Ang tubig bilang isang simbolo sa panaginip ay naglalaman ng napakaimportanteng mensaheng ipinaparating sa tagapanaginip. Ang tubig ay maaaring magkaroon ng iba’t-ibang kahulugan depende sa laman o uri ng panaginip. Ang kulay, lokasyon at ugali ng tubig ay lubhang nakakaapekto sa kahulugan nito sa panaginip.
Ang tubig ay sumasalamin sa emosyonal na kaloob-looban ng utak ng tao. Tulad ng mga taong hindi kayang intindihin ang kanilang mga emosyon ng mabuti, kayang isalamin ng tubig ang mga emosyon na ating nararamdaman o tinatago. Maaaring maging positibo o negatibo ang kahulugan ng tubig para sa nananaginip at ang pag-intindi dito ay lubhang makakatulong sa pag-iisip ng nananaginip sa kanyang pang araw-araw na buhay.
Kulay ng Tubig:
Klarong Tubig – Ito ay isang positibong simbolo ng panaginip na nagpapahiwatig sa’yo na klaro ang iyong mga emosyon. Depende sa kung sino at ano ang nakapaligid sa’yo sa iyong panaginip, ang tubig ay makakatukoy kung ano ang nararamdaman niyo tungkol sa kanila.
Maduming Tubig o Kulay lupa – Kapag hindi klaro ang tubig, ito ay maaaring mangahulugang nahihirapan ka sa iyong ma emosyon. Maaaring ang iyong mga iniisip ang siyang kumokontrol sa kung ano ang nararamdaman mo sa mga sitwasyon. Subukang maging positibo.
Dark Blue – Kapag ang kulay ng tubig ay napaka dark, ibig sabihin ay may mga tinatago kang malalim na mga emosyon. Kung ano ang nararamdaman mo tungkol dito ay magpapakita kung gaano ka kakomportable sa iyong emotional depth.
Pula – ang kulay na ito ay sumisimbolo sa galit o kaya naman ay passion. Ito ay isang napakamakapangyarihang kulay na nagpapalabas sa mga tinatagong nararamdaman ng nananaginip.
Maputik – Ang iyong mga emosyon ay makapal at mabigat at kailangan mong bawasan ang bigat na ito sa iyong buhay.
Kahulugan ng Tubig sa Panaginip:
Sumasaboy – Ito ay isang simbolo sa panaginip kung saan nais iparating sa’yo ng iyong unconscious na kaisipan na gumising! Bumalik ka na sa iyong landas at huwag nang magpatumpik-tumpik pa.
Kumukulo o mainit na tubog – Ibig sabihin nito ay mataas ang antas ng iyong kasalukuyang emosyon at kailangan mong mag relaks. Marahil ay naabot mo na ang rurok ng iyong galit sa iyong kasalukuyang sitwasyon. Kung ikaw ay napaso ng tubig, nangangahulugang ikaw ay mahihirapan kapag itatago moa ng iyong emosyon. Kailangan mong mag relaks at magdahan-dahan.
Pinapakinggan ang Tubig – Ang pananaginip na ikaw ay nakikinig sa tubig ay nangangahulugang kailangan mong maglaan ng oras para magmuni-muni at magkaroon ng kapayapaan sa iyong emosyon at mga iniisip.
Paglalakad sa Tubig – Ibig sabihin nito ay ikaw ang nasa rurok ng iyong emosyon at ikaw ay may kontrol dito. Maaaring ikaw ay mayroon ding mga nakatagong abilidad.
Tsunami – Ang bangungot na ito ay nangangahulugang mayroong isang makapangyarihang bahay na hindi mo kayang kontrolin. Ang pananaginip ng tsunami ay nangangahulugang ikaw ay nasa dulo na ng pisi sa iyong emosyonal na kapasidad at kung paano haharapin ng iyong emosyon ang isang paparating na sitwasyon. Minsan ito ay isang bagay na wala sa ating kontrol at kailangan mo itong paghandaan at protektahan ang iyong sarili. Ang simbolong ito ay maaari ding magsalamin sa isang pagbabagong darating na resulta ng pagtago o pagpigil mo ng iyong nararamdaman. Kung ano ang iyong reaksyon o gagawin sa iyong panaginip ay sasalamin sa kung paano mo itatrato ang isyu.
Ilog – Ang mga ilong ay sumisimbolo ng iyong paglalakbay sa buhay mapa pisikal man o ispiritwal. Kung ang ilog ay mabilis na dumadaloy, ibig sabihin ay may mga mabilisang pagbabagong darating sa hinaharap. Posible ding pakiramdam mo ay hindi mo kontrolado ang iyong buhay at kailangan mong magdahan dahan. Kung kalmado naman ang ilog, ito ay nangangahulugang ikaw ay magiging komportable ka sa mga pagbabago sa iyong buhay.
Alon – Ang mga alon ang nagpapahirap para makagalaw. Sila ay mapanganib. Ang mga alon ay maaaring gawa ng iyong naipon na emosyon o problema sa labas na maaaring gumuho sa iyong harapan.
