Bagay ba Aries at Taurus? Magkakasundo ba kami ng boyfriend o girlfriend ko?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

ARIES at TAURUS

Kapag nagsama ang Aries at Taurus sa isang pag-iibigan, ang pagsasama ay magiging natural na pag-iisang-dibdib na nakabatay sa Pag-ibig, na kinakatawan ng Taurus, at Pagsinta, na kinakatawan ng Aries. Ang relasyong ito ay binubuo ng balanse. Gusto ng Aries ng aksyon kaagad, habang mas gusto ng Taurus na magdahan-dahan. Maaari itong lumikha ng problema; gustung-gusto ng Taurus ang sinusuyo at niroromansa – dalawang konsepto na hindi nakaugalian ng tapat, marahas, at diretsahang Aries. Maaaring mapagkunan ng malalaking aral ang tamabalang Aries-Taurus para sa parehong sign. Matutulungan ng Taurus ang Aries na magdahan-dahan sa pagsunod sa mga udyok ng kanyang damdamin, habang matutulungan naman ng Aries ang Taurus na mas maging ispontanyo at malakas ang loob.


Senswal, pasensyoso, at malumanay ang Taurus. Naaakit ang Aries sa mga kalidad na ito; nakikita ng Aries ang Taurus bilang kanilang bato, napakatatag at matapat magpakailanman. Nakikita naman ng Taurus ang Aries bilang nag-aangkin ng kalidad na nais nilang magkaroon nang higit pa – ang kakayahang malaman kung kailan at paanong sunggaban ang mga pagkakataon sa buhay. Ang mga sign na ito ay napakahusay na balanse para sa bawat isa. Maaaring makipaglaro paminsan-minsan ang Aries sa Taurus, inuudyukan ang Taurus na gumawa ng mga desisyong hindi pinag-isiipan, ngunit madalas ay kinakayang kumbinsihin ng toro ang lalaking tupa na magdahan-dahan nang kaunti. Ang Aries ang nagpapasabik sa relasyon, habang ang Taurus naman ang nagdadala ng katiyakan at romansa. Habang gusto ng Aries na makakuha ng agarang kasiyahan, maipapakita ng Taurus kung ano ang maaaring makuha mula sa sexy, senswal, mabagal at banayad na kilos.


Ang Aries ay isang Fire sign at ang Taurus naman ay isang Earth sign. Gustong kontrolin ng Aries ang kanyang tadhana, samantalang kailangan ng Taurus na masigurado ang seguridad at katatagan. Minsan, maaaring maging mapang-angkin ang Taurus, na hindi naman isasawalang-bahala ng mapagsariling Aries. Kung kayang bigyan ng Aries ng katiyakan ang Taurus na matatag ang relasyon at hindi aalis ang Aries, kayang maging pleksible ng Taurus at kakayanin niya ring tiisin ang kagustuhan ng Aries na amgsarili hangga’t maaari.


Cardinal sign ang Aries, at Fixed sign naman ang Taurus. Sa relasyong ito, hindi masusunod ang Aries anuman ang kanyang gawin, kaya’t mas maiging huwag nalang niyang subukan. Ang Taurus ay isang Fixed sign na hindi bibigay; mas malayo ang mararating ng Aries gamit ang maingat na pagkilos at alindog (kahinaan ng Taurus ang dalawang iyon) kaysa sa pakikipagtalo, dahil hinding hindi natatalo sa debate ang Taurus. Parehong gustong mamuno ng dalawang sign sa relasyon, kung kaya napakahalaga ng pagkompromiso.



Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Aries-Taurus? Ang madamdaming kalikasan ng relasyon. Napakaganda nitong balanse ng enerhiya sa pagitan ng masculine at feminine, pabigla-bigla at dahan-dahan. Ang kanilang magkasalungat na mga personalidad at kakayahang matuto mula sa isa’t isa ang dahilan kung bakit ang kanilang relasyon ay relasyon ng mutwal na pagbibigayan at pagbibigay-kasiyahan.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.