VIRGO AT CAPRICORN
Kung magpapares sa pag-iibigan ang Virgo at Capricorn, ang kanilang relasyon ay magiging pragmatic at matalino. Ang dalawang Sign ay parehong rasyonal at pareho ring may tiwala sa sarili at sa ibang tao. Nagugustuhan ng Virgo ang dedikasyon at tibay ng Capricorn, habang nagugustuhan ng Capricorn ang intuition o pandamdam ng Virgo, at ang atensyon nito sa detalye. Nakakalikha sila ng isang matibay na pagsasama na nakabase sa realidad.
Ang kanilang relasyon ay may matibay na pundasyon na nakabse sa materyal na seguridad at makatotohanang pamamaraan sa buhay, sa pangkalahatan. Hindi nila hinahayaang lamunin sila ng kanilang mga emosyon at maaasahan sila dito. Matutulungan ng Virgo ang Capricorn na mag relax at ma-appreciate ang kanilang naabot mula sa pagtratrabaho. Matutulungan ng Capricorn ang Virgo na makuha ang goals nito sa pamamagitan ng pagsisimulang gawin ito. Pareho nilang mararanasan ang komportableng pamumuhay nang magkasama.
Maipapakita ng Virgo sa Capricorn ang mga katangian na kailangan at mahalaga sa pagtratrabaho ng maigi at pagtulong sa kanila sa relasyon, negosyo o tahanan. Matuturuan ng Capricorn ang Virgo ng disiplina at focus na kailangan para makamit ang goals nito. Magkakaroon ng labis na saya at galak sa tahanan at romantikong aspeto nang magkasama ang dalawa.
Maliban sa kapayapaan at linaw, ang relasyong Virgo-Capricorn ay gustong napapalibutan ng mga magagandang bagay at pag-aari. Mas gusgutuhin nilang maabot o makamtan ang perfection kaysa maging pangalawa lamang. Kasama ng kanilang kagustuhang maging sigurado sa kanilang pinansyal na pangangailangan, ang kanilang kagustuhan sa mga magagandang bagay ang maghihimok sa kanilang magsumikap at maglaan ng lakas upang makamit nila ang kanilang mga pangarap. Bukod pa dito, sila’y sensitibo at hindi masyadong nagkakaroon ng mga problema.
Adaptable ang Virgo sa anumang sitwasyon at hindi nagkakaroon ng problema sa pakikisama sa Kambing basta’t may karampatang gagawin sa anumang proyekto. Nagugustuhan ng Capricorn ang katotohanang dedicated ang Virgo sa kanilang relasyon. Naibibigay ng Capricorn ang mga pananaw sa relasyon na posibleng hindi maiisip ng Virgo sa kanilang sarili. Sisimulan ng Capricorn ang mga bagong bagay o proyekto na mai-enjoy namang pagtrabahuan ng Virgo kung ito’y bibitawan ng Capricorn. Magiging posible ang relasyon ng dalawa kung sisimulan ng Capricorn ang mga bagong ideya at tatapusin ng Virgo.
Ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Virgo-Capricorn? Ito’y ang kanilang nakakamanghang dedikasyon at parehong goals--lalo na kung ito’y shared resources. Ang kanilang mga parehong interes ang dahilan upang ang kanilang relasyon ay kaaya-aya.