ANO MANGYAYARI SA 2017? Prediksyon hula kalamidad bagyo sakuna sakit

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Top 20 na mga prediksyon ngayong 2017!

Naniniwala ka ba sa mga prediksyon? Malamang na interesado ka na malaman kung ano ba ang kahihinatnan ng 2017 para sayo at sa pamilya mo. May iba naman na hindi naniniwalang may makakapag-sabi kung ano ang talagang mangyayari.

Iba-iba ang prediksyon ng mga tao. Narito ang listahan ng 20 pangunahing prediksyon para sa 2017:


1. Magsasama si Presidente Trump at Duterte sa isang adbokasiya na hindi inaasahan ng marami. Marami ang masosorpresa, lalo na ang mga presidente ng ibat-ibang bansa. Mas dadagsain tayo ng mga world leaders ngayong 2017.


2. Hindi matatapos ang 2017 na nasa senado pa din si Leila De Lima. Patatalsikin ba siya sa pamamagitan ng impeachment? O dadalhin siya sa kulungan? Malalaman natin.


3. Madaming pekeng balita sa media ang maglalabasan ngayong 2017.


4. Mananatili si Presidente Duterte sa posisyon at mas titibay pa ang pwesto niya. Magmula ng maupo si Duterte noong 2016, sunod-sunod na balita na ang nagsasabing patatalsikin siya sa pwesto at magkakaron na naman ng EDSA People Power Revolution. Sa kabila ng lahat ng isyu at bantang pagpapatalsik sa kanya, matatapos ang 2017 na siya pa din ang nakaupong presidente.


5. Magkakaroon ng isyu sa pagitan ng USA at China sa 2017 at magkakaron ng papel ang Pilipinas. Maaring kamampi ang Pilipinas sa China man o USA. Hindi pa natin alam pero tiyak na ang Pilipinas ang isa sa magiging sentro ng usapin kapag nangyari na yan.


6. Magkakaroon na naman ng mga kalamidad sa Pilipinas. Baka isipin mo na hindi na bago yan. Pero may mga nagsasabi na sa bibliya, matagal ng nakahula ang mga sakuna gaya ng lindol o bagyo. Malalaman natin yan ngayong 2017.


7. Mga polisiya sa pag lipat sa ibang bansa o pag-immigrate. Noong 2016, marami tayong narinig na balitang magkakaron ng pag-babago sa Visa o mga polisiya sa pangingibang bansa. Pero walang magbabago ngayong 2017.


8. Dadagsa ang mga International Awards ngayong 2017 para sa mga celebrity, pero madami ang makukulong. Mas tatanggapin ng publiko ang mga Indie Films at hahakot ng award ang mga pinoy celebrities. Pero malamang na mas madaming artista ang masasangkot sa ilegal na droga. Marami ang magugulat sa mga di inaasahang tambalan sa pelikula. Maraming child stars ang gagawa ng pangalan sa industriya.


9. Mas maraming investor mula sa ibang bansa ang darating sa bansa at dadami ang trabaho. Gaya ng alam natin, bumisita si Presidente Duterte sa China at nag resulta ito ng bilyon-bilyong deals. Dadami pa ang bansang mag-invest sa atin at mananatili tayong call-center capital sa mundo.


10. Mababalik ang Death Penalty at aani ito ng sangkatutak na kritisismo mula sa publiko at sa ibang bansa. Malalaman natin yan ngayong 2017.


11. Mgakakaroon ng mga Fish Kills, at sa pagpasok ng mga kalamidad, maraming pananim at imprastraktura ang masisira. Pinaniniwalaan din yan ng mga Feng shui expert dahil sa basa nila sa astrolohiya ngayong taon.


12. Madaming mga pinoy na boksingero at martial artist ang hahakot na tropeyo at dadagsa ang mga makabagong imbensyon na gawang pinoy. Pero di gaya noong 2016, ang suporta ng mga pilipino kay Paquiao ay hindi magiging kasing lakas ngayong 2017.


13. Pag dating naman sa mga relihiyosong tao o leader, maeexpose sila sa mga kontrobersiya dahil sa mga walang takot na komento at pahayag sa ibat-ibang politikal na isyu sa bansa.


14. Mananalo si Bong Bong Marcos sa electoral protest at papalitan si VP Leni Robredo sa pwesto.


15. Mas sususlong ang pederalismo sa bansa. Madami ang gustong mag-sulong ng pederalismo sa bansa, pero hindi gaya ng iniisip ng iba, matagal na proseso ang pag-susulong nito dahil sa talagang malakihang pondo at masusing pag-aaral ang kailangan. Pero dahil sa paulit ulit na panghihikayat ni Presidente Duterte, mas susulong ang isyu na yan ngayong 2017.


16. Hindi mai-impeach si Duterte pero madaming kaso ang kakaharapin niya. Madami ang naniniwalang walang impeachment sa kanya dahil sa EJK o extra judicial killings. Pero siguradong sari-saring kaso ang isasampa sakanya ngayong 2017.


17. Maraming opisyal sa gobyerno ang mapapatalsik at pag-mumultahin ng malaki.


18. Sa 2017, ang palitan ng piso sa dolyar ay maisasara sa pagitan ng 49-51.


19. Maraming matatanda at beteranong politiko ang mamatay.


20. Marami ang naniniwalang mas dadami ang krimen ngayong 2017 dahil sa pasama ng pasamang paligid at impluwensya.

Anuman ang mangyari ngayong 2017, nasa sayo naman talaga kung pano ka magpapasiya. Abangan nalang natin kung gaano kaposible ang mga prediksyon na yan.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Angelie Villalba
is in Asia/Pacific Region
Ang galing. Karamihan sa sinabi nyo ay talagang nanguari :)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.