LIBRA AT AQUARIUS
Kapag pinagpares ang Libra at Aquarius, maaaring magsilbi ang kanilang relasyon sa pagpapataas at pagpapalawak ng kamulatan ng parehong sign. Ang dalawang ito ay nag-uugnayan sa isang mataas na antas ng pag-iisip; pareho silang mahilig sa sining, mga tao, at kultura; pareho silang ayaw sa mga mapagpigil na impluwensya sa kanilang buhay. Malamang na magkasundo sila dahil marami silang magkakaparehong pangangailangan at hindi na kailangan ng higit pa sa kayang ibigay ng bawat isa. Napakataas ng enerhiya, at masigla ng parehong sign; maliit ang tsansang maging tigil ang relasyong ito.
Ang Aquarius at Libra ay parehong may pakialam para sa pagbabago ng buong daigdig at sa kalagayan ng kanilang kapwa tao. Pinakaprogresibong mag-isip ang Aquarius sa lahat ng Zodiac, at lagi silang may bagong ideyang naiisip. Ang Libra naman ang diplomatiko ng Zodiac; ayaw na ayaw nila sa anumang uri ng alitan, at ipinapanganak silang tagabalanse (kung kaya ang simbolo nila ay ang iskala). Ang kagustuhan ng Libra na iwasan ang alitan, kapag isinanib sa pagnanais ng intelektwal na kalayaan, ay maaaring maging dahilan para hindi sila makapagpasya kaagad sa ilang bagay; kapag nangyari ito, pwedeng manguna ang Aquarius upang tulungan ang Libra sa kung ano ang susunod na gagawin. Maibabalik ng Libra ang pabor sa pamamagitan ng pagpaplantsa ng paminsan-minsang magusot na buhay ng Aquarius, na dulot ng kanyang mapangaraping pag-iisip na hindi umaakma sa riyalidad.
Marapat lang na gumawa ng ibang bagay ang Libra at Aquarius, sa halip na magbuo lamang ng relasyong nag-iibigan, sapagkat kaya nilang gumawa ng malalaking bagay gamit ang kanilang mga puso, ang kanilang pagnanais na magkamit ng pag-unlad at ang kanilang kamulatan sa pag-abot ng higit na mabuti. Katangi-tangi silang makapares dahil sa kanilang kakayahang tumindig para sa katarungang panlipunan o radikal na pagbabago sa komunidad.
Parehong Air sign ang Libra at Aquarius. Mayroon silang matatag na intelektwal na koneksyon sa isa’t isa at palaging pinasisigla ang mga istilo at kakayanan sa pag-iisip at pakikipag-usap ng bawat isa. Muli, ang kanilang kakayahang magtulungan ay malaking dahilan kung bakit dapat silang magsagawa ng mas malalaking proyekto sa buhay nila bilang magkarelasyon—dapat nilang abalahin ang kanilang sarili sa pagkamit ng mas nakabubuti para sa lahat. Kayang magdala ng balanse ng Libra sa anumang layunin na hindi nagagawa ng iba pang sign. Kapag magkasama, ang Aquarius at Libra ay magkakaroon din ng maraming nakakabuhay na intelektwal na talakayan tungkol sa kanilang mga interes at layunin sa buhay.
Ang Libra ay isang Cardinal sign, samantalang ang Aquarius ay isang Fixed sign. Pinagagalaw ng Libra ang mga bagay-bagay ngunit maaaring nahihirapan siyang tapusin ang mga ito, na siyang dahilan kung bakit napakapositibo ng determinadong impluwensya ng Aquarius: Magaling magtulak ang Aquarius at kaya niyang dalhin at tapusin ang mga ideya ng Libra hanggang sa katapusan. Napakahusay na magkapares ng dalawang ito, laluna pagdating sa anumang gawain, dahil hindi sila nagtutulakan sa paggawa ng mga bagay-bagay, hindi nag-aagawan ng pagkilala sa paggawa ng mga ito, at walang nag-aalangang magtrabaho kahit na hindi nabibigyan ng kredito.
Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Libra-Aquarius. Ang kanilang kakayahang magtrabaho bilang isang team. Kaya nilang matuto nang magkasama nang higit pa sa kayang matutunan ng alinamang sign nang nag-iisa. Ang kanilang mga nakakamit at pagmamahal sa pakikipagkaibigan at mga bagong proyekto ang dahilan ng kanilang ganap na matagumpay na relasyon.