TAURUS at PISCES
Kapag mag-iibigan ang Taurus at Pisces, sa pangkahalatan, ito’y isang masayang pagsasama. Dalawang posisyon ang pagitan ng dalawang Signs na ito sa loob ng Zodiac, at karaniwang nagkakaroon sila ng karmic ties at malalim na pagkakaintindihan sa isat’ isa. Habang ang Pisces ay maka-ideal at impressionistic, ang Taurus ay mas down-to-earth at praktikal. Pareho silang mapagbigay, at pinahahalagahan ang kaayusan at katatagan sa relasyon.
Maraming matututunan ang dalawa sa bawat isa. Maibibigay ng Taurus ang istriktong approach para sa Pisces upang matupad ang mga pangarap nito, samantalang maibibigay ng Pisces ang kabutihan, kahinahunan, at masuyong pag-unawa na gustong-gusto ng Taurus. Minsan, hindi maiintindihan ng Taurus ang ka simplehan ng pananaw ng Pisces sa buhay; ngunit ang tototo, hindi ganito ang Pisces. Sabi nga, ang tahimik na tubig ay malalim. Maaring makamit ng dalawang Signs na ito ang pinapangarap nilang relasyon; parang langit ang pakiramdam nila. Ang problema? Maaaring mauwi lang sa ilusyon at pantasya ang pangarap ng relasyon na ito.
Ang Taurus ay isang Earth Sign at ang Pisces ay Water Sign. Compatible ang dalawang elementong ito sa pangkalahatan, dahil pareho silang tangible at pisikal na bagay. Matutulungang patatagin ng Taurus ang pagkamapagdamdam ng Pisces, at mabibigyan ng Pisces ng kunting magic ang praktikal na approach ng Taurus. Ngunit kailangan nilang mag-ingat--ang Lupa ay pwedeng maging putik kapag ang lahat ay masyado nang maganda para sa kanila.
Maaari ring mapuno ang ang Taurus sa pagiging emosyonal ng Pisces, at mararamdaman ng Pisces na manhid ang Taurus sa kanyanmg pangangailangan. Ang maganda sa kanila, madali nilang nasosolusyunan ang kanilang pagkakasalungat sa mga bagay.
Ang Taurus ay Fixed Sign at ang Pisces ay Mutable Sign. Habang matatag, matigas ang loob, praktikal at focused ang Taurus, gusto ng Pisces ang magbago ng ng ideya o isip kung anuman ang gusto nito. Maaaring sagabal sa pagiging flexible ng Pisces ang katigasan ng Taurus; kailangang matutunan na Taurus na hayaan ang Pisces sa mga gusto nito. Bilang kapalit, magiging supportive at mapagmahal na partner ang Pisces sa kanya.
Maipapakita ng Pisces sa Taurus na minsan, mas mainam ang pagiging mutable o kakayahang magbago kesa nakaugaliang pamamaraan sa lahat ng bagay.
Ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Taurus-Pisces? Ang magandang paghahalo ng kanilang mga natural na emosyon at pagkakaisa nila. Ang pagkakaunawaan at commitment na kanilang pinahahalagahan sa kanilang relasyon ang siyang nagpapatibay ng kanilang pagsasama at pagtagal nito.