Bagay ba Cancer at Capricorn? Magkakatuluyan ba kami ng crush ko? Magkakasundo

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

CANCER at CAPRICORN

Kung mag-iibigan ang Cancer at Capricorn, ito’y isang pares ng malaking lakas at determinasyon. Ang Capricorn, na isang Sea Goat, a nakatuon sa logic, mapagkumbaba at pagiging totoo; Nagbibigay naman ng emosyonal na lakas sa relasyon. Nirerespeto ng dalawa ang bawat isa. Nakikita ng Cancer sa kanilang pares na Capricorn ang dedikasyon at bilang ganti, nagugustuhan ng Capricorn ang pagiging masikap ng Cancer. And dalawang Sign na ito na nagmumula sa magkasalungat na posisyon sa Zodiac ay maaaring magkaisa at makabuo ng matagumpay at may seguridad na koneksyon.


Ang kanilang relasyon ay nabubuo mula sa matibay na materyal at emosyonal na seguridad. Parehong maaasahan nag dalawa sa paggawa ng mga konserbatibong desisyon. Hindi kailangang maging tahimik lang ang lahat, dahil matutulungan ng Cancer sa kanilang masikap na mangingibig na Capricorn ang mag-relax at mag-enjoy pagkatapos ng buong araw na pagtratrabaho. Ang Cancer din ang magpapaganda at magpi-preserba sa bunga ng kanilang pagsisikap at tagumpay; siya rin ang taga-alaga ng mga ala-ala at mga bagay. Natutulungan ng Capricorn ang Cancer sa upang magtagumpay, at nakabantay rin sa kanila, napapaliwanagan sa mga mas importanteng bagay sa mundo labas sa kanilang madaling nasasaktan na puso at damdamin. Magtatagumpay ang relasyong ito kung may matibay na commitment at matatag at tradisyonal na paligid para maging tahahan.


Matuturuan ng Cancer ang kanilang seryosing mangingibig na Capricorn kung paano i-enjoy ang buhay at i-appreciate ang kagandahan sa paligid at mga kasaganaan sa buhay. Natuturuan ng Capricorn ang Cancer uoang maging disiplinado at magsikap na makuha ang kanyang goals sa buhay.

Gusto ng dalawa na napapalibutan ng magagandang bagay--isang magandang bahay, mga sining, magagarang sasakyan. Ang kanilang kagustuhan sa mga bagay na ito ang makakasigurado na sila’y magsisikap na maabot ng kanilang mga gusto. Ang kagustuhan din sa mga bagay na ito ang dahilan upang sila’y hindi magkaroon ng pagtatalo na ang isa sa kanila ay mamumuhay ng marangya o higit pa sa kung ano meron sila.


Pareho silang tagasimula ng mga gawain, aktibo, at malakas ang loob. Pwede man itong pagsimulan ng mga pagtatalo, makakapagbigay ito ng katatagan ng emosyon sa Capricorn, dahil dedicated ang Cancer sa kanilang relasyon. Ang kanilang pagkakaiba sa emosyonal na aspeto ay bagay sa kanilang dalawa--ang Capricorn na nagtatagumpay na tapusin ang mga bagay, at naibibigay naman ng cancer ang emosyonal na payo kung ito ay kailangan. Magiging maganda ang kanilang pagsasama kapag pahihintulutan nila ang isa’t isa na magamit ang kanilang mga janya-kanyang lakas.



Ang pinakamagandang bagay sa relasyong Cancer-Capricron? Ang kanilang matibay na dedikasyon sa isa’t isa at kanilang committment sa kanilang parehong goals. Parehong gusto nila ang kalidad at kagandahan sa paligid, mga bagay, at walang problema sa kanila ang magsumikap kung ito ay kailangan (sa totoo lang, mas gusto ng Capricorn ang magtrabaho kaysa sa halos anumang bagay!). Ang kanilang katulad na mga kagustuhan, pagiging responsable at moralidad ang dahilan upang bagay ang kanilang relasyon.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.