ARIES at CAPRICORN
Kapag nagsama ang Aries at Capricorn sa isang tamabalan ng pag-iibigan, kailangan nilang magsikap nang mabuti upang mapanatili ang kanilang mutwal na enerhiya. Maaaring magmukhang napakamagkasalungat ng kanilang mga pamamaraan sa buhay -- ang Aries ay sadyang kumikilos nang hindi pinag-iisipan kung ano ang kahihinatnan ng kilos na iyon, habang ang Capricorn ay laging nakatuon sa pagpapasya kung pakikinabangan ba o gaano kalaki ang pakinabang na makukuha mula sa isang aksyon. Mabilis na kumikilos ang Aries, at para sa Capricon, siya ay tila handang ilagay sa panganib ang lahat. Kinasusuklaman ng Capricorn ang mga di-kinakailangang panganib at sakripisyo. Mas mabagal silang kumilos, habang matiyagang pinagsisikapan ang malilinaw na layunin (madalas na may kinalaman sa career o iba pang uri ng pampublikong pagsulong). Pareho silang laging nakakarating sa kanilang pupuntahan, sa magkakaibang paraan nga lamang – at madalas, ang kanilang pupuntahan ay lubhang magkaiba din!
Ang Capricorn, sa pangkalahatan, ay medyo tahimik at mapagkumbaba, habang ang Aries ay mas maingay at mas mayabang. Pareho silang matitigas ang ulo at iniisip na ang kanilang mga pamamaraan ang pinakamahusay, kung kaya’t upang magkasundo, kailangan nilang sumang-ayon na hindi sumang-ayon. Lubhang magkaiba ang kanilang mga pilosopiya: Naghahanap ng shortcut ang Aries habang nais ng Capricorn na sundin ang mga patakaran, dahil iniisip niyang ang mga iyon ay subok nang daan tungo sa tagumpay. Paano ito makikita sa isang romantikong relasyon? Laging mapusok, madamdamin ang Aries sa panliligaw at paghahabol sa taong gusto nila, nang hindi tumitigil upang pag-isipan kung ang kanilang napili ay tama para sa kanila.
Ang Capricorn, sa kabilang banda, ay gustong suriin kung gaano sila matutulungan ng isang potensyal na mangingibig na umunlad sa buhay, at gagamitin iyon bilang batayan ng kanilang desisyon kung itutuloy ba ang relasyon o hindi. Kung magkikita at magkakasama naman ang dalawang ito, maaari nilang turuan ang bawat isa ng mga bagay na hindi nila kayang matutunan nang magkahiwalay.
Ang Aries ay isang Fire Sign at ang Capricorn ay isang Earth Sign. Habang ang Aries ay bukas sa mga pagbabago, ang Capricorn naman ay mas nakabatay sa katotohanan at praktikal. Ang paraan ng Capricorn ay ang pagtatanong sa kanilang mga sarili ng ‘Ano ba ang mabuting idudulot nito sa aking pagkamit sa pinakalayunin ko sa buhay?’ habang ang Aries ay nakikita lamang kung ano ang kanais-nais sa kasalukuyang panahon at pinagsisikapang maabot iyon nang walang plano sa isip.
Parehong Cardinal Sign ang Aries at Capricorn. Pareho silang mahusay sa pagsisimula, ngunit mayroon silang lubhang magkakaibang layunin at interes kaya’t mas mahusay silang magtulungan kung mayroon silang iisang malinaw na tungkulin. Sa unang tingin, ang Aries ang namumuno sa relasyon – mabilis nilang hinaharap ang mga bagay at pinangingibabawan ang mga balakid sa daan. Ngunit ang Capricorn ay namumuno nang hindi direkta: Lagi silang nagsisikap tungo sa kanilang mga layunin. Mahalagang maunawaan nilang dalawa na ang susi sa kanilang tagumpay ay ang pagkokompromiso.
Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Aries-Capricorn? Pareho silang nagdadala ng kakaibang katangian sa pagsasama nila. Kapag natutunan na nilang hayaan ang bawat isa na maging kanyang tunay na sarili, mahusay silang magsasama upang maging buo ang relasyon. Maraming magiging hamon sa kanilang relasyon, ngunit magiging makabuluhan ito kung matututo sila mula sa isa’t isa. Tulad ng lahat ng iba pang relasyong nakabatay sa mutwal na pagmamahalan at paggalang, mapapangibabawan ang karamihan ng mga balakid kung mayroong maayos na komunikasyon at katapatan.