BAKIT SUMASAKIT O KUMIKIROT ANG PUSON NG BUNTIS? ANO MGA DAHILAN SANHI

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Ano iba't ibang Posibleng Dahilan Ng pananakit Sa Ibabang Bahagi Ng Tiyan Sa Mga Buntis Na Kababaihan
Sa lahat ng mga pagbabago na nagaganap sa panahon ng pagbubuntis, madali para sa mga mumshies o nanay na magtaka kung ito ba ay normal o isang sign na di normal ang kanilang kondisyon lalo na kapag nakakaramdam sila ng sakit. Ang puson o pelvis at lower abdomen ay dumaranas ng mga mahalagang pagbabago sa panahon ng pagbubuntis na nagpapahirap sa kanila. Ang ilan dito ay normal, at ang iba naman ay nagpapahiwatig ng peligro. Ang sakit na naisalokal sa ibabang bahagi ng tiyan ay maaaring magkaroon ng maraming posibleng dahilan.

Karaniwang mga sanhi ng sakit sa tiyan habang nagbubuntis
Ang ilang sakit at kirot sa tiyan ng mga mumshies sa panahon ng pagbubuntis ay napaka-komun at walang dapat katakutan dahil hindi ito delikado sa iyo at sa baby. Kasama dito ay ang mga sumusunod:
·       Round Ligament Pain
Ito ay parang may sumasaksak sa tiyan kapag nagbabago ka ng posisyon, samahan pa ng hapdi at kirot sanhi ng dalawang malalaking ligaments na tumatakbo mula sa iyong matris sa iyong singit. Habang tumutubo ang matris, ang mga ligaments na ito ay nakaunat na nagpapahirap sa buntis. Nararamdaman ito tuwing ikalawang trimester, at itinuturing na hindi nakasasama.
·       Kabag at Di Makadumi
Ang kabag sa panahon ng pagbubuntis ay sanhi ng mas mataas na antas ng progesterone. Kung maraming hormone ang nailalabas, ang gastrointestinal tract ay humihina, na nagpapabagal sa pagdaloy ng pagkain. Ang pag-inom ng maraming tubig, pagkain ng mga fiber rich foods, ehersisyo, at paggamit ng pampalambot ng dumi ay mahusay na paraan upang labanan ang mga ito.
·       Braxton Hicks Contractions
Ito ay ang paghihigpit ng mga kalamnan sa tiyan na nagdudulot ng paninigas na di tumatagal. Ayon sa mga doktor, maaaring sanhi ito ng dehydration. Kaya ang pag-inom ng maraming tubig ay nakakatulong upang maibsan ito.
·       Common Discomforts
Ito ay karaniwang narasanan sa pagbubuntis at hindi naman kailangang gamutin. Ang lumalagong matris, mga mikrobyo sa tiyan, kidney stones, fibroids, at pagiging sensitibo sa pagkain ay talagang normal at walang dapat ikabahala.
Kapag ang sakit ng tiyan sa panahon ng pagbubuntis ay malubha
Bagaman maraming kababaihan na nakakaranas ng sakit sa tiyan ay may malusog na pagbubuntis, may mga pagkakataon din na maaaring magdulot ng malubhang panganib. Kung may mga malubhang sintomas kang nararamdaman, tulad ng mga tinalakay sa ibaba, mangyaring kumunsulta agad sa iyong doktor.
·       Ectopic Pregnancy
Nangyayari sa 1 sa 50 pragbubuntis, ito ay kapag ang itlog ay tumubo kahit saan maliban sa matris. Kadalasan ang itlog ay tumutubo sa fallopian tube. Sa kasong ito ay hindi maaaring magpatuloy sa termino at nangangailangan ng medikasyon. Maaari kang makaranas ng matinding sakit at pagdurugo sa pagitan ng iyong ika-6 at ika-10 na linggo ng pagbubuntis.
·       Placental abruption
Isa itong kalagayan na nagbabanta sa buhay kung saan ang placenta ay humihiwalay mula sa iyong matris bago ipanganak ang sanggol. Isang sintomas nito ay ang lubhang pagsakit sa tiyan ng walang kaluwagan. Ang isa pang tanda ay pagdurugo at napaaga ang pagbagsak ng iyong panubigan. Nararanasan din ang panlalambot ng tiyan, sakit sa likod, o pagkakaroon ng bakas ng dugo.
·       Nakunan o Miscarriage
Nangyayari sa 15 hanggang 20 porsiyento ng mga pagbubuntis ay nagtatapos sa kabiguan na pinakakaraniwang uri ng pagbubuntis. Kung minsan ay tinutukoy bilang "spontaneous abortion," ang pagkakuha ng madalas na nangyayari sa unang 13 na linggo ng pagbubuntis. Ang mga palatandaan nito ay ang marahan hanggang sa matinding paghilab ng tiyan, pagkawala ng mga sintomas ng paglilihi tulad ng pagkahilo at pagsusuka, white-pink na mucus, at paglabas ng mga tisyu at namumuong dugo sa pwerta.
·       Urinary Tract Infection
Bagaman madaling gamutin sa panahon ng pagbubuntis, kung hindi pinansin, ang impeksyon ng ihi ay maaaring maging sanhi ng mga komplikasyon. Nararanasan ang hirap sa pagihi na maaaring magresulta ng pananakit sa ibabang bahagi ng tiyan. Sinasamahan ito ng lagnat, pagduduwal, pagpapawis, o panginginig, at posibleng kumalat ang UTI sa iyong mga kidney. Sa kasong ito, maghanap ng medikal na atensiyon sa lalong madaling panahon.
·       Preeclampsia
Ito ay ang pagkakaroon ng mataas na presyon ng dugo at protina sa ihi pagkatapos ng pagbubuntis ng 20 linggo. Ang mga karagdagang sintomas nito ay sakit sa itaas na tiyan, karaniwan sa ilalim ng iyong mga buto sa kanang bahagi, pagduduwal at pagsusuka.

Ang pagiging ilaw ng tahanan ay di biro. Sa panahon ng kanilang pagbubuntis ay hindi basta-basta ang kanilang pinagdadaanan. Lalung-lalo na sa panganganak ay agaw-buhay sila. Sa mga kababaihan, maging maingat sa panahon ng pagbubuntis dahil buhay ninyo at ng iyong supling ang nakasalalay dito.

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)