Bakit Sumasakit ang Sikmura Ko? Tiyan ko? Ano ang Impatso? Nangangasim Sinisikmura Kinakabag Dyspepsia

Precious Gomez
is in the Philippines Medical History

Iisa lamang ang Dyspepsia at Indigestion, ito ay impatso o hindi natunawan na pagkaing kinain. Naglalarawan ito sa paghihirap o pananakit ng itaas na bahagi ng ating tiyan. Hindi ito isang malalang sakit.
 
Malalaman mo kung may mararamdaman na hindi maginhawang pakiramdam sa tiyan habang kumakain o pagkatapos kumain. Maaaring makaramdam rin ng paghilab sa itaas na bahagi ng sikmura. Ito ang tinatawag na impatso.
 
Ang salitang ito ay tumutukoy sa grupo ng mga sintomas na madalas kabilang ang pamamaga, hindi maginhawang pakiramdam, pagkahilo, at pagdighay. Karamihan sa mga kasong ito, ang sanhi ay pagkain at inumin. Maaari rin itong maging sanhi ng impeksyon o tuluyang pag-inom ng mga gamot.
Bakit Sumasakit ang Sikmura Ko? Tiyan ko? Ano ang Impatso? Nangangasim Sinisikmura Kinakabag Dyspepsia
Madalas na may pinagbabatayang sintomas sa pagkakaroon ng nangangasim na sikmura, tulad ng gastroesophageal reflux disease (GERD), ulcers o gallbladderdisease, maliban sa totoo niyang kondisyon. Ang lunas ay depende pa rin sa sakit na nararamdaman. Ngunit mayroong mga paraan upang guminhawa ang pakiramdam at upang maiwasan na mangyari ito.
 
Katotohanan sa pagkakaroon ng dyspepsia o hindi natunawan
 
·         Ang impatso ay hindi isang sakit. Ito ay tumutukoy sa grupo ng sintomas na nagiging sanhi ng hindi maginhawang pakiramdam sa sikmura.
 
·         Ang labis na pagkain ng mamantika o maaanghang na pagkain ay sanhi ng impatso.
 
·         Ginagawa ang endoscopy upang matukoy ang tunay na dahilan.
 
·         Mag-diet at uminom ng gamot upang maiwasan ang ganitong pakiramdam.
 
Mga Sintomas:
·         Pamamaga
 
·         Pagdighay
 
·         Pagduwal at Pagsusuka
 
·         Pangangasim ng bibig
 
·         Labis na pagkabusog habang kumakain o pagkatapos kumain
 
·         Pag-iingay ng sikmura
 
·         Paghapdi ng sikmura o itaas na bahagi ng tiyan
 
·         Pananakit ng tiyan
 
Maaaring lumala ang sintomas kung ikaw ay palaging pagod. Kung ikaw ay nakakalunok ng labis na hangin habang kumakain, mas lalong titindi ang iyong pagdighay at pamamaga.
 
Madalas na sinasamahan ng matinding paghapdi ng dibdib o heartburn ang pagkakaroon ng masakit na tiyan. Ito ay nangyayari kung ang acids sa tiyan ay tumaas papunta sa lalamunan.
 
Bihirang kaso lamang ng impatso ang pagkakaroon ng sintomas ng kanser sa tiyan. Ang hindi naunawan ay hindi kinakailangan ng malawak na imbestigasyon at hindi dapat masyadong pagtuonan ng pansin. Kinakailangan lamang kumonsulta sa doktor kung ito ay patuloy na sumasakit sa loob ng 2 linggo.
 
Humingi ng agarang lunas kung matindi na ang pananakit at kung nangyayari na ang mga sumusunod:
·         Kawalan ng gana kumain o pagbaba ng timbang
 
·         Walang kakayahang lumunok
 
·         Pagsusuka
 
·         Kulay itim na dumi
 
·         Paninilaw ng mga mata at balat
 
·         Pananakit ng dibdib habang nagtatrabaho
 
·         Hirap sa paghinga
 
·         Pagpapawis
 
·         Pagsakit ng dibdib na umaabot hanggang panga, kamay o leeg
 
Magkaiba ang heartburn at dyspepsia. Ang heartburn ay sintomas ng acid reflux, ito ay ang paninikip ng dibdib na karaniwang nangyayari pagkatapos kumain
 
Mga Dahilan
Anumang edad mapabaabe o mapalalaki ay maaaring magkaroon ng impatso. Ito ay karaniwang kondisyon lamang.
 
Mga Sakit:
·         Ulcer
 
·         GERD (gastroesophageal reflux disease)
 
·         Stomach cancer (ito ay minsan lamang)
 
·         Gastroparesis, ito ay kondisyon kung saan walang maayos na laman ang tiyan. Ito ay madalas na nangyayari sa mga may diabetes.
 
·         Impeksyon sa bituka
 
·         Irritable bowel syndrome
 
·         Pancreatitis o namamagang pancreas
 
·         Thyroid disease
 
·         Gallstones
 
Mga maaaring inuming gamot:
·         Aspirin at iba pang pain relievers
 
·         Estrogen at birth control pills
 
·         Gamot sa steroid
 
·         Iba pang antibiotics
 
·         Thyroid medicines
 
 
Naging Pamumuhay:
·         Mabilis at labis na pagkain
 
·         Pagkain ng maanghang na pagkain, mas kaunting taba, chocolates at kaunting caffeine
 
·         Kawalan ng tulog
 
·         Labis na pag-inom ng alak at soda
 
·         Paninigarilyo
 
·         Labis na pagkapagod
 
Mga Lunas:
Ang lunas sa hindi natunawan ng pagkain ay depende sa pinagmulan o tindi ng sintomas nito. Kung ang sintomas ay hindi masyadong seryoso at madalang lamang, ang pagbabago sa araw araw na pamumuhay ang makaalis nito.
 
Mga Halibawa
1. Palaging mag-ehersisyo
 
2. Ang paghinto sa paninigarilyo ay importante upang mabago ang pamumuhay at malunasan ang impatso.
 
3. Magandang pamamaraan ang high-fiber diet upang maisakatuparan ang malusog na panunaw at pangangatawan. Nililinis rin nito ang ating bituka.
 
Halimbawa ng mga pagkaing mayroong fiber:
1. Prutas
 
2. Mani
 
3. Munggo
 
4. Wholegrain
 
5. Yogurts
 
6. Cereals
 
4. Mahalaga rin ang pagkain ng walang halong maanghang o mamantikang pagkain. Siguraduhing may tubig kapag kumakain, ito ay nakakatulong upang maitulak ang pagkain sa ating panunaw.
 
5. Ang pag-ubos ng apat hanggang limang maliliit na potahe sa isang araw ay taliwas sa tatlong malalaking potahe na makakatulong sa ating digestive system.
 
Ang taong madalas nakakaranas ng labis na pananakit ng sikmura ay kinakailangan ng pangangalaga ng doktor.
 
Tatanungin ng doktor kung madalas na nararanasan ang sintomas ng dyspepsia. Aalamin rin nito ang kasaysayan ng pamilya tungkol dito at susuriin ang dibdib at tiyan. Pipindutin nito ang iba’t-ibang bahagi ng tiyan upang matukoy kung ano ang malambot na parte o masakit na parte kapag diniinan.
 
Kung may batayan ang doktor upang magsuspetsya, gagawa sila ng diagnostic test upang matukoy ang problema sa kalusugan.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.