BAKIT TUMUTUBO ANG NUNAL? PAANO MATANGGAL TALING SA MUKHA? SANHI

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Bakit tinutubuan ng nunal ang tao? Ito ba ay nakakabahala sa kalusugan?
Halos lahat ay tinutubuan ng nunal sa katawan, ito ay normal lang sa bawat tao. Ang nunal ay tumutubo sa balat, na kadalasan ay kulay kayumanggi o itim.  Tumutubo ang mga ito kahit sa anong bahagi ng katawan. Pwede itong nag-iisa o grupo/pangkat.
Madalas tinutubuan ng nunal ang tao sa murang edad at minsan naman pagkatonton niya ng dalawampu't limang taong gulang.  Normal lang din tubuan ang nasa edad sampu hanggang 40 taong gulang. Sa paglipas ng panahon ang nunal ay dahan-dahang magbabago, lumalaki at nag-iiba ng kulay.

Ang nunal ay hindi mapanganib sa ating kalusugan. Subalit may posibilidad na magiging delikado at magiging kanser sa balat o tinatawag na MELANOMA. Lalong lalo na kung ang pamilya ninyo ay may lahing kanser sa balat. Magpatingin agad sa doktor kapag may madiskubre na mga pagbabago sa iyong mga nunal. Ipinapayo ng mga Dalubhasang doktor sa balat ( Dermatologist ) na magpatingin ka ng balat, kahit isang beses lang sa isang buwan.
 
Ang nunal ay madalas na :
- Tinutubuan ng buhok sa mismong nunal.
- Hindi nagbabago ng anyo at ang iba naman ay lumalaki.
- Unti-unting nawawala sa pagdaan ng mga taon.

Ang nunal nangyayari kung ang cell sa ating balat ay tumutubo ng kumpol kumpol sa halip na kumalat sa buong katawan.  Ang tawag sa cell na ito ay melanocytes.  Ito ang gumagawa ng pigment na nagbibigay ng natural na kulay.
 
MGA DAHILAN NG PAGKAKAROON NG NUNAL
 1.      Genetiko (Genetics) - Isa sa mga pagkakaroon ng nunal ay ang namamana sa magulang at mga angkan. Dahilan din ito kung bakit ang iba ay tinutubuan na ng nunal pagkapanganak pa lang. Kapag ito ay nakuha sa dugo ng ating mga ninuno, mas malaki ang posibilidad na magiging melanoma ito.

2.      Pagbabad sa init ng araw - Ang pagbabad ng balat sa matinding sikat ng araw ang pangunahing dahilan ng pagtubo ng nunal lalo na kung ikaw ay bata pa o nagbibinata/nagdadalaga na.  Dito tumataas ang posibilidad na lumaki ang mga nunal o di kaya'y dumadami sila. Ang rason nito ay ang pagkakaroon ng abnormalidad sa hormonal lebel ng tao. Dahil sa sikat ng araw, madalas maraming nabubuong nunal sa mataaas na bahagi ng ating katawan.
 
3.      Homona (Hormones) - Kapag tayo ay tumatanda na, mapapansin mo na nagsisimula ng tumubo ang ating mga nunal sa katawan. At sa mga panahon ng pagbibinata/pagdadalaga, pagdadalantao at pag-menopos o ang unti unting pagkakawala ng regla. Lumalaki din ang lumang nunal dahil sa pagbabago ng lebel ng hormones
 
MGA IBA'T IBANG URI NG NUNAL
1.     Karaniwang nunal - Ang karaniwang nunal ay hugis simboryo at makinis. Natatangi ang gilid nito dahil hindi pantay. Kadalasan lumilitaw ito sa bahagi ng balat na madalas nakababad sa sikat ng araw.  Maliit lang ang porsiyento na maging kanser ang ganitong klaseng nunal.

