CANCER at CANCER
Isang mapagmahal at emosyonal na relasyon ang makakamtan ng dalawang Cancer kapag silang dalawa ang magmamahalan. Ang kanilang pares ay may debosyon sa isat’ isa, walang hangganan ang kanilang katapatan. Alam na alam nila ang bawat isa. Nasisiyahan sila sa kanilang naibibigay na commitment. Sila’y may tiwala, mapag-alaga, matulungin, at nauunawaan ang kanilang kanya-kanyang pangangailangan at nakatuon din sa paglikha ng isang masayang tahanan at pamilya-- lalung-lalo na kapag naiwaksi nila ang paggmait ng manipulasyon at pagkaawa sa sarili.
Matutulungan nila ang bawat isa sa kanilang relasyon kung maisasantabi nila ang kanilang fluid at moody emotions.
Nasa tahanan ang lugar ng Cancer. Nalilimutan nila ang ibang bagay kapag nararamdaman nila ang kapanatagan at seguridad, at hindi pinapansin ang opinyon ng iba. Ang karakter na ito’y nadadala sa mga relasyon: katulad ng pagpapapahalaga nila sa kanilang mga materyal na bagay, handa silang ipaglaban ang kanilang mga mahal sa buhay kapag ito’y nalagay sa panganib. Ito ang kanilang pinakamagandang kontribusyon sa relasyon. Ang kanilang pagiging emosyonal ay nangahulugan din ng pagkagalit at pagkapuno. Habang naapektuhan ng mood swings ang kanilang mga sarili, ang emosyonal na manipulasyon ang kailangang bantayan sa kanila.
Simbolo ng Tubig ang Cancer. Ang instinct at emosyon ang napapatakbo sa kanilang relasyon. Kasama ng malalim at malakas na mga kapangyarihang ito ang pagiging fragile, dahil ang damdamin ng Cancer ay madaling maapektuhan at madali ring nasasaktan. Kaya ginagamit nila ang kanilang shell kapag natatakot o nararamdaman ang panganib. Ang pag-atras na ito sa mga problema ay nakakapekto sa dalawa, ngunit ang dalawang Cancer ay naiintindihan ang bawat isa para sa pangangailangang mapag-isa at umiwas sa mga problema. Kailangan lang nilang maunawaan na hindi ito personalan at magtatagal. Ang katangiang ito ng Cancer ang pumu-protekta sa kanila at sa kanilang mga mahal sa buhay mula sa mga masasakit na katotohanan sa mundo.
Ang kanilang emosyon at kapangyarihang makaintindi ay nagiging depensa nila sa stress. Hindi sila mahiyain sa mga bagay na gusto nilang makuha sa kanilang kapareha. Nagagamit nila ang kanilang emosyon dito. Subali’t maaari itong makaapekto sa kanilang kaparehang Cancer at makasakit rin ng damdamin. Ang pagiging tapat ang nagpapapatag sa kanila, ngunit maaaring dahilan din ng pagkawala nito. Kailangan nilang makita at maunawaan ang mga bagay base sa opinyon ng kanilang kapareha ganun din ang sa kanila.
Ang pinakamagandang bagay sa kanilang relasyon? Ang kanilang malakas na hangaring mapatatag ang kanilang relasyon at ang matibay na emosyon na nagbibigkis sa kanila. Pinoprotektahahan nila ang bawat isa at pinapanatiling ligtas ang kanilang pagmamahalan nang magkasama, habang bumubuo ng isang simple ngunit masayang buhay at mapagmapahal na pamilya.