NAMAMANA BA O NAKUKUHA ANG BIPOLAR SA ANAK? DAPAT BA HIWALAYAN BF NA BIPOLAR

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Ang boyfriend ko po ay may bipolar. Mahal na mahal ko po sya. Itatanong ko lang po: Ano po ang mga dapat kong gawin. Dapat ko ba siyang iwan dahil may ganon siya? Kung magkakaanak kami posible po bang makuha niya ang bipolar ng kaniyang ama?
Marami pong salamat..

 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.
Lalz Go
is a Nurse in the Philippines
Pag sinabi mong bipolar anong nangyayari o napapansin mo sakanyang ikinikilos? hindi dahilan nag pagkakaroon bipolar disease o kahit ano mang emotional na sakit para iwanan ang taong iyong mahal. Maganda kung makakapagpacheck up siya sa isang psychiatrist para mabigyan siya ng tamang gamot. Tandaan na hindi porke't ikaw ay magpapacheck up sa psychiatrist ay baliw ka na katulad ng mga nakaugaliang pagiisip ng mga Pilipino. Mataas ang chance na magkaroon ng psychological na problema katulad ng bipolar dahil ito ay namamana.
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
nagbabago bigla ang mood niya at ugali pero nagiging okay din siya kalaonan.. Alam niya na may bipolar niya at alam ko din na may kakaiba sa kanya.. may na open siya saken sabi niya dok minsan natutulala siya ng hindi alam. Nawawala siya sa sarili ng hindi niya namamalayan at nagaalala ako pag ganun dahil bumabiyahe siya gamit ay motor. May time din na hindi siya makatulog at hirap siyang makatulog. Gusto ko siyang tulogan pero hindi ko alam kung anu ang dapat kung gawin.
Recommend Report abuse
Lalz Go
is a Nurse in the Philippines
Maganda sana kung mahikayat mo siya na makapagpacheck up dahil dito lang malalaman kung bipolar nga ba ang kanyang sakit at upang maibigay ang tamang gamot na makakapagbalik kahit paano sa normal niyang pamumuhay. Pinakamahirap sa lahat ang pagsama sakanila sa doktor kahit na alam nila na may sakit sila dahil sa takot na baka totoo nga na may problema sila ngunit sa aking palagay ito ang pinakamainam na paraan para mawala ang iyong pagkabahala sakanyang kalusugan at kung di man mawala ay mailabas niya ang damdamin na kanyang kinikimkim.
Recommend Report abuse
Cristina Singcoy
is a production clerk in the Philippines Medical History
pag po ba may bipolar ang isang tao malalang saket na po ba ito sa pag-iisip?
nakakaapekto rin ba ang puyat sa taong may bipolar?
Recommend Report abuse
Dr. Audrey Cenera
is a Medical expert in the Philippines
Hi Cristina! Considered itong seryoso na karamdaman sapagkat makakaapekto ito sa kanyang pang-araw araw na mga gawain or sa trabaho. At kapag inaatake ay maaaring makasakit ng kapwa tao. Ginagamot po ang Bipolar Disorder. Mas mainam sana kung mapapacheck-up siya para matulungan.
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
kung ipapagamot po ang taong may bipolar ilan buwan po ang gamutan?
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Dra. Audrey kung ang isang tao ba ay dating tumikim ng marijuana at hininto ito may posibilidad ba na magkaroon siya ng bipolar?
Recommend Report abuse

About the author

Dr. Audrey Cenera

Hi! I'm a General Physician who goes on duty in certain clinics.
Profession: General Practice
Philippines
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.