Bakit Tumutunog ang Panga? Pagputok at Paglagutok Buto Mukha Face Jaw Pagkikis ng Panga Lunas at Gamot ?

Precious Gomez
is in the Philippines Medical History

Minsan, ang pagputok ng panga ay dahil sa labis na paglaki nito, tulad ng malaking pagbuka ng bibig habang humihikab o kumakain. Minsan ito ang resulta ng pagkakaroon ng problema upang gumana ang temporomandibular joint o ang butong kumokonekta sa panga at sa gilid ng bungo.
 
Ang hindi paggana ng mga kasukasuhan ay tinatawag na temporomandibular disorder (TMD) o temporomandibular joint disorder (TMJD), bagaman maaaring mali ang tinutukoy sa kondisyong ito bilang TMJ.
 
Kung nag-uumpisa ka ng gambalain ng iyong panga sa pamamagitan ng paglagatok at pagputok habang ikaw ay kumakain o ikaw ay humihikab, mag-umpisa ng mag-alala.
 
Dalawang uri ng pagtunog ng panga
1. Una ay kapag labis nilang binubuka ang kanilang bibig, tulad ng lamang habang humihikab. Ang uri ng lagatok na ito ay kapag ang ibabang bahagi ng buto ng panga ay lumagpas sa itaas na bahagi ng buto ng panga. Ito ay normal na nangyayari kapag labis na nababanat ang ibabang panga.
 
2. Ang isa pang uri ng pagputok ng panga ay dapat na ipag-alala, at nadadawit dito ang pag-alis ng cartilage- tulad ng disc na nasa loob ng buto. Ang uri ng pagputok na ito ay madalas tahimik habang nakatikom. Ang disc ay dudulas papunta sa harap ng ibabang buto ng panga. Kapag binuksan na ulit ang bibig, may mararamdamang malakas na pagputok o pagkabasag na nangyayari kapag ang disc ay wala sa posisyon nito papunta sa condyle ng ibabang bahagi ng panga.
 
Dahilan ng Biglaang pagputok ng panga
·         Ang pagputok ng panga ng walang halong sakit ay hindi dapat ikabahala.
 
·         Kapag pumuputok ang pangan dahil sa karamdaman, kinakailangan ng tulong ng medisina.
 
·         Hindi ganap na naiintindihan ang dahilan ng pagputok ng panga.
 
·         Ang pagputok ng panga ay maaaring lunasan sa bahay, lalo na kung walang nararamdamang sakit o iba pang sintomas.
 
Mga Sintomas
Maaaring ang pagputok ng panga ang natatanging sintomas.  Gayunpaman, ang TMD ay maaaring maging dahilan rin ng sintomas, kabilang ang:
·         Pananakit o hirap huminga
 
·         Panlalambot ng mukha o panga
 
·         Hirap na ibuka ng malaki ang bibig
 
·         Pag-lock ng panga kahit nakabukas o nakasara ang bibig
 
·         Hirap sa pagkain
 
·         Pamamaga ng mukha
 
·         Pananakit ng ngipin
 
·         Pananakit ng ulo
 
·         Pananakit ng leeg
 
·         Pananakit ng tenga
 
Dahilan
Madalas nanggagaling sa TMD ang isyu ng kalamnan ng panga o ang temporomandibular joints
(TMJs).
Halos 10 milyong tao ang naaapektuhan ng TMD, nangyayari rin ito sa mga babae ngunit mas madalas na nangyayari ito sa lalaki. Gayunpaman, wala sa edad o kasarain ang nakakaranas ng pagputok ng panga.
Maaaring maramdaman dahil sa mga nakaugalian:
·         Pagkiskis ng ngipin
 
·         Palagian o labis na pagnguya ng chewing gum
 
·         Pagngatngat sa kuko
 
·         Madalas na paghawak sa panga
 
·         Pagkagat sa loob ng pisngi o labi
 
Ilan sa medikal na kondisyon ay humahantong sa pagputok ng panga, kabilang ang:
 1. Arthritis- Ang Arthritis ay sakit sa kasukasuhan. Dalawa sa karaniwang uri ng arthritis ay rheumatoid arthritis at osteoarthritis, ang mga ito ay parehong nagreresulta ng pagkasira ng cartilage sa TMJ.
Ang pagkasira ng TMJ cartilage tissue ay nagiging dahilan upang mahirapang maigalaw ang panga at nagiging dahilan upang magkaroon ng tunog ang pagputok ng panga at paglagatok ng kasukasuhan. Pati na rin ang mga taong may rheumatoid arthritis ay nakakaranas ng labis na pagkapagod at kawalan ng gana kumain.
 
