Bagay ba Aries at Gemini? Magkakatuluyan ba kami ng boyfriend ko?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

ARIES at GEMINI

Kapag nagsama ang Aries at Gemini sa isang tambalang pag-iibigan, nagkakaroon sila ng koneksyon sa isa’t isa sa pisikal at intelektwal na antas. Mahilig ang dalawang sign na ito sa atkibidad at nananatiling positibo ang pag-iisip kahit sa pinakamahihirap na panahon. Ang mga sign na mayroong iisa sa pagitan sa Zodiac ay karaniwang nagtatamasa ng mahusay na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa isa’t isa. Ang malaya at nangungunang diwa ng Aries ay naaakit sa Gemini, na pinapahalagahan din ang kalayaan. Kapag nararamdaman ng Gemini na nagiging masyadong mapang-angkin ang Aries, o kung masyadong seseryosohin ng Aries ang malanding kalikasan ng Gemini, maaaring mangibabaw ang mga pagtatalo sa relasyon. Nakakalikha ng mahusay na balanse ang dalawa kapag magkasama: gusto ng Aries na makaranas ng mga bagay-bagay, at gusto naman ng Gemini na pag-usapan ang mga ito. Kaya nilang tumuklas ng mga bagong bagay na maaaring hindi nila kayang gawin noong sila’y mag-isa pa lamang.


Parehong ang Aries at Gemini ay mayroong napakaraming enerhiya at magkakaparehong layunin sa buhay. Mapag-isip at mahilig magsalita ang Gemini, at pinahahalagahan niya ang intelektwal na kasiglahan, kalayaan, at gusto niyang tingnan ang lahat ng panig ng pagtatalo.


Mahilig ang Aries na tumanggap ng mga bagong proyekto na sila mismo ang gagawa, at talagang aalamin ng Gemini ang mga dahilan ng Aries kung bakit nila pinipili ang mga proyektong kanilang sinusuportahan. Habang maaaring maging malabnaw ang Gemini, ang Aries ay tapat at hindi nag-aalinlangan; napakagandang kombinasyon nito, ngunit mahalagang bigyan ng Aries ang Gemini ng intelektwal na espasyo.


Dahil sa kanilang magkaibang pamamaraan, mahusay kapag nagtutulungan ang Aries at Gemini – mayroon silang iba’t ibang paraan ng pagpapabatid ng kanilang mga punto, ngunit sadyang nagagawang maipaunawa ang mga puntong iyon sa lahat ng pagkakataon. Paiinitin, o di kaya ay sisirain, ng maiinit na debate ang pagsasamang ito. Kailangang maunawaan ng Aries na gusto ng Gemini sa mahusay at mainit na debate, hindi upang insultuhin o pangibabawan ang kanilang kadebate kundi bilang magandang ehersisyo ng kanilang isip. Fire sign ang Aries at Air sign naman ang Gemini. Pinalalagablab ng Air ang Fire at pinalalawak ito, na siyang dahilan kung bakit napakaganda ng kombinasyong ito. Tinutulungan din ng Gemini na maabot ng Aries ang kanyang buong potensyal – sadyang taglay ng Gemini ang enerhiya upang makasabay sa mabilis na pagkilos at kakaibang mga ideya ng Aries! Ang kombinasyon ng tunay at determinadong damdamin at intelektwal na kadalubhasaan ay nagbibigay sa dalawang ito ng kakayanang gawin ang kahit anong gustuhin nila. Parehong may iba’t ibang uri ng interes ang dalawang sign na ito, at ang pinakamagandang bahagi ay, sa dulo ng mahaba at nakakapagod na araw, makakauwi ang Aries at maikukwento niya ang lahat sa Gemini na sabik sa kwentuhan!


Ang Aries ay isang Cardinal sign, at ang Gemini ay isang Mutable sign. Natural na nagpapasimula ng mga bagong plano ang Aries—paglalakbay, isports, o kahit anong nakakasabik na ideya – at laging handa ang Gemini para sa kahit na ano, hangga’t hindi sila pinipilit na gawin ito. Isa pang mahusay na katangian ng dalawang sign na ito ay ang kanilang mababang lebel ng kompetisyon. Gustung-gusto ng Aries ang karangalan, at masayang-masaya ang Gemini na manatili sa background, habang tumutulong na isaayos ang lahat. Pareho silang magaling sa pagsisimula ng mga bagay kaysa sa pagtatapos ng mga ito, kaya kung sakaling mainip ang isa sa direksyon ng relasyon, hindi magdadalawang-isip ang isa pa na tumuloy na sa panibagong yugto ng buhay.



Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Aries-Gemini? Ang kanilang kakayahang magtulungan bilang iisa. Kapag magkasama, kaya nilang matuto nang higit pa sa kayang matutunan ng bawat isa kapag magkahiwalay.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.