CANCER at LEO
Kapag mag-iibigan ang Cancer at Leo, alam nila ang pangangailangang emosyonal ng bawat isa. Nanganagailangan sila ng dedikasyon, pagmamahal at pag-aalaga, ngunit habang hinahanap ng Cancer ang katatagan at emosyonal na kaayusan, gustong-gusto naman ng Leo ang mga papuri at totoong admirasyon. Parehong tapat ang dalawa, na kung minsan ay nauuwi sa pagiging possessive, seguridad para sa Cancer, at tiwala sa sarili naman para sa Leo. Pareho silang committed sa isang mahaba at rewarding na koneksyon. Dahil pareho sila ng mga gusto, napupunan nila ang mga importanteng kawalan sa buhay ng bawat isa.
Gustong-gusto nilang pareho ang kaginhawaan at seguridad, isang mapagmahal at masayang pamilya at tahanan. Naibibigay ng Leo ang apoy at damdamin, at naibibigay ng Cancer ang sensitibo ngunit malakas na kagustuhan na mag-alaga. Ang Leo ang mas matapang sa dalawa. Dahil parehong malakas ang kanilang pag-iisip, kailangang pagsikapan nilang maunawaan na matanggap ang bawat isa. Hanap ng Leo ang mga papuri at appreciation, habang mas gusto ng Cancer ang seguridad at katatagan. Gusto ng dalawa ang pamunuan ang kanilang relasyon, ngunit nagagawa nila ito sa magkaibang direksyon. Maiiwasan nila ang mga pagtatalo sa mga pagkakaibang ito. Dapat pahahalagahan nila ang kanilang relasyon, at maiparamdam nila sa isat’ isa na importante ito para sa kanila sa mga praktikal at romantikong paraan, nahahanapan nila ito ng masayang paraan.
Kapag stressed, nagiging opinionated at nagiging matigas ang kalooban ng Leo, at nagiging malalim sa paggamit ng manipulasyon ang Cancer. Ang Cancer ang tagasimula ng mga bagay na gagawin, at nagagamit ng Leo ang kanilang enerhiya upang makatulong at maisakatuparan ang mga gawaing ito. Kung gugustuhin, mas nanaisin ng Cancer ang magkaroon ng tahimik at matatag na buhay, na hindi nangangailangan ng luho o katanyagan. Ang Leo naman ay gustong makipagsapalaran sa buhay. Habang maaaring maging emotionally committed sila sa isang relasyon, pwedeng susundin pa rin nila ang kanilang natural na mga kagustuhan AT kumpletong naibibigay ang debosyon sa bawat isa. Magkakaroon sila ng problema at walang kasiguruduhan sa kanilang emosyon kung pareho nilang hindi maipaparating ng malinaw ang kanilang intensyon at pag-ibig sa bawat isa. Ang Cancer, na nakatago sa kanilang mga shell, ang maaaring maging tahimik na nagko-kontrol sa kanilang dalawa, at posibleng gamitin at i-manipula ang kanilang minamahal na Leo kung praktikal upang gawin ito.
Ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Cancer-Leo? Ang kanilang parehong commitment sa isang tapat na relasyon. Maibabahagi nila sa bawat isa ang isang supportive, positibo, at healthy vibe. Isang matagumpay na kombinasyon ang dalawa para sa ibang tao, at ang kanilang parehong kagustuhan na magkaroon ng mapagmahal na relasyon na may seguridad ang dahilan upang magkaroon sila ng kapayapaan sa kanilang relasyon.