BAKIT TUMATABA ANG ISANG TAO? BAKIT LUMALAKI TIYAN KO O AKO? ANO SANHI O DAHILAN?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ang pagkain ay parte na ng pamumuhay ng tao, pero minsan hindi natin namamalayan na sobra sobra na pala ang ating hinahabhab, lalong-lalo na sa mga hindi masustansiyang pagkain. Ang hindi natin wari ay hindi lang pala ang pagkain ang pangunahing dahilan ng labis na katabaan.

Kailangan nating maintindihan ang mga sumusunod upang maibsan ang labis na paglobo ng timbang at katawan:

-        Pagkain at pag ehersisyo
Ang pangunahing dahilan ng labis na katabaan ay ang sobra-sobrang pagkain, samahan pa ito ng kawalan ng ehersisyo na nagiging dahilan ng pagkaipon ng taba sa katawan. Ang pagkain ay hindi lang naman sa dami kundi sa sustansyang naibibigay nito sa katawan.
Marapat na damihan natin ang pagkain ng gulay at prutas, kaunting bigas o carbohydrates lamang, pati na protina at napakaliit lamang na dami ng taba. Mapapansing kapag ito ang sinusunod nating diyeta ay mas maliksi tayo at hindi madaling dapuan ng anumang karamdaman.

-                Kapaligiran
Nakakaapekto rin ang ating kapaligiran. Isali mo pa ang pagtulog sa hindi takdang oras bilang isa rin sa nagiging sanhi ng katabaan. Ang kapaligiran ay may malaking impluwensiya sa kalusugan at kakayanan nating kumain. Halimbawa ay ang mga sumusunod:
o        Walang malapit na pamilihan ng gulay at mga masustansiyang pagkain.
o        Walang lugar para makapag-ehersisyo katulad nalang ng parke o hindi kaya gym.
o        Nawawala na ang larong kalye sa mauunlad na siyudad.

-                Genetics
Sa masuring pagsisiyasat napatunayan na may kinalaman rin ang genetics sa labis na katabaan, kagaya ng Prader Wili Syndrome. Meron ring namamana na kalagayan at ibang sakit sa utak na nakakapagdagdag ng timbang.

-                Hormones 
Kadalasan nating pinag-wawalang bahala ang ating kalusugan. Sa katunayan baka meron tayong obesity genes o kaya hormonal na sakit. Ang hormones ang isa sa pinakamahalagang kadahilanan pagdating sa pagbabago ng metabolismo ng katawan, pagbigat ng timbang, pagbabago-bago ng sigla, o emosyon.

 -  Hypothroidism

Ito ay isang kalagayan na kung saan ang thyroid gland, (malapit ito sa  leeg) ay kokonti lang ang pinapalabas  na thyroid hormone na siyang tumutulong sa ating metabolismo. Dahil dito, ang ating metabolismo ay bumabagal at kadalasang  dahilan ng pagdagdag sa timbang.

-     Cushing Syndrome
Ang ganitong kalagayan ay bunga ng sobra-sobrang produksiyon ng steriod hormone na galing sa adrenal gland na kung tawagin ay cortisol na siyang dahilan ng paglaki ng mukha at tiyan.

-     Stress at depresyon
Ito ang isa sa mga pangunahing suliranin na nagiging dahilan ng pagtaba. Nang dahil sa stress/depresyon kadalasan napaparami ang ating kain kung saan tumataas ang ating serotonin, ang kemikal sa ating utak na tumutulong upang maging maayos ang ating pakiramdam.
Napag-alaman rin na kung stressed tayo, maraming cortisol ang lumalabas sa ating katawan na nagdudulot ng labis na sebo sa ating katawan na nagpapasidhi sa ating paghahangad ng pagkain lalong-lalo na ng mga mamantika at matatamis.
Para mabawasan ang stress ay mas mainam na bigyang-pansin ang tamang oras ng pagtulog, palagian na pagmamasahe at madalas na paliligo gamit ang maligamgam na tubig.

-                Hindi sapat na tulog
Napag-aralan na ang mga taong matataba at mabibigat ay hindi sapat ang tulog dahil ang  lumalabas na hormone sa panahon ng pag tulog ay nakakatulong sa gana sa pagkain at enerhiyang ginagamit ng katawan.
Ang ating hormones ay maapektuhan kapag hindi sapat ang ating tulog kaya bababa ang leptin at tataas ang ghrelin ng ating katawan. Iisipin natin na gutom tayo at kailangan nating kumain. Tuloy lalo tayong lalaki at bibigat.

-                Gamot
Mayroon ring mga gamot na nakakapadagdag ng timbang katulad ng corticosteroids, anti-depresssants at gamot para sa epilepsy.

Ang pagpapanatili ng tamang timbang ng iyong katawan ay kailangan ng tamang disiplina sa pagkain. Kumain ng mga sustansiyang pagkain, palagiang mag-ehersisyo, at matulog ng sapat na oras. Maaari ring magpatingin sa espesyalista upang matukoy ang anumang sanhi ng katabaan na nararanasan.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.