Bagay ba Aries at Scorpio? Magkakatuluyan ba kami ng boyfriend ko?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

ARIES at SCORPIO

Kapag nagsama ang Aries at Scorpio sa isang tambalan ng pag-iibigan, maaaring maging tipo ng relasyon ito kung saan magtataka sila kung paano sila nabuhay nang magkahiwalay. Parehong gusto ng dalawang sign ang kapangyarihan at kaya nilang makamit ang halos lahat ng kanilang gugustuhin – basta’t matutunan nilang pagsaluhan ang pansin ng mga tao. Napakahusay magpokus ng Scorpio; oras na ituon nila ang kanilang pansin sa Aries, malamang na walang kakayahan ang Aries na tumanggi! Mayroong mas malalim at mas masalimuot na dedikasyon ang Scorpio sa relasyong ito kaysa sa Aries.


Ang parehong sign na ito ay may tendensiyang pumasok sa mabibigat at maiinit na pagtatalo. Ang kanilang ugnayan ay napakamadamdamin at madalas na maargumento, dahil pareho silang may tendensiyang maging seloso/selosa.



Madalas na mas mahaba ang pasensya ng Scorpio, ngunit mas mapang-angkin naman kaysa sa Aries – at kayang umatake (gamit ang kamandag ng Alakdan!) kapag sila ay nasasaktan. Sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba pagdating sa ugnayang emosyonal, pareho nilang gusto ng mga panganib at pagbabakasali; hindi ito nakakainip na relasyon! Maaaring magkaroon ng napakaraming pakikipagsapalaran ang Aries at Scorpio nang magkasama. Maaaring magkaroon sila ng kahirapan sa pag-unawa sa bawat isa – tunay na mapagkaibigan, tapat at bukas ang Aries, samantalang mas mahiyain, emosyonal, at minsan, ay nangongontrol ang Scorpio. Minsan, kailangan ng truce upang pahintulutang tumakbo nang maayos ang mga relasyon!


May tendensiya ang Aries at Scorpio na magkaroon ng nakakapanabik na mga panahon kapag magkasama (parehong sa loob at labas ng kwarto!). Karaniwan lamang ang mga pagtatalo sa mga napakamapanghamong pares – at tunay na kaasam-asam ang pagbabati at ang kasunod nitong mainit na lambingan!


Ang Aries ay isang Fire sign at ang Scorpio ay isang Water sign. Ang dalawang elementong ito ay napakagandang kombinasyon kung magtutulungan sila sa pamamagitan ng pagsasanib ng emosyon at pisikal na aksyon upang maisagawa ang mga bagay-bagay. Mahusay magbuo ng estratehiya ang Scorpio, at matutulungan niya ang Aries na magdahan-dahan at matutunan ang pagpaplano bago sumabak sa labanan. Tuturuan naman ng Aries ang Scorpio na magpaubaya at tumuloy sa susunod na yugto kapag hindi nasusuklian ang kanilang mga pagsisikap. Gayunman, kaya ring patayin ng Tubig ang Apoy, at ang tendensiya ng Scorpio na mangontrol ng emosyon ay mayroong kahalintulad ng epekto sa Aries – masyadong nababasa ang kasigasigan ng Aries. Sa kabilang banda, ang sobrang Apoy ay nagdudulot ng mabilis na pagkatuyo ng Tubig; kapag napapagod ang emosyon, maaaring maging mapaghiganti ang Scorpio. Mahalaga para sa Aries at Scorpio na magtulungan, at hindi magbangayan.


Ang Aries ay isang Cardinal Sign at ang Scorpio ay isang Fixed Sign. Matuturuan ng Aries ang Scorpio hinggil sa pagtitiwala sa likas na pagdaloy ng mga bagay – ang paggawa ng mga bagay para lamang maranasan ito, sa halip na laging magkaroon ng adyenda sa isip. Matuturuan naman ng Scorpio ang Aries na patatagin at tapusin ang mga bagay sa halip na laging tumalon sa mga panibagong proyekto nang hindi tinatapos ang nakahapag sa mesa. Kapag kaya nilang unawain na pareho silang matapat at dedikado sa isa’t isa, maaari silang parehong maging boss – ang Aries bilang tagapagsimula at ang Scorpio bilang emosyonal na pinuno.



Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Aries-Scorpio? Ang kapangyarihan ng kanilang pinagsamang pwersa. Pareho silang mga wagi at hindi bumibigay, at iyon ang dahilan kung bakit hindi napapanatag ang kanilang relasyon sa pangalawa sa pinakamaganda.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.