CANCER at VIRGO
Kung ang Cancer at Virgo ang mag-iibigan, isang matatag, mapagkumbaba at matagal na pagsasama ang nagiging masayang resulta. Ang kanilang relasyon ang may potensyal na gaganda ng gagaganda sa paglipas ng panahon. Pareho silang disiplinado at nakatuon sa kanilang mga mithiin. Sila’y tapat at devoted sa isat’ isa at may malakas na sense of purpose o kadahilanan sa buhay. Nagugustuhan nila ang bawat isa: nirerespeto ng Virgo ang tahimik na katatagan at dedikasyon ng Cancer habang nagugustuhan ng Cancer ang pagiging maunawain at talino ng Virgo.
Magiging mabagal ang simula para sa dalawa, ngunit paglipas ng panahon, ang kanilang pagsasama ay nagiging mas malakas. Ang kanilang pares ay may common sense at matatag nga mga prinsipyo kaysa sa mga madalian at walang halagang koneksyon. Nagugustuhan nila ang mga materyal na bagay sa buhay, kung ito’y resulta ng tapat na pagtratrabaho at pagsisikap. Maaring magkaroon ng mga kunting hindi pagkakaintindihan kung magiging kritikal ang Virgo sa pagiging emosyonal ng Cancer; kailangang maintindihan ng Cancer na ito’y paraan ng Virgo upang mailabas kung anuman ang kanilang nao-obserbahan, na ito’y hindi personal na atake. Maaaring magiging problema sa Virgo ang katangiang ito ng Cancer, ngunit taglay ng Virgo ang katangian sa pagiging pasensyoso at maunawain bilang mangingibig. Ang kagustuhan ng Virgo na magsilbi ay nababagay naman sa pagiging mapagmahal at mapag-alaga ng Cancer.
Naibabagay ng Virgo ang sarili sa mga sitwasyon. Ginagamit nito ang intelektwal na pamamaraan sa buhay (kumara sa emosyonal na Cancer), ngunit nakakaya ring gamitin pang-unawa at kung ano man ang nararamdaman sa mga bagay kung pipiliin nila. Magiging mabuti ito sa Cancer, maibibigay nila sa kanilang mangingibig na Virgo ang debosyon at kasiyahan kung ito ang gusto nila. Hindi nila pagtatalunan ang pagpuno sa mga kailangan ng bawat isa. Pinagtratrabahuan nila ito, natatanggap at ginagamit ang kanilang konsyensya para dito.
Gusto ng dalawa na mapalibutan ng magagandang bagay. Ginagamit ng Simbolong Tubig (Cancer) ang emosyon at damdamin, na nagiging dahilan para maging emosyonal na lakas ang Cancer sa relasyon. Kasama ng kanilang pangarap ng kasaganaan, ang kanilang kagustuhan na magkaroon ng isang masayang buhay ay magiging dahilan upang silang dalawa ay magsumikap para maabot ang kanilang mga mithiin. Hindi magiging isyu sa kanila ang kawalan ng control dahil parehong praktikal ang dalawa.
Habang napapanatili ng Cancer ang mga bagay, gusto ng Virgo ang mga pabagu-bagong responsibilidad at pagsubok. Dahil gusto nila gumala sa lahat ng lugar, magkakaroon ng puwang ang Virgo para kay Cancer kung gusgustuhin nito. Isinasaisip naman ng Virgo ang mga plano ng Cancer, at nagbibigay ng nga resulta kahit nakapag move on na ang Cancer.
Ang pinakamagandang aspeto sa kanilang relasyon? Ang kanilang dedikasyon na pagtrabahuan ang kanilang mga parehong gusto. Nalalasap nila ang isang magandang buhay-pamilya at magagandang bagay, at gustong-gusto ng Virgo ang pagtulong sa Cancer na maabot ang kanilang mga mithiin. Ang kanilang parehong goals sa buhay at mga kagustuhan ang nagiging dailan para maging bagay ang dalawa sa kanilang relasyon.