Bakit tumutulo ang Aircon? Rason ng Tagas ng Air Conditioner? Dahilan ng Pumapatak na Tubig o Leak Tubig sa AC’ o Erkon

Precious Gomez
is in the Philippines

Mapapansin niyo na palaging may tumutulo sa labas ng iyong aircon. Makikita mong maputik sa ilalim at ito ay talaga namang nakakabahala. Ngunit kinakailangang diskubrehin kung bakit tumatagas ang tubig ng air conditioner.
 
Huwag mabahala dahil ito ay normal lamang at hindi mo kailangan ipaayos. Ang loob ng erkon ay naglalaman ng evaporator coil na nagpapalamig sa mainit na buga nito. Ito ang nagiging dahilan ng paglamig. Gaya na lamang ng anyo ng pumapatak na malamig na tubig sa mainit na araw. Ang malamig na likidong pumapatak sa drain pan pababa sa condensate drain line (a white PVC pipe) na mayroon sa labas ng bahay. Ito ang ilang dahilan ng pagpatak ng tubig sa inyong bahay.
 
Mga Dahilan
1. Baradong condensate drain line
Ang baradong condensate drains line ang pinaka-dahilan ng pagtulo ng tubig sa inyong aircon sa bahay.
Kung ang drain line ay barado ng alikabok, dumi, putik o amad, ang tubig ay babalik sa inyong bahay. Sa ganitong kaso, kailangan mo alisin ang nakabara. Mayroong mga paraan upang maalis ang bara, gaya ng paggamit ng vacuum sa condensate line.
 
2. Sira o Kinakalawang na drain pan
Mayroong lumang air conditioner (12-15 years)? Depende sa edad ng iyong AC unit, ang iyong condensate pan ay kinakalawang, crack o di kaya ay punit dahil sa tagal, na nagiging dahilan ng pagtulo ng iyong air conditioner. Kailangang palitan na ang pan.
 
3. Sirang condensate pump
Ang iyong AC ba ay nakakabit sa basement? Kung ganoon, mayroong condensate pump na bumubomba palabas ng tubig. Ngunit kung ang pump ay masira, ang tubig ay hindi na lalabas pa. Kailangan na ipagawa o palitan na ang pump.
 
 
 
4. Maruming Air filter
Ang maruming air filter ay humaharang sa buga ng hangin ng evaporator coil. Kung ito ay mangyayari, ang evaporator coil ay lalamig ng sobra at magyeyelo. Kung ito ay matunaw, tutulo ang natirang tubig na hindi kayang hawakan ng pan.
Suriin ang air filter kung ito ay marumi at kinakailangan ng palitan. Kinakailangan itong palitan kada 1-3 buwan (depende sa panahon)
 
5. Mababang Pagpapalamig
Gaya ng maruming air filter, kung ang libel ng lamig ay mababa, ang presyon ng iyong AC system ay mababa rin, na nagiging dahilan ng evaporator coils na magyelo. Kung ang coils ay magyelo, ang iyong drain pan ay aapaw at tutulo ang tubig.

Mapapansin mo na ang pagpapalamig ay mababa kung:
·         Kung ang air conditioner ay hindi lumalamig
·         May maririnig na pagsitsit o ingay (nagpapahiwatig ng pagtagas)
Depende sa tindi ng pagtagas/pagtulo, alinman sa ipagawa o palitan ang buong AC unit.
 
6. Pagbabara sa drain pipe- Ang tubig sa air conditioner ay pumupunta sa drain pan gamit ang complex system ng drain pipes. Kung ang drain pipe ay barado, ito ay magiging dahilan ng pagtulo ng erkon.
 
7.  Hindi maayos na pagkakalagay- Kung ang iyong air condition ay bago at madaming tumutulong tubig, kadalasan ito ay dahil sa maling pagkabit ng AC. Maling sukat o hindi tamang pagkabit ng drainage pan. Ito ay nagiging sanhi ng pagtulo ng tubig galing sa air conditioner.
Karaniwan sa mga bagong AC unit ay ang problema sa pagkakabit kaysa sa ibang bagay. Ang condensate trap na mali ang pagkakadisenyo ay pumipigil ng pagkasira dahilan upang ang tubig ay tumaas at umapaw.
Ang mga propesyonal ang dapat na sumuri upang masigurado na tama ang pagkakadisenyo at pagkakakabit.
 
8. Malamig na temperature sa labas- Ang air conditioner ay tutulo/tatagas kung ito ay gumagana habang ito ay malamig sa labas. Kung ang AC ay sinubukang palamigin sa mababang temperatura na kulang sa 60 degrees, ang coil ay maaring magyelo, dahilan upang tumulo ang tubig.
 
