Bagay ba Aries at Virgo? Magkakatuluyan ba kami ng boyfriend ko?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

ARIES at VIRGO

Kapag nagkasama ang Aries at Virgo sa isang tambalan ng pag-iibigan, maaaring isipin nila suna na wala silang pagkakapareho at walang matututunan sa isa’t isa. Medyo matagal bago umunlad ang relasyong ito dahil kailangan pang matutunang maunawaan ng bawat isa kung ano ang pinanggagalingan nila. Maaaring magmukhang lubos na magkasalungat ang Aries at Virgo: habang ang Aries ay marahas, dominante at agresibo, laging tumatalon sa mga bagong usapin at walang pasensya sa karamihan ng pagkakataon, ang Virgo ay napakametikuloso at tahimik, mahiyain sa isang punto, at mapasensyang inaabot ang mga pangmatagalang layunin.


Ang enerhiya ng Aries ay maalab at mapusok habang ang sa Virgo ay higit na mas mabagal at mas balansyado. Ang mga pagkakaibang ito mismo, gayunman, ang makakapagturo sa Aries at Virgo ng napakaraming bagay, kapag nagsimula na silang tumingin nang mas malaliman sa isa’t isa. Sa unang bahagi ng relasyon, maaaring wala silang makikita sa isa’t isa kundi mga pagkakamali. Sa tingin ng Virgo, ang Aries ay masyadong marahas, at sa tingin ng Aries, ang Virgo ay masyadong maselan. Ngunit kung magpopokus sila sa mga kalakasan ng bawat isa, mayroon silang matutuklasang napakaraming bagay. Tuturuan ng Aries ang Virgo tungkol sa kasiyahan at pananabik, tungkol sa kawalang ng plano na madalas ay hindi nararanasan ng Virgo sa buhay. Tuturuan naman ng Virgo ang Aries kung paanong magpasensya at magbigay ng pansin sa mga detalye, ang karunungan na ang mga maliliit na bagay – at mga pagkakataon – ay mahalaga rin. Matuturuan din ng Aries ang kanilang mangingibig na Virgo kung paanong huwag masyadong seryosohin ang mga bagay-bagay. Matuturuan naman ng Virgo ang Aries na maging magalang at pahalagahan ang pagsisikap.


Gustong magmadali ng Aries at lumaban nang walang sinasayang na oras sa pagpaplano o pagbubuo ng estratehiya. Sa kabilang banda, gusto ng Virgo na suriin ang lahat at iplano ang lahat ng detalye bago kumilos. Ang mga ito ay lubhang magkasalungat na pamamaraan na maaaring humantong sa di-pagkakasundo. Kailangang magsumikap ng parehong sign na upang matutunan ang pamamaraan ng bawat isa sa halip na hayaang mabahala sila sa likas na pamamaraan ng kanilang kapareho hanggang sa mawalan sila ng pokus.


Ang Aries ay isang Fire Sign at ang Virgo ay isang Earth Sign. Kung kailan napakamaalab ng damdamin ng Aries, nananatili namang balansyado at praktikal ang Virgo. Tinitimbang ng Virgo ang lahat ng opsyon bago magsagawa ng seryosong pagsisikap, habang nakikita lamang ng Aries ang gusto niyang makita at umaaksyon na kaagad! Totoo ito pareho sa career at sa mga personal na relasyon – bagay na maaaring maging hadlang. Kung hindi pa napagpapasyahan ng Aries na si Virgo ang gusto niya, maaaring makaramdam sila ng pagkabigo sa nalalapit na panahon, habang hinihintay si Virgo na magpasya kung ang relasyon nila ay maganda bang ideya.


Ang Aries ay isang Cardinal Sign at ang Virgo ay isang Mutable Sign. Hindi kailangan ng Virgo na maging pinuno o ang boss; masaya silang sumunod sa suhestyon ng iba kapag napagpasyahan nilang maaari naman ito. Ang Aries, sa kabilang banda, ay gustong siya ang magbigay ng mga suhestyong iyon—sa lahat ng pagkakataon. Ang bahaging ito ng relasyon ay kapakipakinabang kung nagtutulungan bilang team tungo sa iisang layunin ang dalawang sign na ito.



Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Aries-Virgo? Ang kanilang pagiging napakaepektibo bilang team – sa negosyo man o personal na relasyon. Bagama’t magkasalungat sa napakaraming aspeto, ang kanilang relasyon ay lubos na kapakipakinabang sa isa’t isa.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.