Bagay ba Aquarius at Pisces? Sino mapapangasawa ko? Sino kapalaran ko? Hula

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

AQUARIUS AT PISCES

Aquarius Pisces who will become my husband wife love compatible fate zodiac horoscope

Kapag nagsama upang mag-ibigan ang Aquarius at Pisces, magkakaroon ng maraming pagmamahal at paglikha. Napakamapangarapin ng magkapares na ito bilang mga indibidwal, gayundin kapag sila ay magkasama.



Nakikiayon ang Pisces sa kanilang kapaligirang tila hindi makatotohanan, at maya’t mayang nakakabuo ng mga bagong imbensyon at paraan ng paggawa ng mga bagay ang Aquarius.



Ang relasyong ito ay masipag na mag-alam ng katotohanan hinggil sa anumang usapin, at lagi silang naghahanap ng solusyon sa mga problema. Madalas silang nakapokus sa kanilang sarili. May tendensiya ang Aquarius na husgahan kaagad ang mga taong may ibang paniniwala, habang madalas na masyadong mapagmahal ang Pisces, kahit na sa mga taong hindi karapat-dapat dito.

Magiging matalik na magkaibigan at magkasintahan ang Aquarius at Pisces.



Bihira ang pagkakaroon ng mga problema, ngunit minsan ay nagiging masyadong mapag-isip ang Aquarius, hiwalay sa Pisces, at maaaring maging mapagbigay at mapaniwalain ang Pisces para sa Aquarius. Minsan, maaaring magdulot ng problema sa pagitan ng dalawa ang magkakaibang reaksyon sa isang kalagayan; madali para sa Aquarius na balewalain iyong mga hindi sumasang-ayon sa kanilang opinyon, at madali namang maniwala sa mga usapin ng ibang tao ang Pisces. Sa ilang pagkakataon, magkakaroon ng mga alitan ang magkapares, ngunit madali para sa dalawang ito ang magpatawad at makalimot.

Sa lahat ng pagkakataong may bagong ideya ang Aquarius – na madalas nilang gawin – masigasig ang Pisces na unawain ito sa antas ng kanyang pakiramdam. Ang pares na ito ay lumilikha ng relasyong nagbibigayan na may malalim na intelektwal at emosyonal na balon.


Ang Aquarius ay isang Air sign, at ang Pisces ay isang Water sign. Hinihimok ang relasyong itoi sa pamamagitan ng isip at pandama. Laging maraming nagaganap, at ang pagsasamang ito ay madalas na napakapleksible at progresibo. Kapag ito ay nasa mabuti, talagang napakabuti nito. Ngunit kapag may problema, hindi nila magawang mag-usap. Gusto ng Pisces na naroon siya kung saan naisasagawa ng Aquarius ang kanyang ninanais na aksyon at paggamit ng isip, at matututo ang Aquarius mula sa kakayahang makiasama at mainit na pakikitungo ng Pisces sa iba. Mahusay gumawa ang team na ito. Bagama’t maaari silang magtalo, hindi nagtatagal ang kanilang pagkakaroon ng magkakaibang opinyon. Maaaring magkaroon ng mga pagtatalo dahil sa pangangailangan ng Pisces ng suportang emosyonal at lambing, at ang pagkagusto ng Aquarius sa mga ideya sa halip na romansa.


Ang Aquarius ay isang Fixed sign at ang Pisces ay isang Mutable sign. Nagpapasimula ng mga bagong ideya at pagbabago ang Aquarius, at tatanggaping ito ng Pisces hangga’t mayroon silang mga nakatakdang tungkulin sa pagpapabuti ng relasyon. Kapag nagkasama ang magkapares na ito, hindi nila pagtatalunan kung sino ang aangking gumawa ng kanilang mga nakamit. Pareho silang mahusay sa pagsisimula ng mga bagay-bagay kaysa sa pagtatapos ng mga ito. Kapag nainip ang Aquarius sa relasyon, hindi magtatagal at gagaya ang Pisces at pipiliing magpatuloy sa buhay.


Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Aquarius-Pisces? Iyon ay ang kanilang magkatulad na interes sa pagpapaunlad ng kaalaman at pagtanggap sa mga moderno at pandaigdigang ideya. Mahusay silang nakakaangkop sa isa’t isa dahil sa kanilang kasigasigan, enerhiya, at pagnanais para sa matapat, bukas, at marangal na relasyon. Nagiging magkasundo sila dahil sa kanilang magkakaparehong interes at mga personalidad na nagbibigayan.



About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.