Iba pang sintomas ng arthritis kabilang ang:
·         Pananakit ng mga kasukasuhan
 
·         Paninigas
 
·         Pamamaga
 
·         Hirap sa paggalaw
 
2. Pinsala sa panga- Ang pagkabasag o pagkawala sa posisyon ng panga kung saan nangyayari kapag ang buto ng panga ay hindi nagagalaw, ay nagiging sanhi ng pagputok ng panga.
 
Mga karaniwang dahilan ng pinsala sa panga:
·         Pagkabangga
 
·         Pinsala sa pakikipaglaro
 
·         Pagkadulas o pagkalaglag
 
·         Pakikipag-away o pakipagrambulan
 
Importanteng mabigyan ng sapat na lunas ang pinsala sa panga, lalo na kung kinakailangan tulad ng:
·         Pagdurugo
 
·         Pagkakaroon ng pasa
 
·         Pamamaga
 
 
3. Myofascial pain syndrome- Ang myofascial pain syndrome ay isang matagalang sakit na nagiging dahilan ng matinding pananakit ng mga kalamnam. Madalas na nangyayari ito, kapag ang kalamnan ay madalas gamitin. Samakatuwid, mas madalas na nakaaapekto ito sa mga taong may aktibidad tulad ng paglalaro na kinakailangan ng mabilisang paggalaw. Ang myofascial pain syndrome sa panga ay nagiging sanhi ng pagputok ng panga.
 
Mga sintomas ng myofascial pain syndrome:
·         Pananakit ng kalamnan
 
·         Paulit-ulit na pananakit
 
·         Malambot na bahagi ng kalamnan
 
·         Hirap sa pagtulog
 
·         Pagbabago ng ugali
 
4. Sleep apnea- Ang sleep apnea ay karaniwang sakit na naglalarawan sa pamamagitan ng mababaw ng paghinga o isa o maraming beses na pagtigil ng paghinga habang natutulog.
Mayroong dalawang uri ng sleep apnea na tinatawag na obstructive sleep apnea at central sleep apnea. Ito ay parehong nagiging dahilan ng pagputok ng panga.
 
Ilan sa mga sintomas ng sleep apnea:
·         Araw-araw na pagkaantok
 
·         Pananakit ng ulo
 
·         Pag-iiba ng ugali
 
Ang mga taong may obstructive spleep apnea ay maaari ring humilik habang natutulog. Gaya ng sleep apnea, maaari itong maging sanhi ng pagkakaroon ng ilang malalalang kondisyon, tulad ng pagtaas ng presyon, atake sa puso, at pananaba. Ang mga taong may problema sa pagtulog ay kailangan ng agarang lunas.
 
5. Malocclusion of the teeth- Ito ay kilala rin na overbite (pagkagat sa ibabaw ng bahagi ng labi) o underbite (pagkagat sa ibabang bahagi ng labi). Ito ay nagiging dahilan upang hindi magpantay ang panga at labi. Ito ay humahantong sa pagputok ng panga o paglagatok. Ang malocclusion ng ngipin ay kadalasang kinakailangan ng professional orthodontic treatment.
 
6. Impeksyon- Sa ilang kaso, ang pagputok ng panga ay dahilan ng impeksyon sa lalamunan.
 
Iba pang palatandaan at sintomas ng oral infections:
·         Panunuyot ng labi
 
·         Masamang panlasa
 
·         Pananakit ng mukha
 
·         Pamamaga
 
Kinakailangan ng antibiotics o iba pang lunas upang magamot ang oral infection.
 
7. Tumor- Ang tumor ay maaaring mabuo sa anumang bahagi ng bibig. Depende kung saan ito nakalagay. Ang tumor ay makakaapekto sa paggalaw ng panga, dahilan upang magkaroon ng tunog ang pagputok ng panga o pagbabago ng panlasa. Ilan sa mga tumor ay maaaring maging dahilan upang mabuo ang cancer.
 
