ARIES at LEO
Kapag nagsama ang Aries at Leo sa isang tambalan ng pag-iibigan, magkikislapan ang kapaligiran! Parehong Fire sign ang dalawa, madamdamin at bukas sa pagbabago, at mayroong malusog na pagmamahal sa pakikipaglaro at kompetisyon. Napakaraming aksyon sa relasyong ito. Pareho nilang gustong maging boss at maaaring magkaroon ng problema kapag pumagitna ang kanilang parehong-mataas na pagtingin sa sarili. Ang dalawang ito ay may tunay na paghanga at paggalang para sa isa’t isa, ngunit kailangan nilang matutunan ang pagsasalitan sa pag-uutos at pamumuno – kahit sa simpleng pagpili lamang ng pelikula sa video store!
Ang tambalang mag-syota, boyfriend girlfriend o magasawa ay tungkol sa maalab na damdamin, dominasyon at kung sino ang nasa ibabaw – at kung kailan! Maaaring mawalan ng pasensya at maging mapagmataas ang parehong sign. Gusto ng Leo ang hinahangaan at pinupuri, mga bagay na maaaring ayaw ibigay ng Aries na madaling mainip. Maaari ring mabahala ang Aries dahil sa likas na pagiging malandi ng Leo – ngunit laging nakakapanabik ang relasyong ito. Sa kabila ng kanilang paminsan-minsan ay maingay na hindi pagkakasundo, madalas na tinitingnan ng Aries ang Leo bilang gabay o tagapayo. Ang Leo ay isang leon, at, kasama siya, maaaring maging tupa ang Aries. Tulad ng nasa mitolohiya (Ang Leon at ang Tupa), anumang hindi pagkakasundo sa pagitan ng dalawang ito ay kayang lagpasan. Ang parehong sign ay madalas na ginagalang ng iba at mahalaga na umiiral din ang paggalang na ito sa relasyon.
Parehong Fire sign ang Aries at Leo. May tendensiyang maging napakainit at madamdamin ang relasyong ito. Kapag maayos ito, napakaayos talaga nito; ngunit kung magulo ito, punung-puno ito ng maiingay na pagsasagutan at mababang pagtingin sa sarili. Sa tambalang ito, laging mayroong kompetisyon kung sino ang masusunod. Dahil ang relasyong pag-iibigan ay hindi dapat nakatuon sa kapangyarihan, maaaring maging problema ang bagay na ito. Ang parehong sign ay may di-nauubos na enerhiya, kaya’t laging kumikilos ang dalawa. Bagama’t madalas silang magtalo, hindi tumatagal ang pagkakaiba ng kanilang mga opinyon – masyadong abala ang Aries sa paglipat sa susunod na hamon para magkimkim ng galit. Kailangang maaalala ng Leo na huwag maging maramdamin kung hindi sila pinapakitaan ng kanilang mangingibig na Aries ng sapat na paggalang.
Ang Aries ay isang Cardinal Sign at ang Leo naman ay isang Fixed Sign. Binibigyan ng Aries ang Leo ng lakas ng loob na umabante at sagpangin ang mga pagkakataon, habang matutulungan naman ng Leo ang Aries na matutong magpirmi at ipagpatuloy ang mga bagay. Maaaring masaktan ng Aries ang pakiramdam ng Leo paminsan-minsan sa pamamagitan ng masasakit na salita nang hindi pinag-iisipan. Sa kabilang banda, maaaring mairita ang Aries sa katangiang mapag-utos at tendensiyang maging matampuhin ng Leo. Ngunit pareho sila matapat at tunay na pinapahalagahan ang isa’t isa nang, at kapag naunawaan nilang hindi kailangang magkaroon ng boss, magiging lubos na maligaya ang dalawa sa kanilang relasyon.
Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Aries-Leo? Ang mutwal na paghanga ng parehong sign sa bawat isa. Bilang tagapagsimula ang Aries at tagapagpatuloy ang Leo, pareho silang mayroong mahalagang tungkulin sa kanilang tambalan. Ang relasyon nila ay laging handa sa aksyon at pagbabago dahil sa kanilang magkaparehong enerhiya at hilig.