ARIES: Ano kapalaran ko sa 2018? Hula at swerte sa pagibig, negosyo, kalusugan

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Sa taong 2018, ang mga pinanganak nang Aries ay magkakaroon ng maraming oportunidad sa halos lahat na aspeto ng kanilang buhay. Ang planetang Mercury ay tutulong sa’yo na gumawa ng kakailanganing komunikasyon na ngayo’y kulang sa iyong buhay. Sa ganitong paraan, may mga bagong koneksyon na mapupunta sa iyong teritorya. Totoo at tapat na mga ideya ang magiging pokus at pagpapatupad sa mga ito ay magiging madali para sa iyong ngayong taon. Ang paglalakbay ng Saturn ay tutulong na magbigay ng napaka kailangan mong katatagan sa buhay. Pasensya at pagtitiyaga ay magagantimpalaan ngayon ngunit iwasang maging masyadong pabigla-bigla tulad ng karaniwan mong ginagawa. Maging sensitibo at gumawa ng mabuting mga desisyon sa buhay na maaaring magkaroon ng pangmatagalang epekto sa buhay mo.



Horoscope ng Aries para sa Karera nitong 2018

Ang mga pinanganak ng Aries ay magkakaroon ng napakagandang karera ngayong 2017. Ang Saturn at Mars ay tutulong sa kanila sa propesyunal nilang buhay. Sa panahong ito, ikaw ay magpapahayag ng iyong posisyon ngayon higit kailanman. Ang pagsasagawa mo ng iyong trabaho ay magiging mabuti at kasiya siya ang iyong mga gagawin. Ang iyong papel sa iyong trabaho ay mas magiging mahusay at mas mapapansin habang tumatagal ang taon. Para sa iba sa inyo, ang kakailanganin ninyong pagbabago sa inyong karera ay magiging posible. May mga bagong kakilalang mas mapapansin at magdadala ng mabuting pagbabago sa iyong propesyunal na karera.


Pag-ibig at Pagpapakasal na horoscope nitong 2018 para sa Aries


Sa taong 2018, magkakaroon ka ng mas sensitibo at matinong pagtrato sa iyong buhay pag-ibig. Tutulungan ka ng Venus sa aspetong ito ng iyong buhay ng mas higit pa sa tanang buhay mo. Makakaya mong malampasan ang mga gulo sa relasyon mo sa taong ito. Ngunit magkakaroon ng iilang mga pagkawala ng tatag sa buhay pag-ibig at ang iyong pabigla-biglang ugali ay magdudulot ng gulo paminsan minsan. Ang mas madamdaming aspeto ng iyong buhay as mas makikita at ang magkakaroon ng mas positibong “vibrations” buong taon. Makukuha moa ng mga puso ng mga taong gusto mo. Ang emosyonal mong kalusugan ay magiging mabuti at igigiya ka sa lahat ng kabutihan sa mga relasyon mo. Ikaw ay may liligawang bagong mga tao at sa katapusan ng taon ay makakakilala ka ng isang mabuting kapareha. Pakinggan ang tawag ng iyong pakiramdam at umakto ng maayos sa aspetong ito ng buhay mo.


Horoscope ng Aries nitong 2018 pagdating sa Pera

Para sa taong 2018, ang mga pinanganak ng Aries ay bibiyayaan ng magandang pinansyal na buhay, salamat sa tulong ng magandang pagkakaposisyon ng planetang Venus. May bagong inflow ng pera na makikita sa taong ito. Pagbutihin ang iyong financial standing sa pamamagitan ng pagputol ng gastos at dagdagan ang iyong mga ipon at pampuhunan. Kumunsulta sa mga kaibigan para sa paying pagdating sa pera sa panahon ng pangangailangan. Baguhin ang iyong budget kung kakailanganin ng sitwasyon. May mga bagong pinto at oportunidad ang magbubukas para mapabuti ang iyong pinansyal na sitwasyon habang tumatagal ng taon. Ang iyong kapalaran pagdating sap era ay may mabuting plano para sa darating na taon, Aries.


