CANCER at AQUARIUS
Kung ang Cancer at Aquarius ang mag-iibigan, ito’y magiging kaso ng salungat na atraksyon. Ginagamit ng Cancer ang emosyonal na approach sa buhay, ang Aquarius naman ay masayahin at unconventional approach. Habang minsan, nakatago ang Cnacer sa kanyang shell, Ang Aquarius naman ay extrovert, gustong mag-organize ng mga bagay at mahilig sa mga kasiyahan. Gusto nilang makita ang kanilang sariling napapalibutan ng mga kaibigan; ang pakikipag-sosyalan ang kanilang gusto sa buhay! Kung maipagsasama ng dalawa ang kanilang mga katangian sa magandang paraan, makakapunta sila saan man nila gusto nang magkasama.
Sila’y parehong ma-ambisyon at determinado. Gusto nilang makuha ang kanlang mga gusto sa kanilang mga paraan at wala sa kanila ang gusto ng gulo. Ang Cancer ay pwedeng maging makaluma, nakatali sa tradisyon at mga gawain at ang kanilang moral ay konserbatibo kaysa progresibo. Samantalang moderno at nauuyam naman ang Capricorn sa mga pabalik-balik na mga gawain o routine, na kung saan komportable ang Cancer. Maaaring maintriga ang Cancer sa katangiang ito ng Aquarius, ngunit ang tradisyunal na Talangkang ito ay maaring mabagot sa pakikipagsabayan sa kaisipang ito ng Aquarius. At hindi man magugustuhan ng Aquarius ang pagigin psossessive ng Cancer, magiging masaya naman sila sa matatag na pundasyong naibibigay ng nito sa kanila. Kailangan lang nilang aminin ito!
Matuturuan ng Cancer ang sosyal at intelektwal nilang mangingibig na Aquarius ang kahalagahan ng mga emosyon at ang kanilang feminine influence ay makakapagbigay kagandahan at kasiyahan sa kanilang tahanan. Habang naituturo ng Cancer ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuting kalooban, maituturo naman ng Aquarius ang kabaligtaran nito. Kayang mailayo ng mga Aquarians ang kanilang mga sarili sa mga mahihirap na sitwasyon at suriing mabuti ang kanilang goals kung sila’y nawawala sa kanilang direksyon. Hindi naman sa palaging malamig, makakabenepisyo ang Aquarius sa mainit at feminine Moon-based na impluwensya ng Cancer.
Isang intelektwal na ehersisyo ang buhay para sa Aquarius, isang palagiang pakikipagsapalaran at pagpapalawak ng kaisipan. Ang Cancer ay mas pragmatic. Tumitigil ang Cancer at naitatanong, “Ano ang pakiramdam nito?” samantlang ang mga Aquarians ay naitatanong “Ano pa ang meron dito?” Maaaring maging mahirap sa dalawang intindihin ang pinanghuhugutan ng bawat isa, at maaaring magkaroon ng pagtatalo kung masyadong walang pakialam ang Aquarius o magiging masyadong emotionally demanding ang Cancer. Maaaring mauwi sa salungat na kadahilanan ang dalawa: hihingi ng hihingi ang Cancer, samantalang palayo ng palayo ang Aquarius. Kung matatanggap nila ang kanilang pagkakaiba, makaka-move on ang dalawa at mai-celebrate ang kanilang kaibahan kaysa makaramdam ng pagkatakot dito. Parehong nagsusumikap ang dalawa sa pag-abot ng kanilang goals. Kung magkakaroon sila ng isang set path o patutunguhan, susundan nila ito hanggang sa huli. Gamit ang parehong pagsusumikap na ito--at kung pahahalagahan pa nila ang kanilang relasyon-- hindi malalayo ang dalawa sa ganitong pag-iisip at iisipin nilang palagi ang bawat isa. Kapag nagkakaroon ng mga argumento o pagtatalo, nadidiskubre ng Aquarius na kahit may pagka-mahiyain at nakatago sa kanilang shells ang mga Cancer, maaari rin silang maging galit at dogmatic o makaluma, at ginagamit ang emosyonal na manipulasyon sa kanilang mga minamahal. Nababahala rin ang Aquarius sa pagiging masyadong emosyonal ng Cancer. Magkakamabutihan ang dalawa kung magkakasundo silang dalawa sa iisang goal.
Ano ang pinakamagandang bagay sa relasyong Cancer-Aquarius? Kung makapag-desisyon silang maging isa at magkasundo, ang kanilang pagsasama ay sobrang lakas at tatag. Kung makapag-desisyon silang ipagsama ang kanilang mga enerhiya at lakas, makikita nila ang kanlang natural na balanse at magkakaroon ng kasiyahan sa kanilang pagkakaiba kaysa pahintulutan itong takutin upang mag-ibigan.