CANCER at PISCES
Ang pag-iibigang Cancer at Pisces ay isang positibong pagsasama ng mga esprito. Parehong mapagparaya at maunawain ang dalawang Sign na ito, at nagkakaroon ng lakas ang Pisces mula sa mga ideya ng Cancer. Mabubuksan ng Pisces ang mga mata ng Cancer sa mundo ng pagkamalikhain at esperitwalidad. Ang pagiging praktikal ng Cancer naman ay magsisilbing daan para sa magbunga ang mga mapangarap na mga ideya ng Pisces. Ang kanilang pagsasama ay humuhugot ng mga benipisyo mula sa nakakamanghang lakas at malawak na emosyonal na pagsasama.
Gusto ng Cancer ang mga materyal na bagay, naa-appreciate nila ito. Gusto nila ng kaginhawaan sa kanilang tahanan at kung minsan, maaaring hindi maintindihan ang simple at payak na pamumuhay ng Pisces. Kahit na magkaiba sila ng goals sa mga bagay at gustong makamtam, ang kanilang malalim na emosyon sa isa’t isa ang nagpapaligaya sa kanila sa kanilang relasyon.
Sa pangkalahatan, bagay ang tambalang Pisces at Cancer. Nasa mundo ang Pisces para lumikha ng human connections at kapag nakatagpo sila ng Cancerian na madamdamin at maalaga, wala ng mas lalakas pa sa kanilang pagsasama. Para hindi mawala sa romantikong idealismo ang dalawa, makakatulong ang pagkakaroon ng stable na pananaw sa buhay ng Cancer. Naiintindihan ng Cancer ang pagkakalito sa emosyon at matutulungan ang Pisces dito. Kahit na maaaring mapagod ang Cancer sa pagiging malayo ng isip ng Pisces, at maaaring mabahala ang Pisces sa pagiging makasarili o self-centered ng Cancer, madali lamang sa pares na ito ang magkaroon ng kompromiso.
Kahit na madamdamin, sa pag-ibig, at sa buhay, gusto ng Cancer na gawin ang mga bagay na may magandang ideya at isang matibay na plano, at isusulat nila ito para maalala. Ang Pisces naman ay ginagamit ang kanilang instinct; nawawala nila ang plano pagka bigay nito ng Cancer sa kanila. Kailangang maibigay ng Cancer sa Pisces ang kalayaang ma-enjoy ang kanilang mga panlabas na interes at paminsan-minsan, sundin ang mga gusto nito. Maipapakita ng Pisces sa Cancer na ang pagtatapos sa mga bagay ay mas mainam kaysa simulan ang mga ito, at ang kompromiso nang walang paghihirap ay masusuklian din. Parehong kumukuha ng lakas at enerhiya ang dalawa mula sa isa’t isa, at magiging bagay sa romantikong pag-iibigan.
Ano ang pianakamagandang bagay sa pag-iibigang Cancer-Pisces? Ang kanilang parehong natural na emosyon. Pareho silang may malaking kapasidad para sa emosyon at compassion. Nababagay nila ang kanilang mga sarili sa isa’t isa. Ang pangkalahatang pang-unawa at commitment na pinahahalagahan ng dalawang Sign na ito sa kanilang relasyon ang nagpapatibay at dahilan upang magtagal ang kanilang relasyon.