 
2.     Atypical o Hindi Normal na nunal - Ang hindi normal na nunal ay malabo ang kulay at mas Malaki keysa sa ordinaryong nunal. Ito ay nag-iiba ng kulay at tumutubo ng patag o pantay sa balat. Kapag namana ang ganitong klaseng nunal, hindi pantay at malaki, maaaring maging dahilan ng kanser sa balat o melanoma
 
3.     Acquired Tumubo na nunal - Ang mga nunal na lumitaw lang sa pagkabata o pagtanda ay tinuturing na hindi mapanganib. Ngunit habang tumatanda, may posibilidad na ito ay magiging sakit na kanser. Ang pagtamo nito ay bunsod ng sobrang pagbabad o pagbilad sa araw.


4.     Congenital Nevi o Inborn na nunal - Ang nunal na ito ay nasa balat na nang pagkapanganak pa lamang.  Isang porsyento lang o isa sa bawat isang daan na nanganganak ang nagkakaroon nito. Ang ganitong uri ng nunal ay bahagya na mas malaki ang tsansa na magiging kanser, kesa sa nunal na tutubo pa lang.


5.     Dysplastic Nevi - Ang nunal na ito ay karaniwang malaki kumpara sa regular o karaniwang mga nunal. Mas malaki pa ang hugis sa pambura ng lapis. Hindi pantay ang kulay at hugis nito.  Malaki ang posibilidad na mas magiging kanser sa balat. Sa katunayan ang taong may sampu o higit pa na may ganitong klaseng nunal ay 12 times ang taas ng tsansa na magka-Melanoma. Ito ang isa sa mga uri ng nunal na mapanganib.
 
Ano nga ba ang Melanoma?
Ito ay isang uri ng kanser sa balat. Kadalasang tinatamaan nito ay mga babae. Ang karaniwang tinutubuan ng kanser o melanoma sa mga lalaki ay ang dibdib at likod. Habang sa mga babae naman ay sa ibabang parte ng hita.
 
Paano Matanggal ang Taling o Mole?
May mga tao na hindi komportable dahil sa dami at laki ng mga taling na tumutubo sa kanilang katawan. Ngunit, siguraduhin na sa doktor sa balat (dermatologist) pumunta kapag magpa-opera. Kung gusto mo naman makatipid at swak sa budget, may mga natural na paraan para maglaho ang nunal.
 
Mga Paraan sa pagtanggal ng taling
1.     Aloe Vera - Maglagay ng purong aloe vera sa taling. Takpan ito ng malinis na tela at ibabad ng tatlong oras. Gawin ito tatlong beses sa isang araw.

2.     Apple Cider - Isawsaw ang bulak sa apple cider at ilapat sa taling o mole. Lagyan ng bandahe at ibabad ng isang oras. Gawin ito araw-araw hanggang sa mawala. Paalala: kapag makita na ang balat ay nagkakairita, itigil ang paglalagay ng apple cider.

3.     Sariwang Bawang - Hiwain ang sariwang bawang at ilapat sa nunal. Takpan ng bandahe at ibabad sa magdamag. Ulit-ulitin hanggang sa mawala ang nunal. Kapag Nakitaan ng pamumula at pangangati, itigil ang paglagay ng bawang.

4.     Balat ng Saging - Ang saging ay nakakatulong upang maging moisture ang balat. Balatan ang saging at idikit ang sariwang balat ng saging sa taling o mole. Idiin ang pagkakalapat at ibabad ng isang oras. Kapag makaramdam ng allergy sa balat, itigil ang ganitong proseso.

5.     Baking Soda at Castor Oil (langis ng Lansina) - Haluin ang baking soda sa castor oil. Siguraduhin na malapot ang gagawin na paste. Ilagay sa nais na mawala na nunal at ibabad magdamag. Itigil kapag nakaramdam ng iritasyon.
 
Mahalagang Paalala : Ang mga natural na gamot ay di pa tiyak ng mga dalubhasa kung epekto nga ba ito. Ngunit marami sa mga gumagamit ang nakapagsabi na naglaho ang kanilang taling. Ayon sa kanila, bukod sa epektibo at safe gamitin, hindi pa butas ang kanilang bulsa.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.