TAURUS at LIBRA
Kapag nagsama ang Taurus at Libra sa pag-iibigan, ito’y parang pagsasama ng dalawang magkahati para maging buo. Ang dalawang Signs na ito ay sinasabing karmikally linked. Pareho nilang hinahanap ang seguridad sa isang relasyon at parehong gusto rin ang sining, tula, at kultura. Pwedeng magsimula nang mabagal ang kanilang relasyon, at magkaroon ng kaunting parehong mga interes sa simula. Ngunit kapag alam na nila ang bawat isa, madidiskubre nilang marami pala silang magkakaparehong bagay at gusto.
Pareho nilang gusto ang Sining. Naa-apreciate nila ang fine dining at teatro, pagkolekta ng sining at musika. Importante sa kanila ang ginhawang pisikal. Pareho nilang gusto ang pagsuyo at sinusuyo; ang pagligaw ay kailangan maging parte ng romantikong relasyon para sa kanila, at dahil parehong gusto nila ito, sila’y sakto para sa isat’ isa. Nagugustuhan ng Taurus ang kagandahan ng Libra; napapanatili naman ng Libra ang kapayapaan sa kanilang relasyon kung hindi masyadong stubborn ang Taurus. Nagugustuhan ng Libra ang naibibigay ng Taurus sa kanilang dalawa. Meron din silang maituturo sa bawat isa: naipapakita ng Libra sa Taurus ang ibang bahagi ng isang sitwasyon, at matuturuan ni tauruas ang Libra sa paggawa ng mga desisyon.
Pareho nilang gusto ang kagandahan, pag-ibig, at romansa. Partikular ang Libra sa pagiging balance; pareho silang may charming personalities at hangad ang magandang pagsasama sa kanilang personal na mga relasyon. Ngunit ang impluwensya ng Venus ay pwedeng makalikha ng mga problema; ang dalawa ay pwedeng maging tamad at snobbery, ang Taurus base sa mga ari-arian, at ang Libra sa katalinuhan nito.
Namumuhay ang Taurus gamit ang kanyang pagiging praktikal, samantalang ginagamit ng Libra ang kanyang talino. Nitatatanong ng Taurus, “Paano ito makatulong para makamit ko ang mga gusto ko?” Ang Libra naman ay nakatuon at gianagamit ang talino, praktikal man o hindi. Maaaring magkaroon ng problema kapag masyadong possessive ang Taurus o masyadong lumalabas at flirtatious ang Libra. MInsan ay di nila maiintindihan ang bawat isa. Kung gusto nilang mgatagal ang kanilang relasyon, kailangan nilang maunawaan na magkaiba ang kanilang mga opinyon sa mga bagay. Sa kanilang relasyon, karaniwang sinisimulan ng Libra ang lahat, habang pinapatuloy ito ng Taurus. Kailangang maunawaan ng Libra ang katigasan ng loob ng Taurus. Magiging posible ang lahat kung gagamitin niya ang malumanay na approach sa pagkumbinse sa Taurus—at walang ibang Sign ang may ganitong kakayanan kundi ang Libra. Sa kabilang banda, maaaring mairita ang Taurus sa mga pag-aalinlangan ng Libra. Kung makakayanan ng Taurus na isantabi ang katigasan ng loob, posibleng tanggapin ito ng Libra.
Ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Taurus-Libra? Ang parehong gusto nila sa kasiyahan, kagandahan, at kultura. Pinapahalagahan nila ang kagandahan ng sining, at ang kanilang parehong mga gusto at interes ang nagigiging dahilan upang ang kanilang relasyon ay romantiko merong pagkakaisa.