BAWAL BA MAGPUYAT ANG BUNTIS? MASAMA BA PAGPUPUYAT SA NAGDADALANG TAO? ANO EPEKTO

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Bawal ba magpuyat ang buntis? Masama ba pagpupuyat sa buntis? Ano epekto?
 
Ang oras na itinutulog ng isang buntis ay di lang nakakaapekto sa kanya at sa sanggol, kabilang dito ang kalalabasan ng kanyang panganganak. Sinasabing ang kakulangan sa pagtulog ng isang buntis ay nagdudulot ng mga komplikasyon gaya ng preeclampsia. Sa komplikasyong ito, tumataas ang BP (presyon ng dugo) na maaaring magdulot sa maagang panganganak (preterm labor)
 
Maraming mga buntis ang nagkakaroon ng problema sa patulog o insomnia. Ang mga sumusunod ay ang mga karaniwang dahilan:
A. madalas na pag-ihi
Ba. pagsusuka or pagduwal
C. pananakit ng likod at tiyan
D. pulikat sa binti at paa
E. heartburn o di natunawan
F. pagkabahala sa pagbubuntis o panganganak
 
Habang papalapit sa panganganak, mas mahirap na makakumpleto ng 8-10 oras na tulog ang isang buntis. Kaya narito ang mga maaaring solusyon dito:
a. Magkaroon ng bedtime routine/schedule – itakda ang sarili na matulog sa isang partikular na oras araw-araw.
ba. Huwag ng kumain pag oras na ng pagtulog.
c. Kumain na mga 2-3 oras bago matulog. Limitahan na din ang pag-inom bago matulog.
d. Iwasang manood ng TV o mag cellphone habang nag-papaantok.
e. Maligo bago matulog. Nakatutulong itong mas maging komportable ang pagtulog.
f. Himiga ng patagilid at maglagay ng unan sa pagitan ng tuhod.
Kung hirap na hirap na at hindi na ma-solusyonan ang insomnia, magpakonsulta na sa doktor.  Sila ang makakapagbigay sayo ng ligtas na sedative o gamot pampatulog.

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)