Paano malaman kung kailan Pagdiriwang ng Chinese New Year? Pinagmulan at Kasaysayan
Gaya ng nakasanayan, sinalubong na naman natin ang bagong taon. Sa mga pinoy, January 1 ang petsa ng bagong taon. Pero para sa mga Tsino at Tsinoy, yung mga kalahating tsino at kalahating pinoy, talaga namang bongga ang paghahanda para sa nalalapit na Chinese New Year. Ngayong 2017, January 28 ang papatakan ng selebrasyon. Ito ang masasabing pinaka mahalagang okasyon ng mga Tsino, lalo na ng bawat pamilya at ginagawa nila ito sa loob ng 15 araw. Pero mas popular yan sa tawag na Spring Festival, kung nasa China ka. Year of the Rooster ngayong 2017.
Paano ba nagsimulang ipagdiwang ng mga tsino ang Chinese New Year?
Sa totoo lang, sari-saring kwento at alamat ang sinasabi ng mga tao tungkol sa pinagmulan niyan. Sabi nila, may isang halimaw na kung tawagin ay Nien na nagpapakita kada katapusan ng taon. Papatayin niya ang mga tao at manggugulo kaya kailangang mag-ingay at magsindi ng kutakot-takot na ilaw sa lansangan para mabulabog si Nien. Pero ang totoo, may dalwang dahilan kung bakit gustong-gusto nilang ipagdidiwang ang Chinese New Year:
- Para ipagdiwang ang isang taon ng pagsisipag sa trabaho, para mag relax at makasama ag mga kapamilya
- Hinihiling nila ang magandang pagpasok ng taon at swerte sa buong taon
Kung gusto mong makipag-celebrate sa kanila, malamang na interesado kang malaman ang mga ginagawa at tradisyon twing Chinese New Year. Siguradong mag eenjoy ka. Sa pilipinas mo man I-cecelebrate ang bagong taon, halos pareho din. Heto ang listahan:
- Pagsasalo-salo sa Hapunan bago ang New Year. Parang Reunion ba! Magsasama-sama ang
bawat pamilya at kakain ng magkakasabay. Syempre, talaga namang kakaiba at masarap ang pagkain na inihahanda. Baka narinig mo na yung Chinese Dumplings, Shanghai Rolls, Rice Cake at sobrang dami pa. Yung noodles na karaniwan na sating mga Pinoy, bidang-bida sa kanila kasi simbolo daw ito ng mas mahabang buhay. Pero, hindi kailanman mawawala ang isda. Napaka importante nito dahil eto daw ang magbibigay ng napakadaming pera sa loob ng pamilya.
- Paglalagay ng mga Lucky Signs at Design na kulay pula sa mga kanto, bahay, o opisina. Hindi masasabing Chinese New Year kung wala ang mga to. May mga red lanterns na naka sabit o yung mga pulang ilaw na may nakasulat na chinese. Kapag New Year, pula ang pinakamahalagang kulay. Pero dahil Year of the Rooster ngayon, malamang na makakita ka ng mga desenyo ng tandang lalo na sa China Town sa Maynila.
- Pagbibigayan ng Hangbao o yung pulang sobre para magpasahan ng swerte. Parang twing pasko sa atin, nagpapalitan tayo ng regalo. Pero syempre, may ganon din ang mga tsino. Ang mga pulang sobre na iyan ay may pera sa loob at karaniwan ng binibigay sa mga bata o ma nagretiro ng matatanda. Hindi nila ugaling bigyan ng sobre ang mga adulto o nagtatrabaho.
- Mga Bongga at Nag-gagandahang Paputok o Firecrackers. Parang sinasabi nila: “Goodbye lumang taon, Hello bagong taon”. Una, magpapaputok sila ng isang maliit na paputok na susundan naman ng tatlong malalakas na paputok. Mas malakas na putok, mas maswerte.
- Pananalangin sa mga Templo para sa mas masayang bagong taon na puno ng swerte at pagpapala. Parang satin din dito sa Pinas, naniniwala din sila na mahalang manalangin para sa pagpapala.
May mga bagay din na iniiwasan ang mga Tsino:
- Sa kanilang 15 Araw na Lantern Festival, sinasabi nila na bawal basain ang buhok sa unang tatlong araw o maglinis ng bahay dahil mawawalis ang swerte.
- Bawal na bawal ang iyak ng bata.
- Bawal ang umutang at napakadami pang ibang paniniwala.
Baka magulat ka, isa din sa pinaniniwalaan nila eh yung pagsusuot ng pulang underwear.
Napakadami pang ibang kultura at tradisyon sa tuwing Chinese New Year. Nagdidiwang ka man o hindi, dapat lang na magpakita ng respeto sa paniniwala nila. Kung plano mong magdiwang kasama nila, siguradong nakatulong sayo ang artikulong ito.