Aquarius Horoscope 2018 | Mga Hula 2018 | Astrology 2018 | Zodiac Sign
Magiging masigla at kasiya-siya ang taong 2018 para sa mga Aquarians. Magkakaroon ng pag-unlad at pagbabago sa kanilang buhay. Mayrong positibong aspeto para sa mga relasyon at husay sa iyong professional life. Ganunpaman, pinapayuhan ang mga Aquarians na maging mahinahon at magdahan-dahan nang may kasamang pasensya dahil nakahanda ang Saturn na maghasik ng kaguluhan sa kanilang mga plano sa buhay. Magiging masaya at satisfying ang buhay para sa iyo. Magiging pabor sa iyo ang mga partnership at relasyon. Makakamtan rin ang mga resulta mula sa iyong mga nakaraang pagpupursige. Magkakaroon ka ng matibay na pundasyon para maabot ang iyong long-term goals.
Trabaho, Karera, Career horoscope 2018 para sa Aquarius
Magkakaroon ng mga malalaking pagbabago sa kanilang career path ang mga Aquarius sa taong 2018. Karamihan sa inyo ay sisimulan ang ilan sa mga long-term goals at mga dating plano. Makukuha mo ang loob at kabutihan mula sa mga nakakataas sa iyo at kasamahan sa trabaho. Magiging maganda para sa iyong pagpapalawak sa sarili ang lugar na pinagtratrabahuan. May mga bagong ideyang darating. Ang iyong sigla at professional strength ang makakatuolong sa iyong career life.
Pag-ibig at Pagpapakasal horoscope 2018 para sa Aquarius
Makakaramdam ng intensity at emosyon sa kanilang buhay pag-ibig ang mga Aquarius sa taong darating. Magakakaroon rin ng mahabang panahon para maglibang at mag relax kasama ang kanilang partner. Tutulungan ka rin ng mars at Venus sa iyong sensuous skills upang maintindihan pa ang iyong kapareha sa mas mabuting paraan. Mawawala rin ang iyong mga takot tungkol sa relasyon. Magkakaroon ng mas affectionate na mga sandal sa panahong ito. Kung magkakaroon ng awayan, mabuting pag-usapan ito sa pamamagitan ng makabuluhang dayalogo. Ang mga single ay makaka-attract nang walang masyadong effort at drama. Huwag magbalatkayo sa iyong kapareha, dahil magiging problema kung ang lalabas ang iyong tunay na kulay. Maging totoo at tapat sa iyong sarili at sa iyong kapareha kung gsto mong magkaroon ng matibay na relasyon. Magkaroon ng tiwala sa sarili at paibigin ang iyong kapareha nang may mabuting kalooban.
Pinansyal, pera, Finance horoscope 2018 para sa Aquarius
Maaaring magkaroon ng maraming pagbabago sa iyong budget sa taong 2018 kung hindi ka magiging maingat sa iyong paggasta. Kailangang maging stable ka sa iyong financial spending kung hindi, magkakaroon ka ng problema pagadating ng panahon. Baguhin ang iyong mga prayoridad pagdating sa paggasta at kailangang hindian ang mga bagay kung hindi ito kaya ng bulsa. Magtipid upang may magamit sa panahon ng pangangailangan. Maaring magkaroon ng financial expenses para sa medical treatments ng mga miyembro ng pamilya. Maging handa para dito. Kailangang magkaroon ng sakripisyo at kunin ang mga oportunidad na darating sa iyo upang mapanatili ang pagpasok ng pera. Pagbutihin ang iyong financial resolutions hanggang sa huling bahagi ng taon upang mas relaxing at relieving ito para sa iyo.
Payo para sa Aquarius sa taong 2018
Sa taong ito, maaaring magkaroon ng mga paghihirap na hindi mo pa naranasan noon, maging handa para dito. Isiping mabuti ang sitwasyon, at gumawa ng mabuting solusyon mula dito. Gawin ang lahat ng bagay sa iyong mga totoong relasyon sa buhay. Ituon ang enerhiya sa mga positibong pananaw upang umunlad sa buhay. Maging tapat at totoo sa mga nakakataas sa iyo at sa mga kasamahan sa iyong trabaho upang magkaroon ng transparency. Palakasin ang iyong sarili gamit ang matibay na kaalaman. Manatiling positibo at focused. Ito ang magiging susi upang malampasan ang taon.
Kalusugan, Health horoscope 2018 para sa Aquarius
Hindi masyadong maganda ang kalasugan sa karamihan ng mga Aquarian sa taong ito dahil hindi nakasuporta ang mga planeta sa kanilang matibay na posisyon para sa mabuting kalusugan. Mayroong fatigue, pagod, at pagkahapo sa buong panahon. Ganunpaman, huwag pilitin ang iyong pisikal na lakas. Panatilhin ang iyong mental na kaisipan at mag-isip ng positibong plano upang magpatuloy sa buhay. Ingatan ang iyong diet at mag-relax paminsan-minsan upang maiwasan ang kapaguran sa trabaho. Magkakaroon ng stability sa iyong kabuuang kalusugan sa huling bahagi ng taon, dahil sa iyong long-term health commitments. Ang ilan sa inyo ay iiwasan ang ibang bisyo sa loob ng taon.
Pamilya at Lifestyle sa 2018
Mas maganda ang buhay-pamilya kumpara sa mga nagdaang taon para sa mga Aquarians. Walang malalaking pagbabago sa iyong tahanan. Ngunit hindi dapat isawalang-bahala ang pamilya at tahanan. Sa ilang bahagi ng taon, kailangan ang iyong buong commitment sa iyong pamilya. Kahit na walang makukuhang karampatang respeto at pasasalamat para dito. Pinapayuhan kang klaruhin ang anumang hindi pagkakaintindihan sa pamilya para sa mas malaking interes. May ilang mapapalad na kaganapan katulad ng pagpapakasal, at maibabalik ang sigla sa iyong buhay.
Aquarius - taunang Edukasyon 2018
Sa taong 2018, ang mga estudyanteng Aquarius ay hindi magkakaroon ng magandang kondisyon para sa kanilang pag-aaral. Partikular na sa mga kukuha ng mga pagsusulit at interviews, maaaring ito’y maging mahirap. Kailangang magsumikap para dito. Sa second quarter ng taon, magiging maaliwalas ang mga bagay para sa kanila. Maaaring magkaroon ng antala at sagabal para sa mga gustong kumuha ng mas mataas na edukasyon at academic interests sa ibang bansa.
Paglalakbay, Travel horoscope 2018 para sa Aquarius
Nakakapangamba ang paglalakbay sa taong 2018 para sa mga Aquarius dahil magkakaroon sila ng isang paglalakbay pagkatapos ng isa. Magkakaroon rin ng magkahalong paglalakbay dala ng personal at professional na mga rason. Makakabenipisyo ang mga Aquarius mula sa mga paglalakbay na ito. Ang ilan sa inyo ay matututunan ang mga bagong kultura at tradisyon mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ganunpaman, maging handa at iwasang mag travel sa panahon ng Mercury Retrogade periods. Gayundin, iwasan ang mga lugar na may mga banta sa seguridad.
Tignan lahat ng zodiac signs...