CANCER at GEMINI
Pwedeng magkaroon ng mausisang relasyon kung magsasama sa pag-iibigan ang Gemini at Cancer. May problema sa pakikipag-usap ng malinaw ang sensitibo at emosyonal na Cancer, ngunit ang Gemini ay nangangahulugan ng malinaw na pag-uusap. Nai-engganyo ng galante at magaling sa pananalitang Gemini ang Cancer na maging mas bukas sa pakikipag-usap; Matuturuan din ng Cancer na maging mas mahinahon ang Gemini at i-appreciate ang mundo na hindi masyadong ginagawa ng masilakbong Kambal. Posibleng magkaroon ng problema kung hindi naibibigay ng Gemini ang seguridad at katatagan ng loob na kailangan ng Cancer. Magkaiba sila ng mga paraan sa buhay at kailangan nilang maintindihan at tanggapin ang mga pagkakaibang ito.
Simbolo ng Tahanan at Apuyan ang Cancer, habang palaisip naman ang Gemini. Madali para kay Gemini na maging tagabantay para kay Cancer; at nasusuklian naman ito ng natatanging proteksiyong naibibigay ng Cancer para sa kanilang mga minamahal. Importante para sa Cancer ang magandang buhay na gustong-gusto naman ng Gemini, lalo na ang masarap na luto, malambot na kama, at iba pang kaginhawaang maibibigay ng Cancer sa kanya. Napapanatili ng Cancer ang malakas na koneksyon sa kanilang mga minamahal, ngunit pwedeng maging dahilan ito ng pagiging mapang-angkin sa kaparehang Gemini. Magiging maganda ang daloy ng lahat kung maisi-sigurado ng Gemini sa Cancer ang pagmamahal at pagtatangi nito. Matututunan ng mababaw at masayahin na Gemini ang pagiging intuitive ng Cancer; Matuturuan din ng Cancer ang Gemini na magdahan-dahan at i-appreciate ang buhay kaysa balewalain ang mga bagay sa paligid nito, kaysa sa mabilis na pakikipagsapalaran sa mga bagong bagay.
Magiging mahusay na pares ang dalawa kung magkasama nilang haharapin ang mga problema; dahil ang magagandang desisyon ay nagagawa kapag ginagamit ang talino at emosyon. Magiging problema ng dalawa ang pakikipagtulungan sa isat’ isa. Magkaiba ang kanilang opinyon at palagay sa mga bagay-bagay na kung minsan, parang wala silang pagkakapareho sa iisang bagay. Ang malalim at emosyonal na Cancer ay napapababa ang sigla ng Gemini, at ang magaan at mabilis kung kumilos na Gemini ay napapalukot at napapalungkot ang Cancer. Magiging balanse ang lahat kung bukas ang dalawa sa pakikipag-usap sa isa’t isa. Flexible ang Gemini, payag itong makisabay at sumunod; tagasimula naman ang Cancer at pwedeng maging lider para kay Gemini. Maaaring maging lider ang Gemini sa pamamagitan ng pagiging matapang, o kahit maging agresibo; para maging maganda ang pagsasama ng dalawa, kailangan nilang matutunan kung paano umatras at magbigay daan sa isa sa kanila.
Ang pinakamagandang aspeto sa Gemini-Cancer na relasyon? Makakamit nila ang kanilang mga hinahangad kapag mauunawaan nilang sila’y magkapanig. Nag-iisip ng matuwid ang Gemini, at tahimik na sinisuportahan ito ng Cancer. Ang kanilang abilididad na punan ang pagkukulang ng bawat isa ang magiging dahilan para magkaroon ng matibay na relasyon.