BAKIT SUMASAKIT O KUMIKIROT ANG DEDE? ANO SANHI NG PANANAKIT KO

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Ano Iba't Ibang Mga Posibleng Dahilan Ng Pananakit Ng dibdib Ng Mga Kababaihan?
Ang sakit sa suso o mastalgia, ay isang pangkaraniwang kondisyon ng mga kababaihan.

Ang pananakit ng dede o dibdib ay maaaring magsimula sa simpleng sakit hanggang sa lumala ito. Ang sakit ay kadalasang nabibilang sa alinman sa cyclical o noncyclical:
·       Cyclical
Nauugnay ang sakit ng dibdib sa iyong menstrual cycle o pagreregla. Ang antas ng sakit nito ay nagbabago habang o pagkatapos ng iyong pagregla.
·       Non-cyclical
Maaari itong magkaroon ng maraming mga dahilan, kabilang na ang pinsala sa dibdib. Ito ay maaaring maramdaman mula sa paligid ng kalamnan o sa mga tisyu ng dibdib mismo. Mahirap tukuyin ang mga karaniwang sanhi ng sakit sa noncyclical kaysa sa cyclical.
 
Ano sanhi o dahilan ng pananakit ng dede?
Mayroong mga natatanging katangian ang bawat uri ng sakit sa dibdib na kung minsan ay hindi posible na matukoy ang eksaktong sanhi nito. Ang mga dahilan ay maaaring nabibilang sa isa o higit pa sa mga sumusunod:

1. Reproductive hormones
Bumubuo ng malakas na kaugnayan sa hormones at sa iyong pagregla ang sakit sa dibdib.. Madalas bumababa at nawawala ang pagsakit nito habang nagbubuntis o nagmemenopos.

2. Anyo ng dibdib

Kadalasang nagreresulta mula sa mga pagbabago na nangyayari sa mga ducts ng gatas o mga glandula ng gatas ang mga non-cancerous na sakit ng dibdib. Ito ay maaaring magresulta ng pagkakaroon ng cysts ng suso. Maaari ring magsimula ang sakit sa labas ng dibdib, sa dibdib mismo, kalamnan, kasukasuan o sa puso mismo.

3. Di balanseng fatty acids sa katawan
Nagiging sensitibo ang mga tisyu ng dibdib sa pabago-bagong takbo ng hormones ng katawan na nakakaapekto sa di balanseng fatty acids sa loob ng mga selula.

4. Paggamit ng gamot
Ang ilang mga hormonal drugs, kabilang ang ilang mga gamot na pampapayat at mga oral birth control pills, ay maaaring nauugnay sa sakit ng dibdib. Gayundin, ang panlalambot ng suso ay isang posibleng epekto ng estrogen at progesterone hormone therapies na ginagamit pagkatapos ng menopause. Ang sakit sa dibdib ay maaaring nauugnay sa ilang mga antidepressant, kabilang ang mga antidepressants serotonin reuptake inhibitor (SSRI).

5. Laki ng dibdib
Nagkakaroon ng mga chest disorder ang mga babaeng may mga malalaking suso. Nagdudulot din ito ng sakit sa leeg, balikat at likod sa dibdib dahil sa kalakihan ng mga ito.

6. Opera sa dibdib
Maaring magtagal ang pananakit ng dibdib pagkatapos gumaling ng mga tahi kapag ang sakit sa dibdib ay may kasamang opera at pamumuo ng peklat.

7. Diet o dyeta
Nagiging sanhi ng sakit ng dibdib ang pagkain ng isang babae. Mataas ang kanilang tyansang magkaroon ng sakit sa dibdib sa pagkain nila ng mga unhealthy foods, tulad ng mataba at mayabong na carbs.

8. Extramammary concerns
Kung minsan ang sakit ng dibdib ay hindi dahil sa iyong mga suso, kundi dahil sa medikasyon ng dibdib, braso, o likod ng mga kalamnan na karaniwan nararamdaman ng mga may mabibigat na mga gawain, trabaho at mga aktibidad.

9. Mga gamot na iniinom
Maaaring makadagdag sa sakit ng dibdib ang mga antidepressant, therapy hormone, antibiotics, at mga gamot para sa sakit sa puso. Kailangang kumunsulta sa doctor kung ito ay maari pang ipagpatuloy o itigil na ang pag inom ng mga gamot na ito.

10. Paninigarilyo
Nadaragdagan ng paninigarilyo ang antas ng epinephrine sa tisyu ng dibdib na maaaring dahilan ng pagsakit ng dibdib ng mga kababaihan.

11. Breast cancer o kanser sa dibdib
Karaniwang hindi nakaugnay ang sakit sa suso sa pagkakaroon ng kanser. Hindi ibig sabihin na kapag ikaw ay may sakit sa suso ay magkakaroon ka na agad nito. Kapag ikaw ay madalas na nakakaramdam ng pananakit sa dibdib na walang pagbabago sa antas ng sakit, kumunsulta agad sa doktor. Maaaring gamitin ang mga pagsusuri tulad ng mammogram, ultrasound, magnetic resonance imaging (MRI) at biopsy upang malaman kung may bukol na namumuo sa loob ng iyong suso na maaaring maging kanser.

Habang nagkaka-edad ang mga babae, nakakaranas ng mga pagbabago ang kanilang mga dede. Posible itong magdulot ng mga iba’t ibang sakit at komplikasyon. Kumain ng mga masusustansyang pagkain at iwasan ang iba’t ibang bisyo gaya ng paninigarilyo at pag-inom ng alak. Maging maingat sa kalusugan at alagaang mabuti ang iyong katawan lalong-lalo na ang dibdib. Huwag mag alinlangang kumunsulta sa doktor kung may mga sintomas ng mga sakit sa suso upang maaksyunan agad ito.


About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)