Bagay ba Aries at Libra? Magkakatuluyan ba kami ng boyfriend ko?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

ARIES at LIBRA

Kapag nagsama ang Aries at Libra sa isang tamabalan ng pag-iibigan, ang likas na pagiging magkasalungat ng Zodiac ay nagiging malinaw. Direktang magkasalungat ang Aries at Libra sa Zodiac – 180 degrees na magkahiwalay. Mayroong mga katangian ang bawat sign na wala sa isa; kapag isinanib sa natural na kagustuhan ng Libra para sa pagkakaisa, maaari itong maging relasyon na may napakahusay na balanse. Ang Aries ay sign ng Sarili habang ang Libra ay sign ng Pakikipagtambalan, ang mayroong marami pang pagkakaiba: pabigla-bigla, mabilis manabik, at laging handang sumubok ng mga bagay na bago ang Aries, habang ang Libra naman ay urong-sulong, mapagmahal sa kapayapaan at mas gusto ang paraang kalmado at makinis. Maaaring matutunan ng Aries sa Libra na hindi laging pinakamabuti ang kanilang naiisip na paraan.


Ang dalawang sign na ito ay parehong mayroong malaking sekswal na atraksyon sa isa’t isa, na siyang karaniwan sa lahat ng sign na magkasalungat sa Zodiac. Kasabay nito, bagama’t napakahusay ng ugnayan ng pares na ito kapag mabuti ang kalagayan nila, maaaring maging sobrang hirap naman kapag mayroong kinakaharap na problema. Ang lahat ng magkasalungat sa Zodiac ay may mga enerhiyang may tendensiyang magkabuhul-buhol kapag hindi nagkakaunawaan. Bilang kombinasyon, napakaganda ng balanse ng Aries at Libra. Ang Libra na kaakit-akit at may pinag-aralan ay maaaring magturo sa marahas na Aries ng magandang istilo. Pinahahalagahan ng Libra ang pagkakasudo sa relasyon at gagawin ang lahat upang panatilihin ito. Hindi nag-aalinlangan ang Aries at maaari niyang turuan ang urong-sulong na Libra hinggil sa pagtitiwala sa intuwisyon para makakuha ng mga sagot.


Ang Aries ay isang Fire Sign at ang Libra ay isang Air Sign. Pinalalagblab ng Hangin ang Apoy at tinutulungan itong lumaki at kumalat. Maaaring magkaroon ng napakapositibong epekto ng Aries sa pag-unlad, mga ideya at pagsulong ng Libra; matutulungan ng Aries ang Libra na isapraktika ang kanilang mga ideya. Maaaring maging mahirap ang pagtutulungan sa ilang pagkakataon dahil sa kanilang pagiging magkasalungat sa zodiac. |Ang mabilis at mapusok na istilo ng Aries ay maaaring sumalungat sa mas balansyado at intelektwal na istilo ng Libra. Gayunpaman, pareho silang may iba’t ibang uri ng interes, at sa pagtatapos ng nakakapagod na araw, makakauwi ang Aries na bitbit ang kanyang napakaraming kwento para sa Libra!



Parehong Cardinal sign ang Aries at Libra. Maraming inisyatiba ang dalawang ito – ngunit kapos sa pagpapatuloy ng mga sinimulang plano. May tendensiya silang magsimula ng mga bagay na hindi nila kailanman tatapusin, maging trabaho man iyon, proyekto, o relasyon… Magmumukhang ang Aries ang namumuno dahil sa kanyang enerhiya at mapamuwersang kalikasan, ngunit namumuno naman ang Libra mula sa intelektwal na paninindigan. Gusto nila parehong masunod, ngunit gumagamit ng pwersa at minsan intimidasyon ang Aries upang makuha ang gusto niya, habang gumagamit naman ng alindog at manipulasyon ang Libra. Napakahalaga ng kompromiso sa kalusugan ng relasyong ito. Mas madaling magkompromiso ang Libra kaysa sa Aries, na ayaw na ayaw bumigay sa ibang tao, dahil tinitingnan niya iyon bilang pagsuko. Maaaring mas madalas na kailangang bumigay ng Libra sa Aries upang panatilihin ang kapayapaang pinahahalagahan nilang pareho.



Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Aries-Libra? Ang pagkakaisa na nagmumula sa pag-iisa ng Venus at Mars. Ang balanse sa pagitan ng sarili at ibang tao na kinakatawan ng pagiging magkasalungat sa zodiac ay isang napakahusay na karanasan upang matuto ang bawat sign. Ang bawat isa ay nagdadala sa relasyon ng mga bagay na wala sa kanyang kapareho, na nagdudulot ng nakakamanghang balanse sa relasyon.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.