VIRGO AT ARIES Love compatibility
Kung magsasama at mag-iibigan ang Aries at Virgo, maaaring isipin ng dalawa na wala silang pagkakapareho at walang matutunan sa isa’t isa. Kailangan ng panahon ang kanilang relasyon upang matutunan nilang maintindihan ang bawat isa. Maaaring maging masyadong opposite ang dalawa: Habang diretso, dominante, at agresibo ang Aries, na palaging sinisimulan ang mga bagong bagay at halos walang pasensya, metikuloso at tahimik naman ang Virgo, na mahiyain at pinaghihirapan ang mga bagay na may pasensya. Ganunpaman, ang mga pagkakaibang ito ang makakaturo sa kanila ng marami, kung titingnan nila ang bawat isa ng malalim, higit pa sa nakikita nila sa panlabas.
Sa umpisa ng relasyon, walang silang makikita kundi ang mga pagkakamali ng bawat isa. Iisipin ng Virgo na masyadong bastos kung magsalita ang Aries, at iisipin naman ng Aries na masyadong maraming hinihingi ang Virgo. Ngunit kung magpo-focus ang dalawa sa lakas at tibay ng bawat isa, madidiskubre nila ang mas mahalagang bagay. Natuturuan ng Aries ang Virgo upang magsaya, na kadalasang kulang sa buhay ng Virgo. Natuturuan naman ng Virgo ang Aries na magkaroon ng pasensya at atensyon sa mga detalye, ang kaalaman na ang mga malilit na bagay--at sandali-- ay importante rin. Matuturuan ng Aries ang kanilang mangingibig na Virgo na hindi masyadong magseryoso. Matuturuan ng Virgo ang Aries sa pagiging magalang at pahalagahan ang pagsisikap sa trabaho.
Gusto ng Aries ang magmadali at hindi mag-aksaya ng panahon sa pagplano o paglikha ng estratihiya. Kabaligtaran nito, gusto ng Virgo na-i-analyze lahat at isiping mabuti ang mga detalye bago simulan ang isang bagay. Ang mga pagkakaibang ito ay maaaring makalikha ng alitan. Kailangan ng dalawang Sign na ito na subukang matuto sa mga pamamaraan ng bawat isa, kaysa hayaang maging dahilan ito ng distraksyon.
Habang hindi nag-aaksaya ng panahon ang Aries, praktikal naman ang Virgo. Tinitimbang ng Virgo ang lahat ng option bago simulan ang isang seryosong pagsisikap, habang nakikita ng Aries ang kanilang gusto at agad-agad na sinusunggaban ito! Nangyayari ito sa kanilang mga karera at personal na mga relasyon--na maaring maging sanhi ng mga balakid. Maaaring ma-frustrate ang Aries sa kahihintay sa Virgo na isipin kung ang kanilang relasyon ay isang magandang ideya.
Hindi kailangan ng Virgo na maging lider o maging boss; kaya nilang sumunod sa mga suggestion ng iba kung ito’y mapapagkatiwalaan. Sa kabila nito, gusto ng Aries na gawin ang mga suggestion--sa lahat ng panahon. Magiging maganda at beneficial sa dalawa kung pagtratrabahuan nila ang lahat nang magkasama ang iisang goal.
Ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Aries-Virgo? Ang pagiging epektibo nila bisang isang team--sa negosyo o sa personal. Ang kanilang pagkakaroon ng opposite na mga personalidad, sa maraming paraan, ang dahilan ng kanilang pagiging bagay sa relasyon.