Ang mga jokes na magpapasaya at tiyak na makakarelate ka din kung may mahal ka sa buhay na isang OFW o ikaw ang OFW:
- Dear Andoy,
Labis kaming natutuwa sa ipinadala mo anak, pero sa susunod, pwede bang Nido non-fat milk nalang ang ipadala mo? Nagtae kasi ang tatang mo sa ipinadala mong Nivea moiturizing milk.
Nagmamahal,
Nanay
- Mga maintenance crew sa abroad sina Danny at Pedro. Matapos maglinis ng exhaust fan..
Costumer na kano: Are you done?
Pedro: No Sir, I am Pedro not Dan.
- Naglalakad pauwi si Pedro sa downtown San Francisco ng may isang negrong biglang humila sa kanya, sa sobrang takot…
Juan: I dunt hab any mani in here..pls lit mi go
nabigla si Juan ng biglang sumagot ang holdapper
Holdapper: huld ap to bay, pasensya na gid kag wala rin akong kwarta!!!
-Husband: Hon, musta na ang tindahan?
Wife: department store na!
Husband: ang tuba-an?
Wife: KTV bar na!
Husband: ang trickad?
Wife: taxi na!
Husband: ang dalawa kong anak?
Wife: lima na!
Nasiyahan ka sana sa pagbabasa mo ng artikulong ito.