Payo para sa Aries nitong 2018

Subukang balansehin ang emosyonal at praktikal na aspeto, Aries. Ikaw ay tatawagin para sa isang mas responsableng posisyon nitong taong ito, kaya kailangan mong umakto ng matino. Ngayong taong 2018 ay mabuting panahon para gumawa ng mga desisyon sa kung ano ang importante sa iyong buhay. Kung posible, ibaon ang lumang sama ng loob at putulin ang mga relasyon na hindi naman importante o masyadong magulo para sa’yo sa pangmatagalan. Dalhin ang iyong pagkamalikhain at pagpapahayag pauna at intindihin ang iyong totoong potensyal. Huwag subukang husgahan ang iba kung ikaw din ay may mali sa sarili mo. Magsaya habang posible dahil hindi lahat ng oras ay mabuti ang lahat.


Horoscope sa Kalusugan ngayon 2018 para sa Aries

Sa taong 2018 ang iyong pangkalahatang kalusugan sa aspetong pisikal at mental ay magiging napakabuti. Kakayanin mong pangalagaan ang iyong kalusugan at mga nakasanayang gawain ng mas mabuti hindi tulad noon. Ngunit ang iyong pagiging sensitibo at mapamilit ay maaaring gumulo sa iyong kalusugan, at magdudulot ng iilang beses na pagkapagod at pagkawalang gana. Manatiling kalmado at positibo para maiwasan ang mga hindi kailangang komplikasyon sa kalusugan. Magpahinga ng mabuti, pabalikin ang iyong sigla sa pamamagitan ng sandaling bakasyon sa trabaho. Siguraduhing kargahan ang panloob na sigla kapag may panahon. Gamitin lamang ang enerhiya sa mas positibong mga bagay para mas magamit at mailabas mo ang iyong totoong potensyal, na magreresulta sa mas mabuting kalusugan. Ngunit, huwag pilitin ang sariling mapagod masyado at maaari itong mauwi sa mas seryosong sakit kalaunan.


Pamilya at Pamumuhay sa 2018

Ligaya ang mamamayani sa iyong bahay buong taon ng 2018. Bilang ang iyong ika-4 na bahay ay malakas at naka posisyon kasama ang kapaki-pakinabang na planetang Jupiter nitong 2018, magkakaroon ng ligayang pang domestiko buong taon. Magkakaroon ng positibong pagbabago sa bahay o magkakaroon ng renovation. May posibilidad na magbebenta o bibili ka ng real estate. Bagong dagdag sa pamilya sa pamamagitan ng pagbubuntis o kasal. Ang kabuuang pinansyal na aspeto ng buong bahay ay magiging maayos buong taon. Magkakaroon ng pagbubuti sa loob ng bahay at pamumuhay sa taon na 2018.


Aries – Taunang Edukasyon ngayong 2018

Karamihan ng mga Aries ay hindi magkakaroon ng malaking problema o suliranin sa kanilang eskwela o mga exams. Sila ay magiging matagumpay sa kanilang pag-aaral. Ang iyong determinasyon at tibay ng loob at idagdag pa ang iyong paninindigan ay tutulong sa’yong magtagumpay sa iyong pag-aaral. Magkakaroon ng magandang taon, particular na ang mga taong nasa larangan ng agham at teknolohiya.


Horoscope sa Paglalakbay ngayon 2018 para sa Aries

Ang maglakbay ay nasa hinaharap ng ilang taong pinanganak na Aries, ngunit ito ay nas mas propesyunal na aspeto kesa sa personal. Ang paglalakbay para sa personal na kaligayahan ay hindi magiging pokus sa ngayon. Ang paglalakbay abroad para mag-aral o para sa trabaho ay matutupad para sa mga Aries na matagal nang gustong gawin ito.

Tignan lahat ng zodiac signs...

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.