BAKIT SUMASAKIT O NANINIKIP ANG DIBDIB KO? ANO SANHI KUMIKIROT DAHILAN

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ang pananakit ng dibdib ay madalas nating naiuugnay sa sakit sa puso. Ngunit isa lamang ito sa napakaraming sakit o dahilan kung bakit tayo maaaring makaranas nito.
 
Bukod sa sakit sa puso, ang pananakit ng dibdib ay maaari ding isang sintomas ng iyong:
-           sakit sa sikmura or mga bahagi ng tiyan
-           paghinga or sistema ng iyong respirasyon
-           mga buto at laman ng dibdib
-           problema sa pag-iisip o dala ng labis na pagkabahala
 
Ating alamin ang mga sakit na maaring magdulot nito:

1.     Sakit sa masel o laman ng puso (cardiomayopathy)
Ang ating puso ay isang masel o laman na tumutulong mabigyan ng dugo ang buong katawan.  Sa sakit na cardiomyopathy, ang masel ng puso ay nagiging makapal or di kaya’y masyadong manipis na nagiging dahilan kung bakit hirap itong mag-suplay ng dugo sa katawan. Ang mga sintomas nito ay madalas na pagkahingal o kinakapos sa paghinga, pamamaga ng mga binti at bukong bukong, pananakip ng dibdib pagkatapos kumain o gumawa ng mabibigat na bagay, at iregular na tibok ng puso.
 
2.     Atake sa puso (Heart attack)
Ang mabilis at parang tinutusok na sakit sa dibdib na may kasamang pagkahilo, panghihina, pamamanhid ng braso, at pagsikip o parang may dumadaghan sa dibdib ay ang mga karaniwang senyales ng isang taong inaatake sa puso. Kapag ang isa o higit pang arterya or malaking ugat ng puso ay nabarahan, maaari itong mag resulta sa atake sa puso.  Kung hindi  ito maagapan, ito’y nakamamatay o maaaring magdulot ng mga komplikasyon sa ibang bahagi ng katawan.
 
3.     Pamamaga ng mga kartilago sa dibdib (Costochondritis)
Ang mga kartilgo (cartilage) o mga maliliit na tisyu sa ating dibdib na sumusuporta sa tadyang kapag namaga ay maaring din magdulot ng pananakit ng dibdib. Halos katulad nito ang sakit sa dibdib ng isang taong ina-atake sa puso. Hindi pa malaman ang tunay na sanhi nito ngunit mas madalas itong mangyari sa  mga nagbubuhat ng mabigat, nabugbog or tama sa dibdib.  Maari ding dahilan ang mga impeksyon sa dibdib,  sakit sa buto at kasu-kasuan , at tumor sa suso.
 
4.     Sakit sa baga o bumigay na baga (Pneumothorax)
Ang mahirap at masakit na paghinga ay karaniwang senyales ng pneumothorax. Nangyayari ito kapag may sobrang hangin sa paligid o pagitan ng mga baga.
Nahihirapan ang baga sa kanyang pagluwag dahil sa presyon ng hangin sa labas nito. Madalas ito sa mga taong nabalian ng tadyang, nasaksak o nabaril sa katawan, at dahil din sa ibang sakit sa baga.
 
5.     Matinding pagbabara sa daanan ng paghinga (chronic obstructive pulmonary disease/COPD)
Ito ay dulot ng maraming kondisyon kung saan namamaga ang daanan ng hangin patungo at palabas ng ating baga. Ang taong may COPD ay makakaranas ng paninikip ng dibdib, matinding pag-ubo at pag-aagahas o paghinga ng parang humuhuni.
 
6.     Problema sa panunaw (acid reflux/heartburn)
Maaaring makaranas ng heartburn matapos kumain lalo na at naparami ang kain, ipinagsabay ang pag-inom ng alak sa pagkain, at maging ang pag higa agad matapos kumain.  Madalas na nailalarawan na parang may mainit o nakakapasong pakiramdam sa gitna ng dibdib na umaakyat hangang sa lalamunan ang sakit na dulot ng heartburn. Maraming tao ang napagkakamalan na may sakit na sila sa puso ngunit ito pala ay heartburn. Sa dahilang parehas ang lugar ng sakit nito sa puso.
 
7.     Bato as apdo (gallstones)
Kapag ang sakit ay nasa bandang kanang itaas ng tiyan na umaabot sa dibdib, maaring may bato ka sa abdo. Ang batong ito ay kadalasang dulot ng kolesterol o pagkain ng matataba. Ito ay bumabara at nagdudulot ng matinding sakit sa tiyan at dibdib kaya’t kailangan matangal o matunaw sa pamamagitan ng gamot at tamang pagkain. Kapag hindi kinaya ng gamot, maaring maoperahan upang tanggalin ang bato.
 
8.     Pananakip ng dibdib dahil sa pagkabahala (Anxiety chest pain)
Ang pagkabahala ay nagdudulot din ng sakit sa dibdib dahil madalas tumataas ang pagtibok  ng puso kapag ang isang tao ay masyadong nag-aalala. Normal na reaksyon ito ng ating katawan ngunit maari ding isang seryosong kundisyon kapag ito’y naging madalas. Kapag natutunan ng isang tao na makontrol ang kanyang pagkabahala o dahil sa tulong ng pagpapagamot o terapiya, kusa din mawawala ang pananakit ng dibdib nito.
 
Ilan lamang ang mga sakit na ito sa mga karaniwang nagdudulot ng sakit sa dibdib. Kung ikaw ay may isa o higit pa sa mga sintomas sa mga sakit na nabangit, dapat seryosohin ito at huwag  ipag walang bahala. Mas magandang magpakonsulta na sa doktor o pumunta sa pinakamalapit na ospital o pagamutan para maagapan.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.