ARIES at CANCER
Kapag nagkasama ang Aries at Cancer sa isang tambalan ng pag-iibigan, isang kaso iyon ng pagkakaakit ng mga magkakasalungat sa isa’t isa. Marahas at diretsahan ang Aries samantalang sensitibo at emosyonal naman ang Cancer. Kayang-kaya ng Aries na maging emosyonal – sa paraang maalab at mapusok na maaaring maging masyadong mabigat para sa Cancer.
Kahit na kadalasan ay gusto ng Cancer na magdahan-dahan sa mga relasyon, maaari siyang maengganyo sa pamamaraan ng Aries. Ang Aries, sa kabilang banda, ay maaaring maakit sa pagiging sensitibo ng Cancer; iyon ay mahusay na balanse para sa tipikal na walang paligoy-ligoy na Aries. Maaaring magkagulo kapag masyadong nakakapanakit na ang pabago-bagong mood ng Cancer o katapangan ng Aries. Pareho nilang kailangang maglaan ng panahon upang makinig sa mga pangangailangan ng kanilang kapareho at unawain na nagmumula sila sa magkakaibang direksyon upang magkamit ng parehong layunin.
Ang Cancer ay ang sign ng Tahanan samantalang ang Aries ay sign ng Sarili. Ang isang magandang katangian ng dalawang ito ay ang parehas nilang pagiging maalaga sa mga taong minamahal nila. Ginagamit ng Cancer ang kanyang balat-alimango upang protektahan ang kanilang mga sarili, kapamilya at minamahal tuwing may nakaambang panganib, samantalang ginagamit ng Ram ang lakas at katapangan, katulad ng isang magiting na tagapagtanggol. Binibigyan din ng Cancer ang Aries ng masayang buhay sa tahanan at emosyonal na katiyakan. Paminsan-minsan maaaring silang lumikha ng isang perpektong imahe ng kanilang kaparehong Aries o maging lubhang mapang-angkin, na maaaring makasakal sa Aries na sanay sa pagiging malaya. Gayunpaman, makakatulong ang Aries sa pamamagitan ng muling pagtitiyak sa kanilang kaparehong Cancer na sila ay minamahal at pinahahalagahan. Kailangan din talagang matuto ng Aries na makinig sa Cancer: kumikilos ang Alimango batay sa kanyang instinct at makakatulong ang kanilang payo upang maiwasan ng Aries ang pagkakaroon ng mga pagkakamali dahil sa tipikal na kawalan ng Aries ng plano. May tendensiya ang Cancer na maging sentimental at kaya niyang turuan ang Aries na magdahan-dahan at pahalagahan ang buhay sa halip na laging magmadali para sa susunod na aatupagin.
Ang Aries ay isang Fire Sign at ang Cancer ay isang Water Sign. Ang dalawang elementong ito ay maaaring maging magandang kombinasyon kung magtutulungan sila, gamit ang emosyon at aksyon upang maisagawa ang mga bagay-bagay. Makakatulong ang Cancer upang pagdahan-dahanin at matutong maging malumanay ang Aries, habang matuturuan naman ng Aries ang Cancer na lumabas sa kanyang pinagtataguan. Ngunit maaaring maging mapagmanipula ng emosyon ang Cancer – minsan masyadong maraming Tubig na nagpapalabnaw sa kasigasigan ng Aries. Sa kabilang banda, maaaring mag-evaporate ang Tubig dahil sa sobrang Apoy, na siyang magiging dahilan upang makulangan ang Cancer pagdating sa emosyon. Kailangang maging bukas ang Aries at Cancer sa isa’t isa at kailangan nilang mag-usap nang walang pag-aalinlangan upang tiyak na mapapanatili ang kanilang balanse.
Parehong Cardinal sign ang Aries at Cancer. Pareho silang mga tagapagsimula, ngunit kailangan nilang matutong makipagtulungan. Sa unang tingin, ang Aries ang pinuno, na laging nagmamadaling sumabak sa labanan, ngunit ang Cancer ay hindi direktang namumuno sa pamamagitan ng pagkontrol sa emosyon at kakayahang timbangin ang kalagayan. May tendensiya ang Cancer na mas mabilis na bumigay habang ang Aries ay maaaring maging matigas na manindigan, kung kaya’t mas mainam na bumigay na lamang ang Alimango.
Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Aries-Cancer? Kapag napagtanto nilang nasa iisang team sila, ang kombinasyon ng Apoy at Tubig ay napakahusay kapag magkasama. Tumatanggap ng maraming atensyon at pagkilala ang Aries, habang tahimik namang sumusuporta ang Cancer sa likuran. Ang kakayahan ng bawat isa na ibigay kung ano ang wala sa isa pa ang nagbubuo sa kanilang patas na relasyon.