Pagkalunod – Ito ay isang karaniwang panaginip na sumisimbolo sa problema sa iyong kalooban. Marahil ikaw ay natatakot sa mga emosyonal na aspetong masyado nang lumalalim.
Talon - Ang pananaginip ng tungkol sa mga talon o waterfall ay isang magandang simbolo sa panaginip. Ibig sabihin nito ay may “cleansing” o bagong simulang mangyayari. Marahil ikaw ay may bagong simulang sasalubungin.
Bagyo – Ang mga bagyo sa panaginip ay sumisimbolo sa pagkasira ng mga nakaraang karanasan o relasyon. Ang mga bagyo ay sumisimbolo sa masasamang emosyonal na sitwasyon. Hindi naman ibig sabihin ay masama na agad itong simbolo dahil bawat bagyo naman ay lilipas din at sisikat din ang araw.
Pagtawid sa Tubig – Kung ikaw ay tumatawid sa dagat nang matiwasay, ito ay nagpapakitang ikaw ay may magandang abilidad para maranasan ang kalayaan.
Tubig Dagat – Di tulad ng karagatan, ang pananaginip ng dagat ay nagdudugtong sa iyong conscious and unconscious na kaisipan. Ito ay maaaring mangahulugan ng dalawang bagay: “I See Now” o “See it Coming”. Kapag naman ikaw ay palutang lutang habang nawawala sa gitna ng dagat ay sumasalamin na ikaw ay palutang-lutang lang sa buhay nang walang direksyon. Ito din ay maaaring mangahulugang kasalukuyan kang nawawala sa iyong landas at hindi mo makita ang iyong daan.
Agua Bendita – Baka kakailanganin mo ng ispiritwal na pagbabago. Kung ano man ang nilalagyan mo ng agua bendita sa iyong panaginip ay nangangahulugang kailangan mo ding ipabasbas ang bagay na iyon.
Barko – Baka nararamdaman mong nasa rurok ka na ng iyong emosyon dahil sa palipat lipat mula sa isang sitwasyon papunta sa susunod.
Nalunod na Barko sa Tubig (Ship Wreck) – Depende kung ikaw ay na-stranded o hindi, malaki ang kaibahan ng ibig sabihin ng sitwasyon. Kung may taong tumutulong sa’yo, ibig sabihin ay may mga taong susuporta sa’yo sa oras ng kahirapan. Kung wala naman, ibig sabihin ay kakailanganin mo ng suporta at taong makakausap.
Lumalangoy o Nasa Pool – Ang paglangoy sa isang pool ng mag-isa ay nangangahulugang ikaw ay naghahanap ng oras para makapag relaks. Kung ikaw naman ay lumalangoy sa pool o dagat na may kasama ay nangangahulugan na kayo ay may espesyal na koneksyon. Ano ang nangyari sa pool? Ano ang mood at kulay ng tubig?
Umiinom – Ito ay maaaring paraan ng iyong utak para ipaalam sa’yo na ikaw ay dehydrated. Minsan tayo ay nananaginip na umiinom tayo ng tubig dahil hinahanap hanap ng ating katawan ang tubig.
Ilalim ng Tubig – Kapag ikaw ay nasa ilalim ng tubig, nilalakbay mo ang malalim na parte ng iyong kaisipan. Ano ang pakiramdam mo habang ikaw ay naglalakbay? Ano ang iyong nakita? Minsan kapag binutihan mo ang paglalakbay, makakakita ka ng kayamanan.
Kinukuryente – Kapag ikaw ay nakukuryente sa tubig, ito ay nangangahulugan na ikaw ay makakatanggap ng nakakabiglang balita na hindi mo inaasahan. Kapag naiwasan mo naman ang kuryente, ibig sabihin ay naiwasan mo ang isang napakadelikadong sitwasyon.
Nag-ii scuba Diving – Ito ay isang magandang panaginip na sumisimbolo sa iyong kakayahang tignan ang malalalim na aspeto ng iyong emosyon at mahanap ang mga bagay na hindi mo pa nadidiskubrehan sa iyong sarili. Gustong gusto mong tignan ang mga aspetong ito tungkol sa sarili mo.
Nasa Ilalim ng Tubig – Karaniwan kung ano man ang nakatago sa ilalim ng tubig ay sumasalamin sa mga nakatagong aspeto ng iyong emosyon na kalaunang lalabas din. Maaari kang makasalubong ng mga balyena, dolphin, alimango o mga lamang dagat. Lahat ng mga ito ay may iba-ibang kahulugan na makakatulong sa’yo para mas maintindihan ang iyong sarili. Minsan ang mga hayop na ito ay aahon sa pampang para magdala ng mensahe para sa’yo. Minsan ikaw ay aatakihin sa tubig at ito ay sumisimbolo sa isang bagay na iyong tinatagong kinatatakutan.