Bakit tumitilaok ang Manok o Tandang? Dahilan pagputak Lalaking Manok o Inahin sa Bukang Liwayway o Madaling Araw

Precious Gomez
is in the Philippines

Ang kahol ng aso o mahinang tunog ng pusa ay kilalang tunog ng hayop lalo na pagdating sa mga bata. Ang tilaok ng tandang ay isa sa pinakakilalang tunog din ng hayop sa mundo. Ngunit, ano nga ba ang eksaktong dahilan ng tandang sa pagtitilaok? Mayroon nga bang katotohanan sa mga sabi-sabi na tumitilaok lamang ito sa umaga?
 
Ayon sa siyentipiko ang manok ay isa sa pinakamasarap na hayop sa planeta. Una sa lahat, importante na malaman natin kung bakit ang tandang ay tumitilaok sa lahat ng oras. Tumutugon sa mga ingay na nakapaligid sa kanila, gaya ng tunog ng sasakyan o sino mang naglalakad sa manukan. Ito ay dahil ang tilaok ng Tandang ay nagsisilbing tungkulin para sa kanila. Ginagawa nila ito upang magsilbing banta sa ibang Tandang. Ang kanilang tilaok ay ginagamit nila upang makipag-usap sa ibang ibon at kadalasan ay upang ipagdiwang ang kanilang swerte. Ang mga manok na lalaki ay hindi talaga mapili pagdating sa pagtilaok.
 
Na-oobserbahan natin na ang Tandang ay tumitilaok anumang oras at bilang tugon sa lahat ng ingay dito sa mundo. Sila ay talagang kadalasan na tumitilaok bago o pagputok ng bukang-liwayway. Maraming taon na nagsiyasat ang mga eksperto sa ibon. Sa pananaw ng mga tao tumitilaok lamang ang Tandang pagbukang-liwayway at kapag nakakakita ng pagbabago ng lebel ng liwanag tulad ng ilaw ng sasakyan o iba pang artipisyal na liwanag. Gayunpaman, pagkatapos ng maraming taon ng haka-hakang istorya kaugnay sa Tandang, ang mga siyentipiko sa Nagoya University sa Japan ay nagdesisyon na tukuyin kung ito ay nasa isip lamang ng mga tao o kung ang Tandang ba ay talagang nauuna o naghihintay ng bukang-liwayway.
 
Una, kung ang grupo ng mga Tandang ay nakalantad sa kapaligiran na mayroong liwanag sa loob ng 12 oras at dilim sa loob ng 12 oras at paulit-ulit itong nangyayari sa loob ng 2 linggo, hihintayin ng tandang ang liwanag. Mas madalas nag-uumpisa ang tilaok sa madaling-araw, dalawang oras bago magliwanag.
 
Tumitilaok ang Tandang sapagkat mayroon siyang panloob na orasan na tumutulong upang mauna sa sikat ng araw. Tulad ng mga ibon, ang Tandang ay kumakanta rin o tumitilaok sa araw-araw nilang gawain. Halos lahat ng mga hayop ay mayroong kanya-kanyang gawain, ang tawag rito ay circadian rhythms na halos lahat ay ginagawa tuwing araw at gabi. Ang Tandang ay nauuna sa pagsikat ng araw upang mag umpisang maghanap ng kanilang makakain at depensa sa kanilang teritoryo.
 
Ngunit kung ang isang manok na lalaki ay may kapit-bahay na mas maaga ng kaunti ang panloob na orasan nito, mahihikayat niya ang ibang Tandang na tumilaok rin ng maaga. Ang awit sa madaling araw ng Tandang ay nagsisilbing daan upang magtatag ng kanyang teritoryo. Kapag ang Tandang ay tumilaok, ito ay nagbibigay ng mensahe sa ibang Tandang na kapag sila ay pumasok ng walang pahintulot sa kanyang teritoryo, ito ay naghahamon ng away.
 
Ang lalake at babaeng manok ay kapwa mayroong vocal parts, ngunit ang hormones ng Tandang ay nagbibigay ng malakas na tinig. At kung mayroon kang inahin na tinurukan mo ng hormones ng lalake, ito ay mag-uumpisa rin na tumilaok. Ito ay may kaugnayan sa hormone level sa loob ng ibon.
 
Ang Tandang ay madalas na tumitilaok mula sa mataas na posisyon ng kanyang teritoryo kaya nagagawa niyang malaman ng iba ang kanyang presensya at makakarating ng mas malayo ang kanyang kanta. Kahit na ang Tandang ang pinaka-kilalang tumitilaok na manok sa mundo, ang inahing manok ay isa din sa maingay na tunog. Kung ang inahing manok ay may namatyagang uwak, siya ay maglalabas ng malakas na tinig para iparating sa kanyang mga sisiw na magtago. Ngunit kung nakita niyang wala namang banta, siya ay puputak lamang.
 
Sila ay titilaok kahit sila lamang ang manok sa paligid. Tinutulungan nila ang mga aso na bantayan ang bakuran gamit ang pagtilaok upang sabihin sa mga tao na mayroong mangyayari o may nangyayari.
 
Minsan masarap pa ang tulog mo ng bigla ka na lang makakrinig ng ingay galing sa tandang. Ngayon alam na natin kung gaano kalaki ang tulong na ibinibigay sa atin ng mga manok. Ang buong akala natin ang mga aso lang ang nagbabatay ng ating bahay. Pati din pala ang ibang mga alaga natin na hayop at isa na dito ang manok. Lagi nating alalahanin na malaking parte ng ating buhay ang naiiambag ng tandang at ito ay ang ating kaligtasan.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.