Bagay ba Cancer at Aries? Love compatibility,magkakasundo o magkatuluyan ba kami

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Kapag nagtagpo at mag-iibigan ang Aries at Cancer, ito’y magiging isang magkasalungat na atraksyon.

Mabilis at diretso magsalita ang Aries samantalang sensitibo at emosyonal ang Cancer. Maaaring maging emosyonal ang Aries-- sa isang mainit at matibay na paraan na pwedeng makaapekto sa Cancer. Kahit na gusto ng Cancer na magdahan-dahan lang sa mga relasyon, ang pagiging mabilis na pamamaraan ng Aries ay maaaring makaimpluwensya dito. Para sa Aries naman, ang Cancer ay nakakabighani sa pagiging sensitibo nito; ito’y isang magandang balanse sa pagiging diretso ng Aries. Magkakaroon ng problema na magmumula sa mood swings ng Cancer at aggression ng Aries na maaaring makakasakit sa damdamin ng Cancer. Kailangang pakinggan ngdalawa ang mga pangangailangan nila at maintindihan na sila’y nagmumula sa ibat’ ibang direksyon para sa iisang goal.


Simbolo ng Tahanan ang Cancer at ang Aries ay simbolo ng Sarili. Ang isang magandang dynamic ng dalawa ay pinoprotektahaan nila ang kanilang mga minamahal sa buhay. Ginagamit ng Talangka ang kanyang Shell para protektahan ang mga mahal sa buhay sa mga panganib, habang ginagamit ng Ram ang lakas at tapang. Naibibigay ng Cancer sa Aries ang isang masaya at maginhawang buhay mag-asawa at emosyonal na seguridad. Maaaring maging masyadong mapang-angkin sila, na pwedeng hindi ikakasaya ng malayang Aries. Ganunpaman, makakatulong ang Aries sa pamamagitan ng pagsisigurado sa Cancer na sila’y minamahal at pinahahalagahan. Kailangang matutunan ng Aries na makinig sa Cancer: Ginagamit ng Cancer ang kanilang instinct at ang kanilang payo ay makakatulong sa Aries na maiwasan ang mga maling desisyon dahilan ng kawalan ng pagpa-plano. Isang sundalo ang Aries na hinaharap ang mga problema. Ang pagiging bukas at madamdamin ng Aries ay nakakaapekto sa Cancer, na minsan ay isinasaloob ang mga emosyon at damdamin. May malakas at na feminine energy ang Cancer, at makakatulong ang Aries sa kanila upang mailabas ito. Palaging nakasuporta ang Cancer (habang ang Aries ay humaharap sa mga pagsubok at labanan). Sentimental ang Cancer at matuturuan nito ang Aries na i-enjoy ang buhay kaysa magmadali sa mga bagay-bagay.


Matutulungan nito ang Aries na maging mahinahon, samantalang matutulungan ng Aries ang Cancer na lumabas sa kanilang mga shell. Ngunit minsan, gagamitin ng Cancer ang emosyon sa manipulasyon--at magkakaroon ng maraming tubig at makakaapekto ito sa kasiglahan ng Aries. Sa kabagligtaran naman, napapakulo ng maraming Apoy ang Tubig, at magiging dahilan ito para mawalan ng emosyon ang Cancer. Kailangang mag-usap ang dalawa nang bukas at malaya para masigurado at mapanatili nila ang kanilang balanse.


Parehong gusto ng dalawa ang simulan ang mga bagay, ngunit kailangan nilang matutunan na magtulungan. Ang Aries ay ang pinuno, na laging nagmamadali para sa mga pagsubok, pero nagiging pinuno din ang Cancer sa pamamagitan ng pagkontrol sa emosyon at sa abilidad nitong malaman ang mga sitwasyon. Sa kanilang dalawa, ang cancer ang mas may posibilidad na bumigay sa mga kompromiso kaysa sa Aries, dahil ang Aries ay hindi bukas sa pagsuko, kaya kailangang tanggapin ito ng Cancer.


Ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Aries-Cancer na relasyon? Kapag napagtanto nila na sila’y iisang team, ang kombinasyon ng Apoy at Tubig ay posible. Palaging nakasuprta ang Cancer para sa Aries. Ang kanilang abilidad na maibigay ang pangangailangan ng bawat isa ang dahlan upang sila’y magkaroon ng balanse at pantay na relasyon.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.