ARIES at PISCES
Kapag nagsama ang Aries at Pisces sa isang tambalan ng pag-iibigan, maaari silang maging napakabuti para sa isa’t isa. Ang Aries ay isang malakas na sign; halos alipin na sila ng kanilang simbuyo ng damdamin, na sinusunod nila nang hindi pinag-iisipan ang mga pupwedeng kinahinatnan. Ang mapangaraping Pisces ay mas tahimik at mas nakapokus sa sarili; sila ang mga Makata ng zodiac. Sa ibabaw, tila hindi bagay ang Aries at Pisces, ngunit kapag mayroong pag-ibig sa pagitan nila, tunay naman nilang mapupunan ang pangangailangan ng bawat isa. Ang Pisces ay madalas na nakaasa sa kanyang pakiramdam bilang tao at bilang mangingibig; Kailangang pag-ingatan ng Aries na masuklian ang pabor na ito nang sa gayon hindi siya magmukhang madamot at makasarili sa Pisces.
Ang Aries ay isang pinuno na napakaraming inisyatiba. Kapag may nakita siyang kaakit-akit, hahabulin niya iyon nang walang pagdadalawang-isip. Kapag ang kanilang hinahabol ay ang malumanay na Pisces, may tendensiya ang Aries na tumindig bilang tagapagtanggol. Ngunit sa katotohanan, ang Pisces ang tunay na tagapagtanggol, bilang laging nakaasa sa kanyang pakiramdam, isang kapares na maunawain at nagbibigay ng nakakaginhawang kanlungan para sa magulong Aries. Ang Pisces ay isang Water sign; kaya nilang punan ang anumang lalagyan, ika nga. Napakamapagbigay nila, na minsan maaari silang maging basahan – ibinibigay ang kanilang sarili nang buo sa kanilang mga kapares, at kapag hindi iyon masuklian ng kanilang kapares, maaaring magkagulo. Nauunawaan ng Pisces ang Aries sa paraang mas malalim kaysa sa ibang sign, kaya matutulungan nitong resolbahin ang ganitong problema: Alam ng Pisces kung paanong pipigilan ang Aries na sumobra sa pagiging marahas. Kapag magkasama, nakakabuo sila ng tambalang kayang harapin ang anumang pagsubok laluna kapag pinagsama nila ang pagiging makatuwiran ng Aries at malalim na pang-unawa ng Pisces sa ibang tao.
Ang Aries ay isang Fire Sign at ang Pisces ay isang Water Sign. Bagama’t ang mga magkasalungat na elementong ito ay maaaring magdulot ng gulo para sa isa’t isa (napapatuyo ng Apoy ang Tubig, at napapatay naman ng Tubig ang Apoy). Gayunman, maaari silang magsama upang magbuo ng napakahusay na tambalan: matutulungan ng Pisces ang Aries na magpahinga nang kaunti at matutong makinig sa nararamdaman ng ibang tao, habang matutulungan naman ng Aries ang Pisces na lumabas at sagpangin ang mga pagkakataon na hahantong sa tunay na kasiyahan.
Napakaepektibong aral nito para sa Pisces, na mayroong kapangyarihan ng isip upang malaman kung aling mga pagkakataon ang karapat-dapat na sagpangin at palagpasin. Kailangan lang nilang magkasundo upang siguraduhing napapanatili ang kanilang balanse.
Ang Aries ay isang Cardinal Sign at ang Pisces ay isang Mutable Sign. Hindi tulad ng Aries, hindi kailangan ng Pisces na maging pinuno o mangibabaw. Nasisiyahan silang tumulong kung kinakailangan, ngunit hindi nila kailangang mamuno sa pagsasagawa ng proyekto – bagay na maganda, dahil kailangan ng Aries ang posisyong iyon para sa kanilang mga sarili. Kapag magkasama, magkakamit ang dalawang ito ng positibong pagtatapos ng anumang proyekto na pagpasyahan nilang gawin.
Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Aries-Pisces? Marami silang matututunan sa isa’t isa. Ipinapakita ng Pisces sa Aries kung paanong makiramdam sa iba; tinuturuan naman ng Aries ang Pisces kung paanong isasakatuparan ang mga pangarap sa halip na isipin nalang ang mga iyo! Tunay silang nagbibigayan sa kanilang relasyon.