9. Ang pag-kaselyo sa AC ay hindi maayos- Kung ang iyong AC unit ay hindi maayos ang pagkakaselyo, mainit na hangin ang papasok dito. Kapag ang mainit na hangin ay tumama sa malamig na hangin ng AC unit, bumubuo ito ng tubig na naiipon sa ilalim ng unit. Kung aayusin ang selyo, maaayos din ito.
 
10. Pagtagas ng hangin- Sa hindi maganda o maluwag na selyo, ang sobrang init ng hangin na pumapasok sa unit ay lumilikha ng lamig at dami ng tubig sa ilalim ng unit. Ang pag-aayos ng selyo sa labas ng unit ay maitatama at masasara ang aircon ng maayos. Ngunit ang pagtulo ng tubig ay hindi lamang ang masamang pwedeng mangyari.
Importante na gawin ng maayos ang butas upang hindi mabawasan ang kahusayan nito, ibig sabihin, gagana ang aircon na naaayon sa kanyang temperature. Kung ayaw mong suriin upang makita ang problema, tumawag ng propesyonal.
 
11. Nagyelo ang Evaporator Coil- upang malaman kung ang evaporator coil ay nagyeyelo, buksan ang blower door na makikita sa loob ng AC unit. Nakakita kaba ng yelo? Kung mayroon, ang tubig ang magiging dahilan ng pagkatunaw ng yelo. Ang drainage pan ay magdudulot ng maraming tubig. Ito ay magyelo, malusaw at magyelo ulit. Magiging paulit ulit lamang ang mangyayari. Kung hindi maagapan, masisira ang unit.
 
12. Labis na Presyon- Kung ang lagusan ay sarado o may nakabara, ito ay magiging sanhi ng labis na presyon sa iyong unit na magiging dahilan upang mag-umpisang tumulo ang tubig. Libutin ang iyong bahay para sa saradong lagusan upang masigurado na hindi ito barado o sarado.
 
Mga pamamaraan upang maiwasang mapinsala ng tubig ang AC Unit ng dahil sa pagtulo:
·         Siguraduhin na ang central AC system ay nakakabit gamit ang pangalawang drain line, kung ang unit ay nasa attic.
 
·         Mayroong nakakabit na patayan ng drain pan.
 
·         Siguraduhing ang AC unit ay ligtas na nakakabit gamit ang pan upang masalo ang pag-apaw nito.
 
·         Linisin palagi ang HVAC filter o palitan ito.
 
·         Siguraduhing gumagana ang maliit na tubo.
 
·         Palaging suriin ang lebel ng lamig ng AC.
 
·         Gumamit ng 50/50 solusyon ng tubig at sabong panlaba upang maiwasan ang amag o amoy na sa condensate pump.
 
·         Suriin ang drain lines kasama ng lagusan ng hangin at p-trap.
 
·         Magkaroon ng pagsasa-ayos ng HVAC kada taon upang masigurado ang kalidad at maisaayos ang sira kung mayroon man.
 
Paano Malalaman kapag Sobra ang Tagas ng Tubig?
Mayroong pinong linya sa pagitan ng iyong air conditioner na gumagana gaya ng inaasahan. Kailangan itong ayusin lalo na kung hindi sigurado kung gaano karaming tubig na ang tumatagas galing sa AC unit. Sa normal na operasyon, ang air conditioner ay tumutulo lamang kung ito ay ginagamit. Pagkatapos, ang unting putik ng tubig ay matutuyo na lamang sa init ng araw.
Kailangan na ayusin ang air conditioner kung ng pagtulo ng tubig ay napatuloy ng isang araw o higit pa. kung hindi pa rin naayos, kailangan na ng propesyonal na gumagawa ng air conditioner.
 
Paano Matunaw ang Yelo?
Una, patayin ang AC unit at buksan ang blower (from”auto” to the “on” position).  Ito ay upang matunaw ang yelo ng fan. Samantalang, mas maganda na tumawag na lamang ng propesyonal na manggagawa ng AC upang masuri at masigurado ang unit kung ito ay gumagana ng maayos at para sa mga posibleng sira.
 
Ano ang gagawin ko kung ang tubig ay tumutulo sa aking Air Conditioner?
Kung napansin mong madaming tubig ang tumutulo sa labas ng air conditioner’sa conderser unit sa loob ng higit 24 oras, siguraduhing tumawag na ng lokal na manggagawa.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.