ARIES at AQUARIUS
Kapag nagsama ang Aries at Aquarius sa isang tambalan ng pag-iibigan, ang kombinasyon ng pananaw ng Aquarius at aksyon ng Aries ay nagbibigay sa kanila ng napakamapanlikhang relasyon. Hindi kailanman nakakainip ang kanilang relasyon; maaari silang magpataasan, ngunit hindi kailanman nakakabagot ang buhay kasama silang dalawa! Ang mga zodiac sign na mayroong isa sa pagitan ay may tendensiyang magkaroon ng espesyal na koneksyon, at hindi naiiba dito ang Aries at Aquarius. Matalik silang magkaibigan dahil mahusay silang makipag-usap sa isa’t isa. Mayroon silang espesyal na unawaan ng positibo at masigasig na pananaw ng bawat isa sa buhay. Pareho silang mahilig sa mga bagong karanasan – mas wild at kakaiba, mas mainam. Pareho silang mahilig sa pakikipagsapalaran at pagpapasikat. Maraming relasyong Aries-Aquarius ang nakabatay sa mutwal na paghanga. Gustung-gusto ng Aries ang kakaibang katangian ng Aquarius, ang kanilang malikhaing pananaw sa daigdig; Mahal ng Aquarius ang Aries dahil sa kanilang enerhiya at inisyatiba – palaging may mga bagong ideya ang Aquarius ngunit minsan ay nahihirapang ituloy ang mga ito. Dahil pareho nilang pinahahalagahan ang pagiging malaya, ang tendensiya ng Aries na maging mapang-angkin ay maaaring magtulak sa Aquarius na lumayo bilang paraan ng pagpreserba ng sarili. Bagama’t mayroon silang espesyal na koneksyon, mayroon naman silang lubhang magkaibang pananaw sa buhay, na pareho nilang kailangang maunawaan.
Maaaring maging masyadong pakialamero ang Aries sa paningin ng Aquarius, at maaaring maging mahirap unawain ang Aquarius para sa Aries. Sa kabuuan, ang Aquarius ang tanging sign na mas lamang sa Aries pagdating sa kagustuhan ng kawalan ng plano. Hangga’t tinitiyak ng bawat isa sa isa’t isa na mahalaga at sigurado ang kanilang relasyon, magiging maayos ang lahat.
Ang Aries ay isang Fire Sign at ang Aquarius ay isang Air Sign. Pinaglalagablab ng Hangin ang Apoy at pinapakalat ito; katulad nito, matutulungan ng Aquarius ang Aries na mag-isip ng mga bagong ideya at isapraktika ang mga ito. Pinasisigla ng Aquarius ang Aries sa paraang intelektwal, bagay na hindi nagagawa ng ibang sign. Pareho silang may iba’t ibang uri ng interes, kaya siguradong mabibigyan ng Aquarius (na aktibo ang isip) ang Aries (na aktibo ang katawan) ng napakaraming pakikipagsapalaran.
Ang Aries ay isang Cardinal Sign at ang Aquarius ay isang Fixed Sign. Binibigyan ng Aries ang Aquarius ng tiwala sa sarili na kumilos sa halip na mag-isip na lamang ng mga ideya. Matutulungan ng Aquarius ang Aries na patatagin at tapusin ang mga proyekto sa halip na tumalon sa mga bagong plano nang hindi tinatapos ang mga luma. Mayroon silang malaking respeto at paghanga sa isa’t isa, na nakakatulong para mapangibabawan nila ang mga balakid sa kanilang relasyon.
Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Aries-Aquarius? Ang kanilang kakayahang magkamit ng napakarami kapag sila ay nagtutulungan. Sinasakop ng Cardinal Fire at Fixed Air ang lahat ng base. Ang kanilang relasyon ay binubuo ng pananaw at praktika.