Lunas o gamot sa tahanan at botika:
1. Over-the-counter medication- Ang iba pang uri ng nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) ay maaaring paginhawahin ang sakit at pamamaga ng panga.
 
2. Malamig at maligamgam- Maglagay ng ice packs sa bahagi ng panga ng 10 hanggang 15 minuto. Kasunod ng paglalagay ng maligamgam sa loob ng 5 hanggang 10 minuto ay makakatulong upang paginhawahin ang sarili. Gawin ng paulit-ulit araw-araw ang salitan na pagdampi ng maligamgam at malamig kung kinakailangan.
 
3. Pagkain- Iwasan ang matigas at malutong na pagkain. Malulutong, mga hilaw na gulay o nginunguyang pagkain, tulad ng caramel, ay mga pangunahing bagay na nagpapalala ng pagputok ng panga at iba pang sintomas nito. Sa halip, pumili ng malalambot na pagkain tulad ng mga yogurts, lutong gulay at beans. Kumagat lamang ng maliit na piraso upang maiwasan ang malaking pagbuka ng bibig.
 
2. Ispasyo- Kung posibleng gawin, panatilihing nakabuka lamang ng bahagya ang bibig sa pamamagitan ng pag-iwan ng kaunting ispasyo sa pagitan ng ngipin, ito ay makakatulong upang pawiin ang hirap ng panga.
 
5. Pagpapahinga - Ang pagbabawas ng pagod ay nakakatulong upang maiwasan ang pagputok ng panga, na nagiging sanhi ng sapilitang pagkikiskisan ng ngipin at pagtikom ng panga. Ang pagmumuni-muni, pisikal na gawain at pahinga ng malalim ay mga halimbawa ng epektibong pamamaraan upang mawala ang pagkapagod.
 
6. Huwag banatin ang panga- Iwasan ang mga gawain na dahilan ng labis na pagbuka ng bibig, tulad ng pagsigaw, pagkanta, at pagnguya ng chewing gum.
 
7. Iwas paganda- Kung kinakailangan, iwasan ang pagpapaayos sa buong katawan lalo na ang pagyuko ng sobra. Halimbawa paglinis ng sariling kuko sa paa.
 
8. Pagpapagamot- Ang pagpapabanat sa mukha o pagpapamasahe ay maaaring makakagaan sa pakiramdam. Ang mga ito ay maaaring talakayin kasama ng doktor at mga physical therapist.
 
Medikal na gamutan:
1. Mouthpieces- Ang pagsusuot ng proteksyon ay maaaring magamit upang maiwasan ang pagkuyom o pagkikiskisan ng mga ngipin. Ang aparato ring ito ay nakakagamot ng malocclusion ng ngipin.
 
2. Dental work- Ang pagkagat sa itaas na bahagi ng labi at ibabang bahagi at iba pang isyu ng ngipin ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng pagpapagawa ng ngipin upang mabawasan ang pagputok ng panga.
 
3. Pain-relieving injection (pagpapaturok)- Para sa mga taong may myofascial pain syndrome, ang pagpapaturok ay isang paraan upang matuldukan na ang paghihirap at mabigyan ng kaginhawaan ang nanakit na panga.
 
4. Ultrasound- Ang paglalagay ng mainit sa kasukasuhan ay isa ring lunas upang mapadali ang pagkilos at mapigilan ang sakit.
 
5. Laser therapy or radio wave therapy- Pinapagaan ng gamutang ito ang paggalaw at binabawasan ang sakit sa panga, bibig, at leeg.
 
6. Pagpapa-opera (Surgery)- Ito ang kadalasang huling kinahahantungan ng mga taong pumuputok ang panga. Ang klase ng operasyon ay kailangan depende sa pinagbabatayang isyu.
 
Para sa lahat na isinasaalang-alang ang operasyon dahil sa pagputok ng panga, nararapat lamang na kumuha ng ikalawa o ikatlong opinion bago isagawa ang gamutang ito.
 
Laging maging maingat sa mga kinakain at sa mga kinikilos. Mahalagang alagaan ng mabuti ang kalusugan. Sa isang maliit na problema ng bahagi ng katawan, malaki ang napipinsala nito sa atin.
 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.