Bakit Tinutubuan ng Buhok ang Nunal? Epekto ng Tumutubong Buhok Bakit Lumalaki ang Aking Nunal

Precious Gomez
is in the Philippines Medical History

Masasabing ang pagkakaroon ng nunal na tinubuan ng buhok ay hindi kanais-nais o nakakabahala. Tiyakin mabuti kung ito ba ay may posibilidad na maging kanser sa balat. Paano ba malalaman kung ang nunal mo ay hindi delikado?
 
Ang buhok ay maaaring tumubo sa nunal. Ngunit kapag ang bahaging ito ay napinsala, ibig sabihin ito ay may namumuong cancer na sumisira sa hibla ng buhok. Kaya hindi na tumutubo ang buhok.
 
Ang Melanoma ay ang pinakanakakabahala at nakamamatay na uri ng sakit sa balat na may posibilidad na mabuo sa buhay na nunal na maaaring maging cancerous. Ang nunal na may malalagong buhok ay maaaring maging cancerous. Sa kasong ito, kinakailangan na mahinto ang pagtubo ng buhok.
 
Kung ang kumpol ng cells na nagbibigay ng kulay sa ating balat (o melanocytes) ay tumigil sa parehong lugar, ito ay bubuo ng hyper-pigmented patches ng tinatawag na nunal. Lahat ng buhok na tumutubo sa labas ng nunal ay maaaring maging maitim at magaspang at mabilis na lalago kaysa sa ibang buhok sa iyong katawan. Kung gusto mong alisin ang buhok, marahil ang pagbunot nito ang pinakamabuting paraan. Karamihan sa kalalakihan ay inaahit ang buhok sa nunal na nagiging dahilan upang mahiwa ito.
 
Hindi ang paglago ng buhok ang ikinababahala rito, mas nakakabahala ang posibleng paglago ng melanoma, ang nakamamatay na uri ng kanser sa balat. Mahalaga na palaging ipasuri ang nunal upang masigurado na ito ay hindi delikado.
 
Kung ang nunal sa iyong katawan ang naguumpisang mag-iba ang kulay, hugis o sukat, tulad ng kay Michael Jackson, maaaring ito ay hindi normal at kinakailangan ng bumisita sa doktor.
 
Sa Medieval Europe bago pa ang colonial America, ang pagkakaroon ng nunal ay isang palatandaan na ito ay sinasapian ng demonyo (o kung ano pa man). Ang mga Ancient Greeks at Chinese, gayunpaman, gumamit ng mga palatandaan upang maintindihan ang personal na katangian o tadhana gamit ang nunal. Sa makabagong kultura, ang mga icons tulad nila Marilyn Monroe, Goldie Hawn, Cindy Crawford at Madoona, ay nagpalagay ng nunal dahil sa pagnanais na gumanda. Kapag ang balat ay tumutingkad dahil sa nunal, paglago ng buhok sa loob mismo ng nunal, maitim, at magaspang, ito ay isang bagay na kakaiba.
 
Ang pagkakaroon ng buhok sa nunal, magaspang , at kung bakit tila mabilis ang pagtubo nito ay nananatiling misteryo.
 
Kapag tinignan sa microscope, ang nevus cells ay uri ng melanocyte na makikita sa nunal. Huwag galawin ang pagkakaayos ng hibla ng buhok upang hindi maapektuhan ang pagbabago ng anyo ng buhok o ang pagtubo nito.
 
Ang kulay ng nunal ay magkaiba (mole skin) sa uri ng balat. Nabubuo ito dahil sa iba-ibang kadahilanan gaya ng genetics, environment, hormones, at signaling protein. Karamihan sa mga ito (lalo na ang hormones at signaling proteins) ay nakakatulong sa paglago ng buhok. Mabilis ang pagtubo ng buhok sa nunal, ito ay kabaliktaran naman sa karaniwang pagtubo ng buhok sa katawan.
 
Madalas nadedevelop ang nunal sa panahon ng pagbibinata o pagdadalaga dahil sa androgen. Tulad ng androgen, ang steroid hormone ay siyang dahilan upang patubuin ang buhok sa mukha at singit.
 
Paano matukoy kapag delikado ang nunal?
1. Asymmetry- Kung ikaw ay guguhit ng linya sa nunal, ang bawat kalahati ng nunal ay dapat pantay.
 
2. Irregular border- Sa pangkalahatan, dapat ang hangganan ng nunal ay makinis at hindi magaspang.
 
3. Color Variations (pag-iiba ng kulay)- Nagiiba-iba ang kulay at sadyang nakababahala lalo na kung nag-uumpisa itong maging kulay dark brown, blue, o itim na may halong pink o red.
 
4. Large size (paglaki ng sukat)- Sa pangkalahatan, ang normal na sukat ng nunal ay hindi lalagpas sa 6 na milimetro, o gaya ng sukat ng pambura ng lapis. Ang nunal na mas malaki pa rito ay lubos na nakababahala.
 
5. Changing Features (pag-iiba ng itsura)- Pinaka-importanteng tampok sa paksang ito. Kung sa simula pa lamang ay nakakabahala na ang ilang melanomas, karamihan sa mga nag-uumpisa ay mukhang normal. Ngunit kung ang itsura ay nagbabago habang tumatagal, ilan sa mga nasa itaas ay maaaring mangyari sa paglipas ng panahon.
 
6. Kakaibang nunal- lahat ng tao ay may iba’t-ibang uri ng nunal, mayroong malaki, maliit, mayroon rin light brown ang kulay at mayroon talagang maitim. Ngunit lahat tayo ay iisa lang ang tingin sa nunal. Ang nunal na angat sa iba dahil kakaiba ay kinakailangang bantayan ng mabuti.
 
Ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang skin cancer ay ang regular na pag-aalaga at pagsusuri sa sariling balat.                   

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.