Bagay ba Aries at Sagittarius? Sino makakatuluyan ko sa habang buhay? Tadhana

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

ARIES at SAGITTARIUS

Kapag nagsama ang Aries at Sagittarius sa isang tambalan ng pag-iibigan, maaari itong maging tambalang gawa sa langit! Napakaraming pagkakatulad ng magkapares na ito – magkatulad na mga enerhiya at interes – at sadyang magkasundo. Pareho silang mahilig tumuklas at manguna. Napakainit at nakakapanabik ang relasyong ito, at laging handa ang dalawa para sa panibagong pakikipagsapalaran. Pareho silang nananabik na makaranas ng iba’t ibang bagay at ayaw ng nakikinig lamang habang ikinekwento ng iba ang kanilang mga karanasan. Gayunman, kailangan nilang mag-ingat: Maaari itong maging relasyong malapit sa aksidente dahil laging nagmamadali ang Aries at madalas na nakatingin sa kung saan-saan ang Sagittarius kaya’t hindi napapansin ang mga kapansin-pansin. Ganundin, bagama’t maraming pagkakahalintulad ang dalawang ito, maaaring maging mahirap na magpanatili ng matagalang relasyon kung napakarami nilang enerhiya para magsimula ng mga bagong yugto ng buhay – ngunit wala masyadong interes sa pagpapatuloy ng mga ito.


Mabuting magkaibigan at magkasintahan ang Aries at Sagittarius. Tunay nilang nauunawaan ang mga positibong pananaw sa buhay ng bawat isa. Madalang ang mga problema, ngunit mayroong higit pang pangangailangan ang Sagittarius sa pagiging malaya kaysa sa Aries, na minsan ay maaaring maging lubhang mapang-angkin. Medyo mas sensitibo ang Aries kaysa sa masayahin at malanding Mamamana; may tendensiya naman ang Sagittarius na magsalita nang hindi pinag-iisipan ang sasabihin. Mabuti nalang, madaling makalimot at magpatawad ang dalawang sign. Wala silang panahon para magkimkim ng galit!

Kapag mayroong bago at nakakasabik na ideya ang Aries para sa date, paglalakbay o iba pang pakikipagsapalaran, laging handa ang Sagittarius na sumama.



Parehong Fire sign ang Aries at Sagittarius. Ang kombinasyong ito ay kayang lumikha ng panghabang-buhay na pag-ibig. Laging handang kumilos ang dalawang sign. Mayroon silang hindi nauubos na enerhiya; bihirang bumigay ang isa sa kanila.


Ang Aries ay isang Cardinal Sign at ang Sagittarius ay isang Mutable Sign.

Nagpapasimula ng mga bagong ideya ang Aries at agad namang makakasabay ang Sagittarius – hangga’t pinahihintulutan silang magkasama. Walang agawan ng kapangyarihan sa pagitan ng dalawa kailanman. Gusto ng Aries na makuha ang lahat ng papuri at masaya ang Sagittarius na mag-asikaso at magkontrol ng mga bagay nang hindi napapansin ng iba. Parehong mas mahusay sa pagsisimula ng mga bagay ang dalawa kaysa sa pagtatapos ng mga ito, na maaaring magdulot ng gulo kung ang isa sa kanila, o pareho sila, ay nakaramdam na nananabang ang kanilang relasyon; buti nalang malayong mangyari iyon! Mabilis mainip ang Aries, ngunit pinananatili ng Sagittarius na masaya ang buhay.



Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Aries-Sagittarius? Ang kanilang mutwal na tendensiyang maging tagapagsimula at tagapagsiyasat ng zodiac. Tunay silang magkasundo dahil sa kanilang kasigasigan, enerhiya, at determinasyon. Pinagbubuklod sila ng kanilang mga magkakatulad na interes at magkaparehong personalidad.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.