalang kilala ang bawang sa napakarami at magagandang dulot nito. Ang bawang ay may antibacterial properties o pangkontra sa mga bakterya at mikrobyo. Magdurog lang ng bawang at haluan ng kaunting asin, pagkatapos maaaring gamitin ang mixture na ito sa apektadong ipin.

4.     Aloe vera - ang katas ng aloevera ay ginagamit din sa sakit ng ipin at gums. Sinasabing may antibacterial effect ito na magaling pamuksa sa dumi na nagdudulot ng tooth decay o pagkabulok ng ipon. Ang gel o katas ng aloe vera ay maaring ipahid o pangmasahe sa nananakit na pisngi.

5.     Hydrogen peroxide (Agua Oxinada) – mainam din itong pangmumog lalo na kapag ang sakit sa ngipin ay dulot ng impeksyon.  Gamit ang kaparehas na dami ng tubig, i-mumog ito sa loob ng 30 segundo. Tandaan, hindi ipinapayo ang paraan na ito sa mga bata, dahil sa maaring malunok nila ito. Delikado ang makalunok nito kaya’t mas magandang gawin ito ng mga nakatatanda.

6. Mga gamot sa botika – maaari din bumli ng tinatawag na OTC o over the counter na mga gamot tulad ng acetaminophen at Ibuprofen. Makababawas ito sa pananakit at pamamaga ng ipin.

Ang pananakit ng ngipin ay mayroong iba-ibang kadahilanan depende sa kung ano ang ugat. Kung nakakaranas ka ng alinman sa mga sintomas na inilarawan sa itaas, tulad ng pangingilo o pangingirot ng ngipin, huwag ng magpatumpik-tumpik pa at kumunsulta agad sa dentista upang mapa-ikli ang iyong paghihirap o di kaya’y gumamit ng mga simpleng solusyon na makikita sa bahay, tulad ng asin sa tubig at bawang (maaari rin bumili ng OTC gamot sa botika) kung walang badyet pangdentista. Mas maaga, mas mabuti. Ang pagpapaliban nito ay maaaring humantong sa mas malaking pinsala ng dahil lamang sa kapabayaan.

Ano mga Kadalasang Tanong Tungkol sa Sakit ng Ngipin
Bata man o matanda, basta sumakit ang ngipin ay siguradong ito ay iindahin ng matindi. Pero ano nga ba ang kadalasan na dahilang ng pagsakit ng ngipin?

Tanong: Meron bang nag-iisang dahilang bakit sumasakit ang ngipin? O ang sakit na ito ay dahil sa iba’t ibang dahilan?
Sagot: Ang pagsakit ng ngipin ay may maraming dahilan. Minsan ang dahilan nito ay ang di sinasasadyang pagdiin o pwersa sa ngipin. Madalas, ito ay senyales na ang inyong ng ngipin ay mayroong mas malalang problema. Minsan naman ay nagkakaroon ng cavity ang ngipin na nagiging dahilan ng pagkasira ng ngipin at pagsakit nito. Maari din na impeksyon ang dahilan nito. Marami pang ibang dahilan bakit sumasakit ito.

Tanong: Maari bang gamutin ang sakit ng ngipin sa bahay o kailangan na pumunta agad sa dentista?
Sagot: Kadalasan, ang dahilan pagsakit ng ngipin ay hindi basta malalaman kung hindi papatingnan sa doctor. Maaring uminom ng ibuprofen o acetaminophen bilang panandaliang lunas. Subalit, hindi mo talaga malalaman ang tunay na dahilan kung hindi pupunta sa dentista.

Tanong: Ano ang maaring mga gamot para solusyunan ang pananakit ng ngipin?
Sagot: Iba-iba ang gamot sa pananakit ng ngipin depende sa dahilan nito. Maraming paraan ang mga dentista para solusyunan ang iyong problema. Para sa cavity, kelangan nito ay filling. Kung malala naman ang pagkabulok ng ngipin, kadalasan nirerekomenda ang dental crown. Root canal naman ay para sa impeksyon. Bumisita sa dentista upang malaman ang tamang solusyon.

Tanong: Paano maiiwasan ang pagsakit ng ngipin?
Sagot: Ang regular na pagpunta sa dentista ang pinakamabisang paraan upang makaiwas dito.

Pinakaimportante ay magsipilyo pagkagising sa umaga at bago matulog. Maging marahan sa pagsisipilyo at gawin ito ng 2-3 minuto hanggang malinis ang lahat ng ngipin. Ang paggamit ng dekuryenteng sipilyo ay mainam kaysa sa regular na sipilyo sa pagtanggal ng mga naiwang pagkain sa pagitan ng mga ngipin. Huwag kalimutan ang mga bagang. Dapat ring gumamit ng dental floss. Madalas na dahilan ng pagkasira ngipin at pamamaga ng mga gilagid ay ang mga bakterya na naiiwan sa pagitan ng

Tanong: Ano ang dapat gawin para mabawasan ang sakit ng ngipin o bagang?
Sagot: Ang pag-inom ng Ibuprofen ay magbibigay ng panandaliang ginhawa. May mga dental gels  din na mabibili para ilagay sa sumasakit ng ngipin para mawala ang sakit nito. Ang mga gamot na naglalaman ng benzocaine ay mabisang pampamanhid at pang-alis ng sakit. Ang clove oil ay isang natural na pampamanhid at pinapaniwalaang kasing bisa nga mga pampamanhid na ginagamit ng mga dentista. Pakatandaan na ang mga produktong ito ay panandaliang sagot lamang para sa sakit ng ngipin. Ang sakit na dulot ng sira sa ngipin ay kelangan matingnan ng dentista.

Ang pagkasensitibo ng ngipin ay maari ding magdulot ng sakit na parang totoong sakit ng ngipin. Kung ikaw ay may sensitibong ngipin maraming produkto na pwedeng mabili para magamot ito at maalagaan ang ngipin. Maari din gumamit ng sipilyo na pwedeng gamitin sa ngipin at sa mga nakalabas na ugat nito.

Ang pagkakaroon ng regular at maayos na paglilinis ng katawan kasama ang bibig ay napakaimportante para mapanatili din natin ang ating malusog na pangangatawan, kasama na ang ating ngipin at bagang.

Next article: Paano matanggal ang pangingilo at pangingirot ng ngipin? 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.